Mapagmahal na Asawa
Cassandra's POV
Kitang kita ng dalawa niyang mga mata ang mga kagamitan na lumulutang sa ere, pati mga basag na bubog ng salamin at mga kutsilyong matutulis na kumikinang sa tama ng liwanag ng buwan sa butas nang bubungan ng napakalaking lumang bahay kung saan siya ay naroroon at nagkukubli lamang sa likod ng malaking sofa, sobrang takot ang kanyang nararamdaman ng oras na yun dahil hindi niya alam ang nangyayari, kung bakit siya naroroon at nagtatago. Nang biglang may malakas na boses siyang narinig na hindi niya matukoy kung kanino at saan ito galing, "mamamatay ka! akin lang dapat ang mga bagay na nasaiyo! wala kang karapatan! akin lang ang kapangyarihang walang kapantay! papatayin kita!" sobrang kaba at takot ang kanyang nararamdaman pero pilit niyang itinatanong sa isip kung sino ito? at anong kailangan nito sa kanya? at bakit siya nito gustong patayin? Hanggang sa naramdaman niyang umangat ang sofang kanyang pinagtataguan at umalingawngaw nanaman ang nakakatakot na boses nito
"kawawa ka naman parang kang dagang bubwit na nagtatago sa mga sulok sulok para hindi masakmal ng mabangis na pusa! akala mo ba makakapagtago ka sa akin ng matagal? hahahaha!!!!" lalo siyang nilukuban ng takot ng makita niyang ang mga basag na bubog at kutsilyo ay sa kanya lahat nakatutok, gusto niyang tumakbo pero hindi siya makagalaw sa s0brang takot at panginginig ng mga tuhod. "mamamatay ka!!!" isa nanamang malakas na boses na hindi niya talaga malaman kung saan nanggagaling, nakita niyang parang inihagis sa direksiyon niya ang mga basag na bubog at kutsilyo kaya ipinikit na lang niya ang mga mata niya at sumigaw ng "waaaaaaggg!!!" at hinintay ang sakit na mararamdaman.........
"Haahhh!!!" napabalikwas ng bangon si Cassandra at balabalatong ang pawis sa nuo. "panaginip lang muli, salamat" naisaisip niya, naramdaman niyang my humaplos bahagya sa kanyang likuran, ng lingunin niya, ang kanyang asawa "mahal nananaginip ka nanaman?" may pag aalala pero malambing nitong turan, nakapikit pa ang isang mata nito at halatang antok pa, kaya hindi niya napigilang mapangiti at sandaling nalimutan ang masamang panaginip, "masama na nga ang panaginip mo pangiti ngiti ka pa diyan, teka at ikukuha lang kita ng tubig diyan ka lang ha," wika nito napangisi na din, hinalikan muna siya nito sa noo bago tumayo at nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig. Sa pagkawala nito sa paningin niya ay ang pagbalik ng ala-ala niya tungkol sa kanyang panaginip. Hindi niya mapigilang makaramdam ng kaba, parang totoo ang lahat parang hindi panaginip lang,
"Wag mo nang isipin yun mahal panaginip lang yun, kapapanuod mo yan ng mga horror eh," wika ng kanyang asawang hindi niya namalayang nakabalik na pala, dahil sa pag iisip niya tungkol sa kanyang panaginip. "oh ito inumin mo ng kumalma yang isip mo" at iniabot nito sa kanya ang isang basong tubig. Uminom naman siya ng bahagya at ngumiti dito, kinuha muli nito sa kamay niya ang baso at ipinatong sa ibabaw ng maliit na kabinet na naroroon sa loob ng kanilang kwarto at tumabi na ulit ito sa kanya sa higaan.
"Matulog na uli tayo mahal, 12midnight lang, madami ka pang itutulog" wika nitong ngumiti pa sa kanya at kinintilan siya ng halik sa labi. Tinanguan niya ito at nginitian at humiga na uli silang pareho, muli pa ay sumagi sa isip niya ang kanyang panaginip, hanggang sa tuluyan na uli siyang sinakop ng antok.
Mabining haplos sa pisngi ang nakapagpagising kay Cassandra ng araw na iyon, matapos ang kanyang panaginip ng nagdaang gabi. Mukha ng nakangiti niyang asawa ang kanyang namulatan. Tinitigan niya ito at ngumiti dito. "Good morning mahal kanina ka pa diyan? "
"Medyo mahal ko, kumusta ang tulog mo?" sabi nito habang nakangiti at nakatitig sa kanyang mga mata, nakita niyang mayroong lungkot sa mga mata nito pero naikubli nito agad.
"Halika na at mag almusal na tayo nakapagluto na ak0 ng paborito mong champorado at tuyo," sabi nito at inalalayan siyang makatayo.
Sabay silang nagtungo sa kusina, inalalayan siya nito hanggang sa makaupo at umupo na din ito sa sariling upuan, napansin niyang nakahayin na ang pagkain sa lamesa at nasa ay0s ang lahat ng gamit na nasa loob ng kusina, nakaligo na din ito at nakabihis na ng damit pangtrabaho, "kanina ka pang gising? Nakatulog ka ba ng ayos? Anong oras ka nagising?" magkakasunod niyang tanong dito habang nakakunot ang noo.
Napangiti ito sa magkakasunod niyang tanong marahil ay napansin nitong inilibot niya ang tingin sa buong kusina, "medyo lang mahal, hahaha, dami mong tanong ah, pero para po malaman mo mahal ko, pinagsabay ko po ang pagluluto at paglilinis tapos saka ako naligo, para wala ng gawin ang mahal kong asawa, para hindi na siya mapagod. Ok na ba yung sagot ko mahal?" Nakatawa nitong turan.
"Pero......" hindi pa niya tapos ang sasabihin ay nagsalita na uli ito "Sssshhh!" inilagay pa nito ang hintuturo nito sa kanyang mga labi dahilan para hindi na sya makaimik, "mahal wag matigas ang ulo ha, alalahanin mo ang sabi ng doctor, HINDI. KA. PA. PWEDENG. MAG. PAGOD. naintindihan mo mahal?" Patuloy nito. Tutol man siya ay wala siyang magagawa, yun ang kabilin bilinan ng doctor sa kanila ng lumabas sila ng ospital, nahihiya man siya sa asawa ay tumango na lang siya
At sabay na silang kumain.
"Nakapagluto na ako ng hanggang tanghalian mo mahal, ako na ang bahala mamayang hapon sa hapunan pagdating ko galing trabaho, basta sundin mo lang ang sabi ng doctor mo ha, magpahinga ka lang, at wag kang magkikikilos at baka mabinat ka, naintindihan ba ng mahal kong asawa?" sabi nito ng makatapos silang kumain at nilinis na nito ang kanilang pinagkainan.
"Opo mahal ko, kuuuh,,, para naman akong bata kung pagbilinan mo," nakangiti niyang sabi dito, tumayo na din siya at nagtungo sa munti nilang salas na karugto lang din ng maliit nilang kusina. Gustohin man niyang asikasuhin ito ay talagang hindi pa nga pwede.
"Alam ko kasing ayaw mo ng gantong sitwasy0n, basta magpagaling ka muna ha mahal? Tandaan mo mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para sayo," nakangiti nitong turan habang nakasunod sa kanya, hinawakan pa nito ang kamay niya't bahagyang pinisil.
"Sige na mahal, malilate na ako sa trabaho, kaylangan ko ng umalis" sabi uli nito at hinalikan siya ng mabilis sa labi, pero bago pa ito makaalis ay hinawakan niya ang kamay ng kanyang asawa at "maraming salamat mahal, sorry!" Hinarap siya nito at niyakap, "mahal na mahal kita, masaya akong gawin ang lahat ng ito para sayo" bahagya itong yumuko at hinalikan siya sa labi ng may buong pagsuyo, kapagkuwa'y nagpaalam na ito at umalis. "Ingat ka mahal!" Sigaw niya dito ng hindi pa ito nakakalayo, lumingon lang ito sa kanya at kumaway at tuluyan na itong umalis, nanatili siya sa may pinto hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin.