Margarette
"May sundo ka?"
Tumingin ako kay Nesleigh nang marinig ang tanong niya. Tumango ako at isinara na ang locker. "As usual."
She smirked. "Hindi ka pa rin napapalambot, hmm? Consistent, eh."
"I wish it's that easy." Isinabit ko ang bag sa aking braso. "Pero tuwing papunta na ako sa paglambot, bigla kong naaalala ang ginawa niya."
"Hindi naman kita masisisi. He blamed you for something that you didn't do in the first place, pero . . . napaisip lang ako," aniya habang naglalakad kami.
"Napaisip?"
She nodded as we walked slowly. Nakayakap pa siya sa sarili habang may munting ngiti. "Naisip ko lang na what if Rig was trying to get rid of you before so you wouldn't find out about your brother?"
Napakunot ako ng noo. "Sa kanya na nanggaling. Gusto niya akong gantihan kaya niya ginawa 'yon, Nesleigh. Inamin niyang totoo ang sinabi ni Via."
"Yeah but . . ." She sighed. "Look. Hindi ba ay parang mas magiging masakit kung umasa kang pamilya na ang tingin nila sa'yo tapos bigla mong nalamang kasalanan pala ng kapatid mo kaya namatay ang panganay ng mga Samaniego? What if aside from putting the blame on you, he's also trying to protect you from the truth? Kasi baka ma-guilty ka kung malaman mo ang ginawa ng kapatid mo? Kasi tingnan mo, inabot ng taon bago siya gumawa ng matinding hakbang. He even studied in Europe, at tingin ko, kaya sa malayo niya rin pinili na mag-aral ay dahil hindi naman talaga niya intensyong pasamain ang loob mo. I am convinced that his initial reason is to get rid of you so you wouldn't find out about his sister and your brother."
I pursed my lips when I realized that her conclusion somehow made sense. Sa totoo lang ay napapaisip din talaga ako at hanggang ngayon ay nagdududa kung bakit ba talaga ako inampon ng mga Samaniego. They literally spent money and energy to find me. Kung tama si Nesleigh, kung ganoon ba ay sinubukan akong protektahan ni Rig mula sa mismong mga magulang niya?
I sighed. "Something isn't adding up, Leigh. Hindi ko talaga maintindihan kung paano naatim ng mag-asawang Samaniego na pakitaan ako ng maganda sa loob ng ilang taon kung totoong gusto rin nilang isisi sa akin ang nangyari kay Emry."
She pouted a little as if she's thinking. "'Yan nga rin ang naiisip ko kasi tingnan mo? Pwede namang pabayaan ka na lang nila, hindi ba? Either way, you'll suffer. Mas matagal pa ang paghihirap mo kung hindi ka nila inalis sa club."
Sandali akong nag-isip. "Hindi kaya may kinalaman sa naiwang kayamanan ni Daddy? I mean, nabanggit noon ni Daddy Robert na business partners sila."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Nesleigh. "Oh my gosh! Posible! I mean, if there's no one to take over or sign at may last will and testament, hindi nila pwedeng pakialamanan ang shares ng tatay mo sa negosyo. Maybe adopting you gave them the power to touch your Dad's money or control his shares?"
Nanikip ang dibdib ko sa reyalisasyon. "If this is all about money, baka lalong hindi ko sila mapatawad."
She sighed. "But seriously, it makes sense, kaya lang ang genuine din kasi nila sa'yo. Unless ganoon sila ganoon kagaling magpanggap, hindi ba?"
I licked my lower lip. "Noong nagpunta ang mag-asawang Castanier sa bahay, sabi noong ginang na Castanier kay Mommy Emma, baka raw palabas lang ang ipinakikita ni Mommy na kabutihan. She said what happened destroyed Mommy so much. That's why I don't understand . . . because I really felt . . . that she did love me like her own."
"Nagri-reach out ba sila sa'yo ngayon?"
Tumango ako. "She keeps on sending me messages, asking me how I'm doing. Minsan naririnig ko rin ang mga kasambahay na kausap si Mommy Emma sa phone. Parang nakikibalita kung kumusta na ba ako."
Napakamot ng batok si Nesleigh. "Ang gulo, ha? Tapos na silang gumanti. What else do they want if they're not genuine?"
Napalunok ako. Kung sakali mang totoo lahat ng ipinakita nina Mommy sa akin, sasama nang husto ang loob ko sa sarili ko. She gave me the motherly love my own mom failed to give, so even when I'm still in doubt and hurting, I cannot deny the fact that I miss her.
"Nandiyan na ang sundo mo, Marga," ani Nesleigh nang makalabas kami ng ospital.
Bumeso ako sa kanya't nagpaalam na. Kaagad namang sumalubong si Rig at kinuha ang bag ko. Gaya ng palagi rin niyang ginagawa, umalalay ang palad niya sa aking likod nang hindi lumalapat.
He guided me towards the shotgun seat and opened the door for me. Nang makapasok ako ay umalingawngaw ang kanyang phone dahil sa isang tawag. Nasagot niya iyon bago pa niya naisara ang pinto kaya narinig kong binanggit niya ang pangalan ni Avi.
Napasunod ako ng tingin nang maglakad siya palayo sa sasakyan. Nakatalikod siya sa aking direksyon kaya hindi ko makita ang kanyang ekspresyon, at habang pinagmamasdan ko siyang kausapin si Avi sa telepono, nailapat ko na lamang ang aking palad sa aking tiyan.
Avi still calls him . . . and he still answers her calls. What else does that mean?
Nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan nang nilingon niya ako. I looked away and pretended that I wasn't watching him. That I don't give a damn about whoever he wanted to talk to. Kahit na ang totoo, naninikip ang dibdib ko ngayon.
Siguro dahil sa kabila ng galit at matinding sama ng loob, may bahagi pa rin ng aking pusong nananatiling nakalaan para sa kanya. It might have failed to bloom into a deep kind of love but . . . it's still excited to beat for him no matter how much I try to remind myself that he hurt me.
Hindi nagtagal ay naputol na rin ang kanilang pag-uusap. He walked towards the car and got in. Nanatili naman ang aking titig sa aking mga tuhod kahit dama ko ang pagsulyap niya sa akin habang isinusuot niya ang kanyang seatbelt.
"Sorry about the phone call. Uuwi na tayo. Alam kong pagod ka," aniya.
Humugot ako ng hininga. "Pwedeng . . . mag-taxi na lang ako. Mukhang . . . masyadong maikli ang panahon ng pag-uusap ninyo n-ni Avi. Baka kailangan n'yo pa ng . . . mas mahabang oras."
He sighed. "Wala na kaming relasyon ni Avi. We broke up before I went home from Europe for you--"
"But you still talk to her . . . right?" Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan. "Kung . . . nanunuyo ka kasi iniisip mong ilalayo ko ang bata sa'yo oras na manganak ako, h-huwag kang mag-alala, hindi naman ako gano'n kasama. You can still run back to Avi. Hindi mo kailangang i-deny dahil--"
"I only answered her call because she keeps on threatening me that she wouldn't stop until I get back with her. Dahil hindi niya matanggap na mas pinipili kita kaysa sa kanya."
Basag akong ngumiti. "Eh, 'di 'wag mo kasi akong piliin para hindi ka guluhin nang ganyan," I joked but Rig's expression just darkened. Maging panga ay umigting, halatang hindi natuwa sa aking sinabi.
"You think I'm pursuing you because you're pregnant with my child and I'm scared that you'll keep the baby away from me, hmm? You think I'm doing all these out of guilt? You know how short my patience is, Margarette. Sa tingin mo ba talaga ay magtyatyaga ako nang ganito kung hindi ikaw mismo ang gusto kong mabawi?"
My lips pursed as I slightly narrowed my eyes on him. "Huwag na tayong maglokohan. Bumalik ka na kay Avi--"
"Knock it off, Margarette. Push me away for all I care but you will never succeed kaya salamat sa selos." Binuhay niya ang makina ng sasakyan habang salubong pa rin ang mga kilay. "You just proved to me that I stand a chance."
Kumuyom ang aking mga kamao. "I hate you, Rig."
He scoffed. "As if I care? Akin kayong mag-ina kahit anong galit mo pa sa'kin."
Hindi na ako nakapagpigil sa sobrang inis ko. I clenched my fist tightly and tried to punch his arm but Rig immediately caught my fist, brought it near his lips and kissed my knuckles.
"Stop punching me when you're mad. I don't like it when you're hurting your knuckles because of me," he said while refusing to let go of my hand. He even massaged my knuckles with his thumb while his other hand is on the steering wheel.
My teeth gritted while my heart betrays me. "Then stay away from me so I won't get angry! Ang panget mo!"
He smirked. "What does my baby momma wanna eat?"
"Let go of my hand."
"Tell me what you wanna eat first."
Lalong tumalim ang tingin ko sa kanya. "Just let go of my hand!"
"Answer my question, then I'll let your hand go."
Inis na inis kong pinaglapat ang aking mga labi saka ako humugot ng hininga. "Fine! I want sushi."
He lifted my fisted hand again to kiss it. "Sushi it is, momma," he said before finally letting my hand go.
Umirap na lamang ako't humalukipkip.
Momma his face!