Margarette
Sunod-sunod na katok sa pinto na sinabayan ng pagtawag ni Rig sa akin ang narinig ko habang nag-eempake. My tears just wouldn't stop especially when I heard Mommy Emma and Daddy Robert on the other side of the door, asking Rig what's going on.
"Rig, anong nangyayari?" bakas ang pag-aalalang tanong ni Mommy Emma.
"Where are the keys? Manang, spare keys. Akin na!"
"Rig, what is going on--"
"She's leaving!" I felt fear and hopelessness in his voice as he finally answered them. "She's leaving us . . . and it's my fault."
Natigilan ako't hindi naiwasang mapahikbi nang halos mamaos ang kanyang tinig sa huling sinabi. Tila ba nasasaktan siya habang sinasabi iyon sa mga magulang.
Bakit? Hindi ba siya masaya? Nagawa na niya ang gusto niya, hindi ba? Pwede na siyang huminto sa pagpapanggap na gusto niya ako. O baka naman kulang pa? Baka naman gusto niya pang mahalin ko siya nang lubusan nang mas maging masakit ang ganti niya sa akin?
I shove my tears and continued packing when I heard Rig tried to unlock my room. Nang mabuksan niya iyon ay muli niyang isinara matapos siyang makapasok nang mag-isa na tila nais niya akong solohin. He froze on his spot when he noticed my suitcase, his eyes flickered with fear as if he's breaking, too.
"Pag-usapan muna natin--"
"Wala na tayong dapat pag-usapan, Rig. Nagawa mo na ang gusto mo kaya tama na." My lower lip trembled. "P-Parang awa mo na, tama na k-kasi . . . kasi ang sakit na." I sobbed. "Ang sakit-sakit na masyado . . ."
Lumamlam nang husto ang malungkot niyang mga matang hindi ko kayang titigan nang matagal. Pakiramdam ko kung hindi pa ako iiwas ng tingin ay pati ang sakit na nararamdaman niya ay papasanin ko na rin. My own pain is already weakening me. I don't think I can still take more of what he'd caused me.
Suminghot ako't nagpatuloy sa pag-eempake, ngunit nang akmang isasara ko na ang maleta ko ay tuluyan niyang tinawid ang aming distansya. He wrapped his arms on my waist, his face buried on my shoulder as he tightened his hold on me as if he wouldn't let me go no matter what.
Nanigas ang aking katawan. Nanghina. My lips pursed as I sobbed in pain because God knows how much I wanted to just forget what's causing the pain I am feeling right now. The same pain that changed everything in just a snap.
"I did it at first because it was our plan, but the more I got to know you, got to spend time with you, the minute you made the space next to you a home where I'm free to be at peace, I swear, I stayed because I love being with you." Humugot siya ng matalim na hininga. "Avi and I broke up before I went home from Europe, when you blocked me on your socials. Hindi ko naintindihan kung bakit ako nataranta na parang gano'n kadali sa'yong putulin ang komunikasyon mo sa'kin, pero noong nagtalo kami dahil gusto kong umuwi, that's when I realized that I'm starting to fall."
Basag akong natawa. "So that woman who called you while we're talking on the phone, that was Avi, hmm? Nagsinungaling ka sa akin?"
Hindi siya nakakibo ngunit humigpit ang yakap niya sa aking baywang na tila takot na oras na makakuha ako ng pagkakataong kumawala sa kanyang mga bisig ay hinding-hindi na niya ako mahahawakan pa.
I wiped my tears and zipped my suitcase. "Bitiwan mo ko, Rig."
He shook his head, and God I've never seen him this desperate.
"No. You're gonna stay, we're gonna fix this--"
"Ayoko na. This is the best you can do. Ang . . . hayaan na ako." I sniffed. "Kasi masakit na masyado, Rig kaya p-parang awa mo na sana, t-tama na kasi hindi ko na kakayanin pa kung . . . kung dadagdagan mo ang sakit . . ."
As if my painful sobs weakened him, Rig's hug slowly loosen until I was able to free myself and grabbed my suitcase. Naestatwa siya sa kinatatayuan na tila ba hindi niya matanggap na ganito katindi ang sakit na naidulot niya sa akin.
I walked straight to the door with tears heavily trailing down my cheeks. Nang makalabas ako ng silid ay sandali akong napahinto matapos makita ang pag-aalala at pagkalito sa mukha ng mag-asawa.
Mommy Emma tried to hold me but I stepped back, making her even more worried. "Marga, anak? What's going on--"
"T-Totoo po ba na . . ." My shoulders quaked. "Na k-kuya ko po ang . . . n-nanakit kay Emry? Ang . . . d-dahilan kaya nawala po siya sa inyo?"
Namuo ang mga luha ni Mommy Emma. "You didn't have to know--"
"Bakit po hindi? Iyong plano po ni Rig, alam n'yo po ba?" Nabasag ang aking tinig. "Alam n'yo po bang sinubukan niyang kunin ang loob ko para ako ang magantihan niya? P-Parte po ba kayo ng plano?"
"Diyos ko, wala kaming alam--"
"Pero bakit po ba talaga ninyo ako inampon?" Nanginig ang ibaba kong labi habang nakatitig sa namumulang mga mata ni Mommy Emma. "D-Dahil po ba may . . . iba po kayong planong paghihiganti? O b-baka ako po ang . . . napili ninyong kapalit sa namatay ninyong anak? K-Kasi kahit po alin do'n, a-ang sakit po. Ang sakit-sakit po k-kasi pare-pareho po kayo. I just wanna exist as Margarette. H-Hindi po tagasalo ng kasalanan ni kuya Alexus at lalong hindi bilang kapalit ni Emry." I sobbed. "I just want to have a family. Bakit naman . . . ito po ang kapalit ng pagkakataon kong makaramdam na hindi ako mag-isa?"
Naiyak nang tuluyan si Mommy Emma. "Marga, it's not what you think. There are a lot of things that we cannot talk about because it's too painful, but we love you."
Basag akong ngumiti. "Ang . . . hirap na po ninyong paniwalaan. L-lahat po kayo." Namaos ang aking boses kasabay ng pag-alog ng aking mga balikat. "K-Kapatid ko po ang . . . nangmaltrato sa anak ninyo at naging dahilan ng pagkamatay niya. P-Paano ho ninyo ako magagawang mahalin kung . . . nananalaytay ho sa katawan naming pareho ang parehong dugo? Kaya huwag na ho tayong maglokohan, M-Mrs. Samaniego." I sobbed. "T-Tama na ho ang pagpapanggap ninyong lahat."
I wiped my cheeks and finally pulled my suitcase so I could leave, ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ay muli akong napahinto matapos makaramdam ng matinding kirot sa aking puson. The pain slowly became excruciating, and when I saw blood slowly staining my white nursing student uniform, I swear my heart stopped beating.
Naging malabo ang mga boses na naririnig ko sa paligid. Nanghina ang aking katawan at ang paningin ko ay unti-unting umikot habang patindi nang patindi ang sakit na nararamdaman ko. The next thing I knew, Rig was already carrying me in a bridal way, shouting at the family driver to ready the car.
"Putangina, bilis! 'Yong kotse!" he shouted. Ang matinding takot ay bakas sa boses at mukha habang buhat ang hinang-hina kong katawan.
My eyes shut as I gritted my teeth in pain.
Looks like someone else inside my tummy couldn't take the pain Rig and his parents have caused me . . .