Margarette
The air at home feels heavy ever since that night with the Castaniers happened. Kanina nga ay nagtalo na naman sina Daddy at Rig sa study room. Hindi ko na naabutan iyon at nakwento lamang ni Mommy nang madatnan ko siyang umiiyak sa gazebo. She said Rig and Daddy's relationship is getting worse, and that she feels like a failure for not keeping the family at peace.
"Nasaan ho si Rig ngayon, Mommy? Baka pwede ko po siyang kausapin," I suggested.
Mommy Emma sniffed. "Naku, Marga. Masyado nang matigas si Rig. Hindi ko nga akalaing magagawa niyang sigawan ang Daddy niya nang gano'n kahit gusto lang ng Daddy niyang makalimot na kaming lahat." Her shoulders quaked a little. "We just wanna see him happy again."
Sandali kong nilunok ang bara sa aking lalamunan. "B-Bakit po ba, Mommy? Ano ho ba ang . . . hindi makalimutan ni Rig?" I tried to ask even when I already know the answer.
Humugot siya ng matalim na hininga bago ako pilit na nginitian. She even held my hand and gently squeezed it as she spoke. "Kinalimutan ko na 'yon, Marga kaya ayaw ko na ring mapag-usapan pang muli. It took me a lot to get out of the dark place that painful memory had put me into so I hope you will not ask me questions about it anymore, maging sa Daddy mo."
I was taken aback. Bakit parang kahit na ilang taon na ako sa poder nila ay hindi pa rin nila ako gaanong pinagkakatiwalaan? Bakit pakiramdam ko ay hindi naman talaga iyong sakit na naidulot ng nangyari ang dahilan kaya ayaw sabihin sa akin ni Mommy Emma ang tungkol sa panganay nila?
Nahihiya na lamang akong tumango. Hindi naman nagtagal ay niyaya na rin niya akong pumasok sa bahay. Nagsisimula nang kumulog at kumidlat. Sa dilim ng langit ay alam kong babagsak na ang ulan maya-maya lamang.
I sighed while staring outside the window. Nasaan kaya si Rig? Noong isang araw pa siya hindi umuuwi. Bumalik na kaya siya ng Europe? Nagbago na ba ang isip niya?
I pursed my lips and shut the thick curtains when the lightning struck the dark sky. Ayaw kong kulitin si Rig. Ni ang i-chat siya ay hindi ko ginawa kahit na nag-aalala ako. Baka mamaya ay mairita lang sa akin.
Akmang uupo na ako sa kama para mag-review nang makarinig ako ng katok mula sa pinto. I walked straight towards the door and opened it, only to be pushed lightly by the man I've been worrying about in the past couple days.
"Rig . . ." I composed myself. Takot na mapansin niyang nanabik akong makita siya pagkatapos ng dalawang araw na hindi siya umuwi. "S-Saan ka galing?"
He sighed. "I stayed at a friend's resort. Nagpalamig ng ulo."
Sa resort ng friend? May . . . kasama bang babae? O iyong kaibigan mismo ang babae?
I pursed my lips. Why do I have these thoughts? Ano ba kami? What right do I have to shoot him questions like that?
Marahan na lamang akong tumango bago ako naglakad patungo sa aking kama. Bumuntot naman siya sa akin, ngunit nang mabuklat ko ang reviewer ko habang nakasandal ako sa headboard ay nahiga siya sa aking bandang tiyan.
I froze when I realized that this is the second time I felt that he's not near because he wanted s*x. Tila gusto lang niya ng yakap. Na maramdamang hindi siya mag-isa.
"Don't mind me. I'm just a bit tired," aniya sa mahinang tinig habang nakapikit.
A small smile made its way to my lips. Imbes na paalisin siya ay sinuklay ko na lamang ng aking mga daliri ang kanyang malambot na buhok habang ang mga mata ko ay tutok sa reviewer.
I don't know what's so special about what we're doing right now. We're too silent. In fact, the only thing I could hear is the sound of my AC blowing cold air inside my room. Hindi nagtagal, sinundan iyon ng tila mahinang paghilik ni Rig.
Naibaling ko sa kanyang gwapong mukha ang aking tingin. He's resting on my tummy like a baby who finally found comfort after a long day of crying. Akalain mo 'yon? Halos dragon ang tingin ko noon kay Rig tapos ngayon ay naihahambing ko na siya sa isang sanggol?
I smiled. Ibinaba ko na nang tuluyan ang reviewer at nilaro na lamang ang kanyang buhok hanggang sa dinalaw na rin ako ng antok, ngunit sa pagdalaw ng aking panaginip, si Mommy Emma ang nakita ko.
She was telling me things I couldn't understand. Galit siya't tila nais akong pagbuhatan ng kamay. Natakot ako, at nang mapabalikwas ng bangon ay halos habulin ko ang aking hininga.
I sighed when I realized that Rig is still laying his head on my tummy. Nalunok ko na lamang ang sarili kong laway saka ko pinakawalan ang mabigat na hangin sa aking dibdib nang maalala ang aking panaginip.
I don't want to doubt Mommy Emma. She's been really nice to me the moment I became part of the family, but since that night that they had a fight with the Castaniers, I couldn't help but wonder.
Bakit hindi ako kasama tuwing may family gatherings ang mga Samaniego?
Bakit hindi sila nagpapapunta ng kamag-anak dito sa bahay?
At bakit parang . . . ang hirap nilang kausapin tungkol sa Daddy ko?
Pati rin iyong galit ni Rig noong una akong tumapak sa pamamahay nila, dala lang ba iyon ng selos? O may iba pang rason na hindi lang nila masabi sa akin?
Hindi ko maalis ang mga katanungan sa isip ko kaya kahit sa OJT ay para bang wala ako sa sarili.
"Okay ka lang ba talaga?" ulit na tanong na naman ni Nesleigh.
I sighed. "Yeah. Medyo stressed lang dahil malapit na tayong matapos ng kolehiyo." I forced a smile. "Ngayon ko pa natanong ang sarili ko kung para talaga ako sa propesyong ito. Am I really born to help people heal? Or I am meant to be a reminder of what hurts them?"
Napakunot ng noo si Nesleigh. "May nangyari ba sa bahay n'yo at ganyan ka magsalita?"
Umiwas ako ng tingin. "Wala. Tinatamaan lang siguro ng quarter life crisis." Kinuha ko na ang gamot para sa room 7 at 8. "Meds lang muna ko."
She jerked her head. Siya naman ang nagtungo sa kabilang mga silid. Nang matapos akong makapag-check ng vital signs ng pasyente sa room 7 ay ipinainom ko na ang gamot. I then went out to go to the next room. Ngunit bago ko pa nagawa ay may pamilyar nang babaeng naglakad palapit sa akin.
"You're Margarette, right?" may halong pagtataray niyang tanong matapos akong pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Uhm, oo." Kumunot ang aking noo. "Saan ko na nga siya nakita? I swear her face is familiar."
She smirked. "I'm Avi . . . and I'd like to talk to you about my boyfriend."
Napakurap ako. "Sino?"
Gumuhit ang inis sa kanyang mga mata kasabay ng bahagyang paglawak ng kurba sa kanyang mga labi.
"Si Rig Samaniego . . ."