Kabanata 22

1458 Words
Margarette The school gave me a week-long approved days to not attend my OJT after Rig went to the Dean personally to present my medical certificate. Ayaw ko sanang pumayag na siya ang magpaalam para sa akin ngunit nagulat na lamang ako nang sabihin ni Nesleigh na hindi ko na kailangang intindihin iyon dahil na-approve na raw ng school. Tinawanan pa ni Nesleigh dahil kalat ngayon sa buong College of Nursing ang ginawang pagpunta ni Rig. Paano ay hindi lamang daw medical certificate ang ipinakita sa Dean at sa buong faculty. He even brought my ultrasound result, my other lab tests, pati na ang mga reseta ng gamot at vitamins ko. Ipinangalandakan pang siya ang ama ng ipinagbubuntis ko! "Sigurado ka bang makakapasok ka na bukas?" tanong ni Nesleigh sa akin habang nasa pool area kami at nagmimiryenda. She went to visit me at home. Sa bahay na binili ni Rig para sa amin ng baby. He even hired a couple of house helpers to attend to my needs. Ngunit ang kinuha niya ay iyon ding mga kapalagayan ko na ng loob sa kanilang mansyon. One was assigned to clean and do my laundries, the other was told to give me nothing but the healthiest meals for pregnant women. Ibinaba ko ang mango shake na halos nakalahati ko na kaagad dahil sa sarap. "Oo. May approval na rin naman ni Doc since ilang oras na lang din ang bubunuin ko sa required OJT hours. Next week naman tapos na ako." "Sige. Basta kung may maramdaman ka habang naka-duty tayo, sabihan mo kami kaagad, ha? Gusto sanang sumama ng iba nating kaklase kaso . . ." She glanced at Rig who's busy mowing the lawn just because I told one of the helpers earlier that I'm planning to put a picnic mat on our yard tomorrow morning so I can get natural vitamin D from the sun. "Baka magselos daw ang baby Dada mo." Umikot ang mga mata ko. "Pinapaalis ko na kanina 'yan at naiirita ako sa ilong niya't mga mata." Ngumisi si Nesleigh. "Naglilihi ka yata sa kanya?" Tumaas ang kilay ko. "Alam nating parehong hindi naman totoo ang paglilihi. Ang itsura ng bata, magiging base sa genes." "Ay Filipino tayo, Marga. Alam mo namang parte na ng pagiging pinoy ang konsepto ng paglilihi. Basta ako, kumbinsidong naglilihi ka sa ilong at mga mata ni Rig." Nagpangalumbaba siya. "Ang ganda or ang gwapo niyan, sigurado ako. Ang ganda ng lahing pinagmulan." I sighed. "Pwede bang kwentuhan mo na lang ako sa kung ano ang napag-usapan sa meeting?" "Oo na." She opened her small notebook where she writes stuff she didn't want to forget. Nagsimula siyang magkwento sa akin ng mga bagay na kailangan ko ring malaman, ngunit habang nakikinig ako ay aksidente akong napasulyap sa naghubad ng pantaas na si Rig. Isinampay niya ang damit sa kanyang balikat saka niya ipinagpatuloy ang pagpuputol ng mga damo. I immediately looked away and pinched myself when Rig glanced at my direction. Pinaalala ko sa sarili kong galit ako. No, totoong galit naman ako pero ewan. There are times that I wanted to pinch his nose or play with his hair, and I'm sure those urges weren't coming from mine. Dahil kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin ko pa siyang kalmutin sa mukha sa inis ko dahil ang usapan namin, makikinig siya kapag sinabi kong lumayas, pero aalis lang sandali tapos babalik din kaagad. Parang nang-aasar! I swallowed the pool of saliva in my mouth when I saw his side features when he went a bit closer to us. His biceps effortlessly flexed with his simple movements. His tummy and chest were built perfectly, and with his denim jeans hanging low on his waist, showing his defined v-line, good heavens, he looked like someone who's doing the lawn to sell a million mower in just a couple of minutes. "Got it?" Nesleigh asked. Mabuti na lamang at nakaiwas na ako ng tingin kay Rig bago pa niya nailipat ang tingin sa akin mula sa kanyang maliit na notebook. "Uh-hmm," simple ko lamang na tugon kahit wala akong naintindihan. Nesleigh smiled and checked her wrist watch. "I gotta go, too so kita na lang tayo bukas sa ward, ha? Matulog ka nang maaga. You need a lot of rest." Tumango ako't sinamahan na siya para pumunta sa main door. I waited for her to get picked up by their driver. Nang makaalis siya ay saka ako bumalik sa pool area para sana iligpit ang mga pinagkainan namin dahil abala pang maglaba ang kasambahay, ngunit nang makarating sa pool area ay halos patapos na ring magligpit si Rig. He lifted the tray and turned to me. Umiwas naman ako ng tingin habang nakapako sa aking kinatatayuan. He walked the length towards my direction until he finally stopped in front of me. Maya-maya ay hinawakan niya sa isang kamay ang tray ay itinaas ang baso ko ng mango juice. "Finish it," he said while staring at me. "You need more vitamins in your body." Lumunok ako't akmang aagawin na ang baso nang ilayo niya. Napatingin tuloy ako sa kanya nang nakasimangot dahil pakiramdam ko ay inaasar niya ako. "I'll hold it for you," aniya saka inilapit ang baso na may straw sa akin. Lalo akong sumimangot dahil sa napansing maliit na kurba sa sulok ng kanyang mga labi. Binibwisit yata talaga ako ng lintik na ito! "Buntis ako. Hindi ako baldado," naiinis kong sabi. "I know but just drink it." Umiirap akong bumuntonghininga bago ginawa ang sinabi niya. I held the straw and tried to finish my drink. Dama ko ang pagtitig niya sa akin habang umiinom ako. Halos bilisan ko tuloy ang paghigop! "Good momma," he said after I finished my drink. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa itinawag niya sa akin. "Will you please leave now?" I asked. Iritable at lukot ang noo habang nakatitig sa kanya. Rig put the glass on the tray. "I can't. I'm not done with the lawn yet." "Walang nagsabing gawin mo 'yan, Rig," asik ko. Nanggigigil talaga sa mga mata niya't matangos na ilong. "Yeah but my baby momma wanna bathe under the sun tomorrow morning so I need to finish it now." He looked at my tummy then took in a sharp breath. "Can I . . . feel your tummy?" "No." Tumalikod na ako't nagmartsa papasok ng bahay. Dumiretso na rin kaagad ako sa kwarto at nag-lock ng pinto bago ako nahiga sa kama. Nang antukin ay hinayaan ko ang sariling makatulog. I woke up past eight PM. Kinusot ko ang aking mga mata't pupunta sana ng banyo para umihi nang mapansin ko ang taong nakaupo sa sahig habang nakapatong ang nakatiklop na braso sa gilid ng kama. Nakaunan sa braso nito ang ulo habang ang isang kamay ay nakapatong sa aking bandang tiyan. Napatigil ako sa akmang pagtayo nang mapagtantong tila nakatulog si Rig. He looked tired, judging by the way he managed to sleep in that uncomfortable position. I don't know why I teared up after realizing that he's willing to hurt his back by sleeping that way just so he could put his hand on my tummy without laying next to me. Siguro alam niyang magagalit na naman ako nang husto kung tatabihan niya ako sa kama. I sniffed. Naiinis sa sarili dahil masyado akong naging emosyonal. Naalimpungatan naman siya nang marinig ang pagsinghot ko, at nang makitang gising na ako ay umayos siya ng upo saka humikab. "Was my hand too heavy?" he asked. Umiwas ako ng tingin at hindi siya pinansin. I walked straight to the bathroom to pee, and when I went out, Rig wasn't in the room anymore. Akala ko ay umuwi na rin sa wakas, ngunit nang akmang bababa ako sa first floor para kumuha ng tubig sa kusina, napansin kong nasa may sala siya't tinitingnan ang ultrasound result ko. I couldn't see his face from my view, but the moment Rig kissed the ultrasound result before he laid on the couch, the corners of my eyes felt hot. Siguro dahil hindi ko akalaing ganito ang magiging asta niya ngayong magiging tatay na siya, ngunit imbes na maging masaya ako na hindi siya katulad ng ibang iresponsableng ama, parang . . . nasasaktan pa ako. Maybe because I know it would take more than seven months before I fully recover from what he'd done. I went back inside my room and shut the door while I'm pursing my lips. Humugot ako ng hininga't inilapat ang palad sa aking tiyan. "Looks like he loves you, baby . . . but mommy is too hurt to let him put his hand on my tummy anytime he wants, and for that, I'm sorry . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD