Ang tagal bago ko nakalma ang sarili ko sa pag-iyak dahil sa biglaang mga nangyari sa amin. Si Dragen ay pasapsahan sa mga kaibigan ni Darius na alagaan at buhatin. Si Isko lang naman kasi ang may alam ng tungkol sa anak namin ni Darius. Giliw na giliw sila sa aming anak na ubod din naman ng yabang talaga. Yabang na nakakatuwa para sa munting bata. Ako naman ay tila hinang-hina dahil sa mga naganap at maging sa pag-iyak. Si Mama naman ay naroon na sa kwarto ni Papa. Papa still at sleep, wala pang malay ang aking ama but he's vital is stable. Sabi ng doctor ay magigising naman ito once humupa na rin ang gamot sa kanyang katawan. Kami naman ay, still here in front of the Operating Room waiting for someone to come out—para maki-balita sa kalagayan ni Darius. Almost 3 hours na mula ng lumapag

