Matapos ang engkwentro ko sa babae na tumulong sa akin ay no choice ako kundi mag commute pauwi. Medyo gumaan naman ang loob ko dahil sa babae pero naroon pa rin ang pamilyar na kirot sa puso ko dahil sa nasaksihan mismo ng sarili kong mga mata kung gaano kalaki ang agwat namin ni Layra, buhay ni Darius. Tama siya asawa lang ako sa papel at nasa kanya ang lahat ng gusto ko na makuha sa lalaki. Hating gabi na ng dumating ako sa J tower. Binigyan ko pa ng tip ang grab driver dahil masunurin. Nang magbook kasi ako kanina ng grab ay request ko na ang mga music sana na patutugtugin ay mga kantahan nina Vhong Navarro, Bayani Agbayani at saka kanta ng Masculados. Wala ng puwang ang pagse-senti sa akin dapat. Unti-unti kong aaralin na muling mawalan ng pakialam saka isusunod ang alisin ang damda

