Margarette
"You are eight weeks pregnant, Margarette. You're lucky we're able to save the baby on time kaya sana ay iwasan mo na ang matinding stress," paalala ng doktor sa akin matapos kong makapagpahinga ng ilang oras.
I still feel weak and had no strength to push Rig away. Mabuti na lamang at tila takot siyang mapasama na naman ang loob ko kaya sa paanan lamang ng kama siya naupo. He listened to everything that the doctor advised us to do as if he's that eager to help me have a safe pregnancy.
"Is there anything she's not supposed to eat during her first trimester or in the entirety of her pregnancy?" Rig asked. Tila kulang na lamang ay ilista niya lahat ng lumalabas sa bibig ng doktor.
I looked away when Rig glanced at me. Maya-maya ay tumayo siya't ihinatid ang doktor sa pinto. Nang kaming dalawa na lamang ang naiwan sa loob ng puting silid ay narinig ko ang paghugot niya ng matalim na hininga habang humahakbang palapit sa kama.
"How are you feeling?" he asked in a gentle voice.
Hindi ako sumagot. Ni ang tingnan siya ay hindi ko ginawa. Takot na mapalambot ako kaagad ng lungkot na nakaguhit sa kanyang mga mata.
Rig sat on the edge of the bed. Sa gilid ng aking mata ay napansin kong sinubukan niya akong haplusin sa ulo, ngunit bago pa dumapo ang palad niya sa akin ay binawi rin kaagad saka siya humugot ng malalim na hininga.
"Mom and Dad are worried about you. We've . . . talked about your decision to leave the house but since you're pregnant with my child, I'm sorry but I cannot let you walk away just like that."
Kumuyom ang aking mga kamao. I knew begging him wouldn't work. Kaya kahit ayaw ko ay ginaspangan ko ang pananalita ko, umaasang tatalab iyon sa kanya.
"Papatayin mo yata talaga ang anak ko, ano? Ipagpipilitan mo pa rin 'yang gusto mo?" asik ko, hindi magawang kontrolin ang galit.
Malamlam ang mga mata niya akong tiningnan. "I don't want us to lose our baby. Hindi ko naman sinabing pipilitin pa rin kitang tumira sa bahay. All I'm saying is . . . I will provide you with everything you need. A friend of mine is already closing a deal. I bought you a two-bedroom house in an exclusive subdivision. Matatapos ka na ng pag-aaral mo. Ihahatid-sundo kita hanggang sa makatapos ka. I'll buy your needs--"
"Hindi kita kailangan." My eyes turned cold. "Hindi ka namin kailangan kaya sana, Rig, huwag mo nang pairalin ang katigasan ng ulo mo."
Kumislap ang mga mata niya dala ng lungkot. "You may not need me, but my baby does, and I won't let us lose our child just because you hate me. Tama ka. Matigas ang ulo ko. So if you don't wanna stress yourself out because of me, then treat me like a stranger who only wanted to assist you. That's all." Umiwas siya ng tingin. "I just . . . wanna make sure we won't go through this again. I can't afford another funeral . . ."
I felt a pinch in my heart when his voice faded. Tila masakit sa kanyang sabihin iyong mga huling salitang sinambit niya, at alam ko kung bakit.
I shut my eyes and assessed the situation. Tama naman siya. Talagang matigas naman ang ulo niya gaya ng sinabi ko kaya sigurado akong kung papansinin ko nang papansinin kung ano mang gagawin niya, sasakit lang ang ulo ko. It might cause our baby's life and I won't let that happen.
Humugot ako ng hininga. "'Yong bahay, tatanggapin ko pero pansamantala lang. Kapag nakapasa ako sa board exam at nakakuha ng trabaho, aalis kami roon ng anak ko."
"Natin." He looked at me with gloomy eyes. "Anak natin."
Umiwas ako ng tingin at nilunok ang namuong bara sa aking lalamunan. "Sana hindi mo ako bigyan ng ikasasama pa ng loob habang nagdadalang-tao ako. Kasi baka isumpa na kita nang husto oras na mawala ang baby. If I'd tell you to stay away, please just stay away. Ayaw kitang makita palagi. I don't want you to be the constant reminder of the pain that nearly killed our child. Kung may pakialam ka sa aming mag-ina, susundin mo ko."
As if he finally felt defeated, Rig's adam's apple bobbed up and down before he nodded. "Okay," he said under his breath then cleared his throat. "I understand. I'm sorry. I thought I could get involved during the entire pregnancy, but I hope you will at least let me be there in every visit to the doctor. I just . . . wanna make sure both of you will be okay."
Hindi na ako kumibo pa't pumikit na lamang. Nang siguro ay akala niya magpapahinga na akong muli ay bumuntonghininga siya bago tumayo. I heard his footsteps leading to the door. Maya-maya ay maingat siyang lumabas at isinara ang pinto.
Iminulat kong muli ang aking mga mata kasabay ng pagpapakawala ko sa mabigat na hanging naipon sa aking dibdib. I appreciate that he wanted to be with me every step of the way to make sure the baby and I will be safe. But my ego kept telling me that he's probably doing it to clear his conscience.
Hinaplos ko ang aking tiyan nang manikip muli ang dibdib ko. "Don't worry, 'nak. Kahit . . . si mommy lang, kaya ko. Kung isang araw ay . . . mapagod na si Daddy na manuyo at humingi ng tawad, n-nandito lang si Mommy para sa'yo."
Ipinikit kong muli ang aking mga mata para subukang matulog kaya lang ay hindi talaga ako dinalaw ng antok. Nearly an hour had passed before I felt someone came in. Muli akong pumikit, nagpapanggap na tulog nang hindi na kami mag-usap dahil hakbang pa lamang niya ay kilala ko na.
Maingat siyang naupo sa kama. Maya-maya ay nagpakawala ng hangin sa dibdib bago may maliit na kahong inilagay sa aking palad.
"I know you're awake. I won't force you to talk to me nor forgive me, but I promise you that I will earn your trust again, Margarette. At kapag handa ka na uling titigan ako sa mga mata nang hindi ka nagagalit, saka ko isusuot sa'yo 'yan."
Tumayo siyang muli at naglakad palapit sa bandang ulunan ko. I pursed my lips and held my breath when he pressed a gentle kiss on my forehead before he left the room again. Nang sumara ang pinto ay bumukas naman ang aking mga mata. I glanced at the small velvet box he put in my hand, and when I realized what's inside, a lone tear trailed down my face.
It was . . . a gold ring with a large diamond. Like an engagement ring or something.
Isinara kong muli ang kahon saka ko pinunasan ang basa sa gilid ng aking mukha.
Looks like Rig wouldn't stop until he earns my forgiveness . . . and my heart.