Kabanata 19

1318 Words
Margarette I went out of the coffee shop with a heavy heart and tears building up in the corners of my eyes. Parang ang hirap tanggapin. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o malulungkot. It's like all the emotions I didn't want to feel are wrestling inside my chest, making it so hard for me to properly breathe. Rig did all these because he had no one to pour his anger to. Sinabi niya na noong nasa Bali kami na nagagalit siya at hindi niya matanggap na hindi niya magantihan ang kapatid ko. Kaya ba sa akin niya ngayon ibinunton? Kasi ako na lang ang pwede? Sina Mommy Emma at Daddy Robert, do they know about Rig's plan, too? Nagpapanggap lang ba silang mahal nila ako? Na tanggap nila ako? My lower lip trembled as it got harder for me to prevent my tears from falling. Hindi na ako makahinga. Parang hindi ko yata matatanggap oras na malaman kong pinagtulungan nila ako. I'm innocent. Hindi ko naman pinatay si Emry. Bakit naman sa akin ibinubunton ang hindi ko naman ginawa? I shoved my tears when I noticed a familiar car parked in front of me. Bumaba si Rig ng sasakyan nang nakakunot ang noo. "I've been waiting at the parking lot--are you crying?" tanong niya. Ang iritasyon ay napalitan ng pag-aalala matapos mapansin ang luhang namumuo sa aking mga mata. I tried to look at him, but the moment I met his gaze, I swear I felt all of my remaining strength left my body. Nanginig nang tuluyan ang aking mga balikat dala ng hindi na napigilang paghikbi. Maya-maya ay lumabas ng coffee shop si Avi, nakangisi at nagawa pang lumapit kay Rig. "Hi, baby." She caressed Rig's cheek. "I did you a favor," aniya bago tumalikod at naglakad palapit sa sarili niyang kotseng naka-park sa harap ng coffee shop. I saw how Rig's jaw clenched as worry glistened in his eyes. Tila kahit hindi ko na sabihin kung ano ang iniiyakan ko ay mayroon na siyang ideya . . . at iyon ang lalong bumasag sa akin. He knows. He f*****g knows what's making me cry right now because everything Avi just told me was true! Humugot siya ng hininga. "Get in the car and we'll talk inside--" "T-Tama na." I wiped my tears. "Alam ko na, Rig. T-Tama na. I-Itigil mo na ang p-pagpapanggap." Rig's face softened as if he felt so guilty. Maya-maya ay hinawakan niya ako sa braso at sapilitang pinapasok sa kotse. I wanted to fight and pull away from his controlled grip but the pain I'm feeling is making me weak. Nagawa niya akong papasukin sa loob ng sasakyan, at dahil iyak na ako nang iyak ay siya na rin ang nagkabit ng seatbelt ko. I feel stupid. I feel so weak for letting him take me inside his car but I can't help it. Masyado akong nanghihina dahil sa mga nalaman ko. Lumalamang ang sakit kaysa sa galit, at sa mga sandaling ito, wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang tanungin siya kung kailangan ba talagang ako ang gantihan niya. Rig went inside the car. Pinatakbo niya ang sasakyan ngunit nang makahanap ng pwesto ay ipinarada niya ang kotse saka niya ihinilamos ang palad sa mukha. Nararamdaman ko ang pagtitig niya sa nakakuyom kong mga kamao, at nang subukan niyang hawakan ang isa ay mabilis na humalik sa pisngi niya ang palad ko. "Gago ka!" I burst out and sobbed. Hinang-hina at hindi na makahinga dahil sa sakit ng dibdib. "Bakit sa'kin?! Wala akong kasalanan sa'yo! Sa inyo! Hindi ako ang pumatay kay Emry! Hindi ko nga nakilala si kuya Alexus! I didn't even know what he looked like!" Guilt flickered in his eyes as he pursed his lips. Tila nasasaktan siya ngayong panoorin akong magkaganito. Impokrito! He did this to me, tapos masasaktan siya?! "Let me explain . . ." aniya sa nanghihinang boses habang pilit sinasalat ang kamay ko ngunit mabilis kong binabawi. I don't want to feel his touch. It disgusts me. Hindi ko malunok ang katotohanang habang inaangkin niya ako ay galit pala ang namamayani sa kanyang puso. I nearly fell for the fake version of him! The version of him I thought was capable of liking me, too! Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko. Rig breathed in a sharp breath as if he, too couldn't breathe anymore. Napasandal siya sa headrest ng kanyang upuan habang ang mga mata ay nakatitig sa labas ng sasakyan. "I will . . . not deny the truth." Lumunok siya na tila mayroong bumara sa kanyang lalamunan kaya namaos ang kanyang boses sa huling salitang sinambit. "And I'm a f*****g asshole for doing that." Lalo akong nanghina. My sobs became louder as I listen to him admit it. Ang sakit. Ang sakit-sakit pala na marinig mismo sa kanya ang katotohanang gumanti lang siya. Na lahat ng pinagsaluhan namin, dahil lang lahat sa galit niya sa kapatid ko. My shoulders quaked as I punch his arm. "Ang sama mo, Rig." My voice cracked. "Ang sama-sama mo. Wala akong kasalanan . . ." He looked at me with bloodshot eyes while he's letting me punch him. Tila wala siyang balak pigilan ang mga kamao ko sa pagsuntok dahil wala na rin siyang lakas para gumalaw pa. "I'm sorry . . ." He swallowed the lump in his throat. "It was too late before I realized that you didn't deserve to pay for someone else's actions." Basag akong natawa habang masaganang bumabagsak ang aking mga luha. "You're sorry? Will sorry fix everything? Hindi mo man lang naisip na magmula bata ay wala na akong kinikilalang pamilya? You know my history. Hindi mo man lang naisip na hindi ko naman nakilala 'yong taong dahilan ng galit mo? Kapatid ko, oo pero hindi ko pamilya! I never had a family! And just when I thought I already found one, heto naman ang nangyari." "Margarette--" "I hate you! Wala akong kasalanan! Bakit ako pa! Hindi ako masamang tao! Hindi ako nang-abuso! Hindi ako pumatay! Bakit ako pa!" Tuluyan akong humagulgol nang husto. My body felt so weak that he had a brief chance to pull me for a hug as if he wanted to take all my pain away. Ngunit huli na. Masyado nang masakit, kaya nang matauhan ako ay ipinagtulakan ko siya't sinampal. "Masaya ka na? Nakaganti ka na?" I asked with anger ang pain in my eyes. Gumuhit ang matinding pagsisisi sa mga mata niya. "No . . . because it was a mistake . . . and I don't wanna lose what we have--" "Wala na, Rig." Basag akong ngumiti. "Tapos na. Nagawa mo na ang gusto mo." I shoved my tears. "Don't worry. Uuwi ako para lang kunin ang mga gamit na pwede kong dalhin--" "No, Margarette please--" "Aalis ako hindi para sa'yo." My expression turned cold as pain completely clawed my broken heart. "Aalis ako para iligtas ang sarili ko. Aalis ako dahil hindi ko hiniling na maramdaman 'to kapalit ng kumportableng buhay." Lumamlam lalo ang mga mata niya. "Just give me a second cha--" "No." My tears fell. "You have no right to ask me something like that when you didn't give me the chance to be seen by your eyes as me. Just me. Hindi si kuya Alexus o ang nagawa niya. Ako mismo so please do me a favor. Oras na lumabas ako sa pamamahay ninyo, huwag na huwag ka na sanang magpapakita pa . . ." Tuluyan kong kinalas ang seatbelt ko't lumabas ng sasakyan niya. Mabuti na lamang at may napara kaagad akong taxi kaya bago pa niya ako napigilan ay nagawa ko nang makasakay. I pursed my lips and shut my eyes after telling the driver where to take me, and as the taxi slowly moved, I begged God to give me the courage to forget Rig happened in my life . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD