Life goes on! Naging mantra ko na ito mula ng buoin ko sa isip ko na lalayo na ako kay Darius. It's been almost two weeks simula ng hindi na ako lumapit o nagpakita sa lalaki. Oh please congratulate me!!! Syempre sa una ay mahirap talaga mahal ko e. Malimit na naalala ko siya ang kaso mabilis din naman na natatabunan o nawawala lalo't gumuguhit ang sakit na nararamdaman ko dahil sa mga nagdaan na kaganapan. Higit sa lahat doon ay 'yun sa eksena na inabutan ko sila sa hospital. Hindi na 'yan nawala-wala sa utak ko. Handa naman na akong sumugal muli sa pagsunod na grupo ng Venomous. Infact gabi-gabi na halos akong sumusunod at nagbabantay sa mga lugar na ibinigay ng tauhan ko at ang impormasyon na nakalap nila ang gamit ko sa bawat lakad na ikinakasa ko. Naging takbuhan ko na rin an

