Margarette
"Ako na po, Manang," prisinta ko nang makitang bubuhatin na ng may edad na katulong ang mabigat na tray ng pagkain.
Kararating ko lang galing ng university. Kahit na anak-anakan ang turing sa akin nina Mommy ay kumikilos pa rin ako sa bahay kaya naman sanay na rin sa akin ang mga kasambahay.
"Ay, naku Marga. Mabuti pa magbihis ka na muna. Ako na 'to. Naka-uniform ka pa ng nursing."
I shook my head and put down my bag along with my other stuff. "Saan ho ito dadalhin?" tanong ko nang maiangat ang tray.
Bumuntonghininga si Manang Sita. "Doon sa pool area. Nandiyan na naman ang mga barkada ni Ser Rig. Kauuwi lang niyang si Ser galing ng Europe pero puro na naman sakit ng ulo ang dinadala rito sa bahay."
Napakurap ako. "Nandito na ho si Rig? Kailan po umuwi?"
"Kaninang alas tres dumating. Sinundo lang ng Daddy niya kanina sa airport bago sila umalis mag-asawa para sa business trip." Napasimangot si Manang Sita. "Naku, Marga. Sigurado akong kalbaryo na naman ang aabutin mo diyan kay Ser ngayong isang linggong wala sina Ser Robert."
I sighed. Wala naman nang bago roon. Rig never really treated me fairly. Magaspang na talaga ang ugali niya pagdating sa akin magmula nang inuwi ako rito sa mansyon kaya kahit paano ay nasanay na rin ako lalo at apat na taon na rin naman ako sa poder ng mga Samaniego.
"Ayos lang po, Manang. Parang hindi pa ako sanay?" I joked.
Bumuntonghininga siya. "Kailan kaya magtitino iyang si Ser?"
I just smiled. Hindi na lang nagkumento pa at idinala na lamang ang tray sa may pool area.
Bumungad ang malakas na tawanan ng ilang kabarkada ni Rig. Muntik pa akong nabasa nang mayroong tumalon. Ang iingay at ang gugulo talaga ng mga kaibigan ni Rig. Kaya palagi siyang pinagagalitan, eh!
I scanned the place until I spotted Rig near the shower area. May kahalikang babae habang nakasandal sa pader. The two are pressing their bodies against each other while Rig squeezes the girl's butt cheek.
Uminit ang aking pisngi sa nakita lalo na noong napansin kong sa akin nakatutok ang seryosong mga mata ni Rig habang hinahalikan niya ang babae. It was as if he wants to see my reaction, and the way he smirked after confirmed what I was thinking.
"Uy! Nandito na pala kapatid mo, Rig eh!" biro ng isa sa mga kaibigan niya na kung hindi ako nagkakamali ay Blake ang pangalan. Halos mawala na ang mga mata nang ngumisi na tila nagpapa-cute.
"She's not my sister," may bakas ng pagkainis na sagot ni Rig bago niya dinampot ang bote ng beer na nasa ibabaw ng sun lounger.
It didn't hurt me at all. Iyon naman ang palagi niyang ipinamumukha kaya kahit na nagtawanan ang ilan sa mga kaibigan niya ay humakbang pa rin ako palapit sa picnic table upang ilagay ang tray.
"Well, she's gorgeous enough to be a Samaniego," sabi na naman ni Blake dahilan upang umigting ang panga ni Rig.
I sighed. He really hates it when his friends give me compliments I didn't even ask for. Akala ba niya ay ikinatutuwa ko kaya siya napipikon? Lahat na lang talaga basta tungkol sa akin ay ikinaiinit ng ulo niya.
Tiningnan ko si Rig kahit madilim na naman ang ekspresyong nakapinta sa gwapo niyang mukha. "Aakyat na ako pero kung kailangan ninyo ng tulong dito, ipatawag mo na lang ako kina Manang."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Why? Tanggap mo nang hindi ka naman talaga parte ng pamilya?"
I swallowed the lump forming in my throat. "Pagod na sina Manang. Kung mag-uutos ka, sa akin na lang."
Inirapan lamang ako ni Rig saka niya tinungga ang hawak na bote. Ang sungit talaga nito. Mas nagmukha pa siyang masungit dahil sa naka-military cut niyang buhok ngayon na may hiwa sa gilid.
Umahon si Blake mula sa pool saka siya lumapit sa aming direksyon. "Hey, Marga. Why don't you grab your swimsuit and join us instead? Pabayaan mo si Rig."
Umiling ako't ikinapit ang isang kamay sa aking braso. Ramdam ko ang talim ng titig sa akin ni Rig na tila ba sinasabing huwag akong pumayag. Hindi naman talaga ako sasali sa grupo nila. Masyado naman itong masama kung makatingin.
"Hindi na, enjoy na lang kayo. May tatapusin pa ako, eh."
Blake went a little closer. Nasilip ko naman ang pag-ayos ni Rig ng upo. It was as if he suddenly shifted to a defensive mode while his sharp brown eyes were piercing Blake.
"Huwag puro lang aral. You should enjoy, too! Paano naman tayo magkakakilala nang maayos kung palagi kang tumatanggi?" nakangising sabi ni Blake.
"Leave her alone, Blake before I drag your f*****g ass out," may diing banta ni Rig.
I pursed my lips. Alam ko namang pinatitigil ni Rig ang kaibigan niya dahil ayaw niya talaga akong nakakasama, kaya bago pa sila mag-away ni Blake ay peke na akong ngumiti.
"Salamat na lang. Marami pa talaga akong gagawin."
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Blake. Tinalikuran ko na sila at pumasok ako ng bahay. I grabbed my stuff I left in the kitchen before I went to my room, ngunit nang papasok na ay narinig ko ang mga yabag ng paa na papanhik ng hagdan.
I turned to see who it is, only to meet Rig's furious eyes. Napalunok pa ako at kinabahan nang makita ko kung paanong umigting ang kanyang panga na tila nais niya akong lamunin.
"What was that about, hmm? You're flirting with Blake, huh?" may himig ng galit niyang akusa.
Napakurap ako. "Ano? Hindi, ah!"
"Liar."
He went closer, making me take my steps backwards out of fear, only for my back to hit the door. Nahigit ko pa ang aking hininga't nanlaki ang mga mata nang ubusin niya ang natitira naming distansya. Rig even pressed his colossal hand against the door as he towered me like a furious beast.
"R-Rig . . ."
I saw how his eyes darkened as he clenched his jaw. "You f*****g smiled at him, Margarette. What the f**k are you trying to do, hmm?"
Napakurap ako. "Wala namang masama roon!"
Kumislap ang galit sa kanyang mga mata. "Isang beses pa. If I ever see you flirting with Blake again, makikita mo ang hinahanap mo." I gasped when Rig lowered his head to whisper on my ear. "Don't test my temper. You wouldn't like it once you get me really f*****g angry . . ."