Kabanata 3

1367 Words
Margarette "Marga, kumusta naman sa bahay ninyo? Nakauwi na ba ang adoptive parents mo?" usyoso ni Nesleigh, ang isa sa mga naging kaibigan ko sa college. Inayos ko ang aking mga gamit at naghanda na sa pag-uwi dahil tapos na ang extended na duty. "Ayos naman. Medyo mas kalmado ngayon kasi hindi pa ulit nagpa-party si Rig. Sina Daddy naman hindi pa nakakauwi dahil may trip pa sila sa Sydney." Tumango siya. "Hindi ka naman gaanong sinusungitan ni Rig?" Umiling ako. "Hindi naman," I lied. Palagi namang masungit si Rig. May gawin ako o wala ay nagsusungit iyon lalo na kapag ihinahatid at sinusundo ako. Ilang beses ko na ring sinabi na magko-commute na lang ako pero lalo lamang siyang napipikon. Nagsabay na kami ni Nesleigh palabas, ngunit nang makalabas ng ospital at sabay naming natanaw si Rig na nakasandal sa kotse niya ay kaagad kumapit si Nesleigh sa aking braso. "Siya pa rin ang sundo mo?" animo'y kinikilig na tanong ni Nesleigh. I heaved a sigh. "Oo. Hindi pa raw kasi okay ang family car. Naging hardinero na nga si kuya Toti sa tagal na mapalitan ang gulong ng sasakyan." Kumunot ang noo ni Nesleigh. "Saan ba kayo nagpagawa?" "Sa Doctor's Garage." "Ha? Eh, 'di ba palagi namang kumpleto ang supplies doon? Lalo na iyong mga mamahalin dahil malaki ang kita nila?" Ang mga kilay ko naman ang nagsalubong. Nang napansin ni Nesleigh na napaisip ako ay ngumisi siya. I swallowed. "Baka naman wala lang talagang supply ng gulong na para sa family car namin," I reasoned out even when I am no longer buying my own sentiment. Umismid si Nesleigh bago sinulyapan si Rig. "Yeah, right." She glanced at her wrist watch. "Sige na. Mag-aabang na ako ng cab." "Baka mahirapan kang sumakay ngayon. Kakausapin ko na lang si Rig na isabay ka tutal malapit ka lang naman sa subdivision." "Papayag kaya?" she asked. "Susubukan ko. Tara." Niyaya ko na siyang lumapit kay Rig. Umayos naman ng tindig si Rig habang ang noo ay labis na nakalukot. "What the hell took you so long? Dalawang oras na ko rito," bungad niya sa akin. "Sabi ko naman kasi magcha-chat ako, eh," sagot ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "Para ano? Hindi kita mahuli'ng nakikipag-date pagkatapos ng duty mo, hmm?" Ngumuso ako. Piniga naman ni Nesleigh ang aking braso na para bang doon niya inilalabas ang kilig niya. Minsan talaga wala rin sa ayos itong si Nesleigh, eh. Masyadong ma-issue! Ano naman ang nakakakilig sa sinabi ni Rig? Pinagbibintangan nga niya ako? I sighed. "Wala naman akong boyfriend o manliligaw." Inirapan na lamang niya ako. "Get in the car." "Pwede ba nating isabay na lang si Nesleigh? Alas syete na kasi. Baka mahirapan na siyang sumakay," pakiusap ko. Rig sighed. "Fine." I smiled. "Thank you, Rig." Natulala siya sa akin, ang mga mata ay nakatutok na aking nakakurbang mga labi kaya hindi ko naiwasang magtaka. "A-Ayos ka lang ba, Rig?" I asked. Napahugot siya ng hininga at pinamulahan ng pisngi na tila tinamaan ng hiya. Umiwas din siya ng tingin at pumasok na sa driver seat. Nagkatinginan kami ni Nesleigh. Ngingisi-ngisi naman siyang tila ba kinikilig kaya mangani-ngani kong kurutin. "Tara na nga lang," I said before I opened the door on the backseat. Pumasok kami ni Nesleigh, ngunit nang isasara ko na ang pinto ay nilingon ako ni Rig, salubong na naman ang mga kilay. "The f**k are you doing back there? Gagawin mo ba akong driver, Margarette?" I blinked. "Huh? Eh, wala namang masama kung tabi kami ni Nesleigh—" "Lipat," iritable niyang putol sa aking sinasabi kaya halos mangisay sa kilig si Nesleigh. Ano ba naman 'tong babaeng 'to? I sighed. Kaysa magtalo pa kami ni Rig ay lumipat na lamang ako sa shotgun seat. I fastened my seatbelt then looked at him. "Ayan na. Happy?" Hindi ko maiwasang magsungit. Why is he becoming more and more unreasonable lately? Palagi na lang din akong pinag-iisipang nag-e-entertain ng lalake, eh hindi naman iyon ang focus ko. He clenched his jaw and started maneuvering the car. Noong nasa byahe na pauwi ay binasag ni Nesleigh ang nakabibinging katahimikan sa loob ng kotse. "Oo nga pala, Marga. Uuwi na ang kuya ko from Cebu next Saturday. We'll be throwing a party. Binanggit kong iimbitahan kita dahil ipakililala kita sa kanya." Nilingon ko siya. "Sige, magpapaalam—" "She's not coming. We'll have a family trip next Saturday," agap ni Rig na nakapagpaawang sa aking mga labi. Kumunot ang noo ko. "Family . . . trip?" I saw how his grip on the steering wheel tightened. "Yes. Mom and Dad want us to meet them in Bali." "Sabay . . . tayong pupunta?" naguguluhan kong tanong. Rig clenched his jaw and then nodded. Lalo tuloy akong napakunot ng noo. Why do I feel like he's lying? Na para bang sinabi lamang niya iyon dahil ayaw niyang sumama ako kay Nesleigh? Tumikhim si Nesleigh. "Ayos lang, Marga. Enjoy ka na lang sa . . . family trip n'yo," pigil ang kilig niyang sabi kaya pinanlakihan ko ng mga mata upang suwayin. I sighed as I shifted to my seat. Hindi na lamang din ako nagkumento pa ngunit maya-maya ay muling nagsalita si Nesleigh. "Uy, sabi pala ni Carlito, hindi mo pa siya ina-accept sa f*******:. I-accept mo na, Marga. Mabait naman 'yon at gentleman pa. Crush na crush ka kaya no'n, torpe lang." I nearly groaned. Ang babaeng ito talaga! Ano ba ang trip niya? Lalong pausukin ang tainga ni Rig? This guy is allergic to another guy who shows interest in me! Kitang-kita ko ang pagdilim ng mukha ni Rig. He didn't say anything but the atmosphere inside the car remained heavy even after Nesleigh left. Hindi rin ako kinibo ni Rig hanggang sa nakalabas kami ng sasakyan. Nang akmang aalis na ako sa garahe upang pumasok ng bahay ay ganoon na lamang ang gulat ko nang hawakan niya ako sa braso at isinandal sa sasakyan. My eyes widened when I saw his dark expression, like a feral beast who's ready to tear me apart right now. "R-Rig . . ." His jaw clenched. "Pull your goddamn phone out, Margarette." Kumalabog ang dibdib ko nang hawakan niya ako sa baywang saka niya iyon piniga. "Let me see that fucker's friend request." Ayaw ko sanang gawin ngunit lalo lamang tumalim ang tingin sa akin ni Rig na tila hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko ginagawa ang sinabi niya. I reached for my phone despite my hand trembling. Hindi galing sa takot ang panginginig ng kamay ko maging ng pangangatog ng aking mga tuhod. It was . . . something else I'm scared to label, as if I knew it would be suicide to fully embrace the truth. "Go on, Margarette," he uttered while stroking my waist with his thumb. "Show me that friend request." I pursed my lips and swallowed the pool of saliva in my mouth. Binuksan ko ang f*******: app ko at pinindot ang friend requests. Inagaw niya ang phone mula sa akin. Maya-maya ay pinagbaba-block niya lahat ng lalakeng nagpadala sa akin ng friend request. He even checked my Messenger and blocked every guy on the list, even the ones I didn't even respond to! I blinked. "Anong ginagawa mo, Rig?" He looked at me with his darkened orbs. "No more guys on your inbox, you heard me?" I sighed. "Ano ba talaga ang problema mo, eh hindi pa naman ako nagpapaligaw?" Tumaas ang kanyang kilay. "Hindi pa naman nagpapaligaw? So you have plans to entertain boys, huh?" Piniga niya ang aking baywang. "Go on. Do it and see me break their f*****g legs." Napakurap ako. "Bakit ka ba nagkakaganyan? Ikaw nga naggi-girlfriend wala ka namang naririnig sa'kin—" "That's the f*****g problem." His jaw clenched as his expression darkened. "You never f*****g asked me to not date another girl." I scoffed, napipikon na talaga. "At kung gagawin ko ba iyon ay titigil ka talaga?" The corners of his lips lifted as he stared at my slightly open mouth. "Just say the words and watch me break all the hearts that are beating for me, Margarette. I f*****g dare you . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD