“ Em, pahinga ka na muna?” Untag ng kung sino sa akin. Hindi ko ata kayang magpahinga after ng nangyari kanina kay Darius. I saw it, with my own eyes—- Kung paano paulit-ulit ne-revive si Darius ng mga doctor. Naroon na ‘yung takot ko na baka mawala na siya pero, naroon din ‘yung awa na dahil nahihirapan na siya. But I admit , na selfish ako– na ayoko siyang isuko dahil naniniwala ako na hindi kami sa ganito magtatapos. That this is just another trial of our love for us and to our family. Binalingan ko kung sino ang nagsabi sa akin na magpahinga muna ako at nakita ko si Wheng at iba pa na naroon naman sa labas ng ICU dahil hanggang dalawa lang muna ang pwede sa loob. Ang sakit sakit dahil abot kamay ko si Darius pero hindi magawang hawakan ito dahil mas dumami pa ang nakakabit na aparat

