1- Vanessa’s New Beginning
PHILIPPINES. Ang pangalang agad na sumalubong sa paningin ni Vanessa.
Papalapag pa lamang ang eroplanong sinasakyan niya mula New York. Sa ilang beses niyang pagbabakasyon sa Pilipinas, sa wakas ay muli na niyang naiapak ang kanyang mga paa sa bansang pinagmulan ng kanyang yumaong ina.
Bagong buhay. Bagong simula.
Nais ni Vanessa na maging permanenteng tahanan ang Pilipinas, at wala namang imposible dahil halos lahat ng kanyang naisin ay nagagawa niya. No one can stop her from doing whatever she wants to do.
At kung bakit siya narito? Hmp! Simple lang naman. Lumayas si Vanessa. Tinakasan niya ang kanyang ama at madrasta.
Ayaw niyang makisabay sa mga plastik na tao. Kaya nag-runaway princess na lamang siya. Yes, she was a princess in her own built castle. At dahil ayaw niya ng villain sa kanyang kaharian, umalis—este, naglayas siya. Period!
Si Vanessa ang nag-iisang anak. As in one. Number one. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi man lang siya binigyan ng kapatid ng kanyang mga magulang. It was kinda boring to be alone. That was why she wanted to explore. She didn’t want to be stuck in one corner and wait for nothing.
Nah! That wasn’t going to happen. Not in a million years. Maloloka siya.
Ayaw niyang manipulahin ang kanyang buhay ng kanyang walang kuwentang madrasta. She was a control freak, and Vanessa hated her to the bones! Kaya para maging maayos ang lahat, naglayas siya at wala siyang planong bumalik anumang oras.
Itinutulak ni Vanessa ang pushcart palabas ng arrival area. She looked around, hoping to see Anya, her best friend, who would fetch her at the airport.
Nakilala niya si Anya noong una niyang pagbisita sa bansa. Kahit milya-milya ang layo nila sa isa’t isa, dahil sa makabagong teknolohiya ay naging tuloy-tuloy ang kanilang komunikasyon. They always FaceTimed each other to stay updated on each other’s lives.
Wala pa ito sa labas. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa kanyang kaibigan? As usual, late na naman ito. Lately, naging napakabusy nito dahil bago raw ang boss nito. Lagi itong nagrereklamo kay Vanessa tuwing nag-uusap sila.
Biglaan rin ang kanyang pag-alsa-balutan. Hindi alam ni Anya na naglayas siya. Siyempre, ayaw niyang mag-alala pa ang kanyang kaibigan. Ayaw niyang dagdagan pa ang mga problema nito.
Ayaw na rin niyang makadagdag sa mga alalahanin ng mahal niyang kaibigan.
“Ouch! What the hell?!”
Muntik nang humalik sa semento si Vanessa kung hindi lamang niya naagapan ang sarili.
Sisigawan na sana niya ang kung sinumang nakabangga sa kanya. Tiyak na malilintikan ito sa kanya. Ngunit nang iangat niya ang kanyang paningin, nakita niyang mabilis pang tumalikod at naglakad palayo ang lalaki.
“Hoy! Hindi ka ba marunong mag-sorry?” nanggagalaiting sigaw niya sa papalayong pigura ng lalaki.
Aba! Magaling. Hindi man lang lumingon.
“Hoy! Bakla ka ba?! Bumalik ka rito! Kailangan mong mag-sorry—”
Ayon, success. Lumingon nga ito sa kanya.
Hindi na niya nagawang tapusin ang nais sabihin nang biglang lumingon ang lapastangang lalaki.
And oh-my-gulay!
“Oh crap! Langya naman, Lord. Sa susunod, mag-warning ka kasi! Kainis! Ang gwapo niya!” aniya sa isip.
Lihim pa niyang kinagat ang kanyang dila, baka kasi naghahalusinasyon lamang siya. Ang daming gwapo sa New York, pero iba ang karisma ng lalaking nasa harapan niya.
Those expressive dark brown eyes were almost hypnotizing.
Geez! Her weakness!
“Done drooling?” tanong ng lalaki sa nakakairitang tono. Kitang-kita rin iyon sa guwapong mukha nito.
Sa isip ni Vanessa, ito pa talaga ang may ganang magalit gayong siya naman ang binangga nito at muntik nang humalik sa semento.
Vanessa almost choked when she heard his voice. It was a combination of deep and warm tones that lingered in her mind.
Pero teka, ano raw? Drooling? Siya?
Nilinaw niya ang kanyang lalamunan at bahagyang umubo bago ito tiningnan nang diretso sa mga mata.
“Excuse me? Ako ang nagdo-drooling? Ha! Ang kapal mo, you know that? You hit me. Hindi ka man lang ba marunong mag-sorry?” mataray niyang sabi habang nakataas ang kilay.
“Hindi porket gwapo, exempted na sa nagawang mali. Of course not! He has to apologize to me whether he likes it or not. Aba! Ang bastos lang, ano? Isang sorry lang naman, tapos tsupi na!” dagdag niya sa isip.
Sinadya niyang huwag iyong isatinig baka lumaki ang ulo ng lalaki.
The man smirked before he spoke.
“What did you call me?” tanong nito sa halip na humingi ng tawad.
The nerve!
“Bakit? Ano bang narinig mo?”
“That I am what... a gay?” he asked with a playful smile.
“You heard it, right?” mataray na sagot ni Vanessa.
“Masakit sa puso ang kaakit-akit na lalaking ito. Juicekolord! Help me! Kung puwede ko lang itong isupot pauwi sa hotel, gagawin ko.”
Ipinilig niya ang ulo.
Ano ba naman itong mga naiisip niya?
Taas-noong sinalubong niya ang mapaglarong ngiti ng lalaki. Iyong tipong tila may nilulutong kalokohan sa isip nito. Pero siyempre, si Vanessa iyon. Hindi siya magpapatalo.
“I’m just telling the truth!” sagot niya rito upang pagtakpan ang nag-iinit niyang mga pisngi.
“Let me tell you this. I AM NOT A GAY.”
Isa-isang binigkas iyon ng lalaki. He even gritted his teeth in annoyance.
“Yes, you are.”
Nagtaas ito ng dalawang kamay bago humakbang palapit sa kanya.
“Fine.”
“I won! Edi umamin din. Sayang, ang laki pa naman ng katawan at ang sar—”
Kaagad na naputol ang anumang nasa isip ni Vanessa nang biglang sakupin ng lalaki ang kanyang mga labi.
She didn’t prepare.
She didn’t see it coming.
“Uhmp!”
Oh no! My virgin lips!
Oh crap!
Ang lambot ng labi nito, parang... parang baby!
Natulala si Vanessa. Hindi siya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan. She didn’t even know how to respond to the kiss. Yes, she was an innocent girl, at kahit maldita at rebelde siya, hindi kailanman sumagi sa isip niya ang gumawa ng ganoong bagay. Nais niyang ilaan ang kanyang sarili sa lalaking makakasama niya habambuhay.
A soft moan escaped from her lips, and then reality hit her.
Nasa pampublikong lugar sila.
Maraming tao sa paligid.
Namula nang husto ang kanyang mukha. Gusto niyang magtago, ngunit paano?
Bahagi ng isip niya ang nagsasabing itulak ang lalaking patuloy pa ring humahalik sa kanya, inaangkin ang kanyang bibig. The kiss was deep. It was asking for more. Ngunit hindi niya ito kilala. Isa itong ganap na estranghero, at hinahayaan niya lamang ito.
Ipinuwesto ng lalaki ang isang kamay sa likod ni Vanessa. Bumaba iyon hanggang sa kanyang balakang at bahagyang pinisil iyon.
Napadaing siya.
Doon lamang siya tuluyang natauhan.
Nang akmang itutulak na niya ito, kusa siyang binitiwan ng lalaki. A triumphant smile formed on his playful lips.
Oh crap, Vanessa.
What have you done?
Great.
Holy great!
Tagumpay.
Iyon ang nakikita ni Vanessa sa mga mata ng lalaki, kasabay ng pirma nitong mapanuksong ngisi.
“Now you know that I am not the one you’re thinking of,” he said with a huge smile.
Hindi agad nakasagot si Vanessa dahil hinahabol pa rin niya ang kanyang hininga. Ngunit ang lalaki ay parang walang pakialam sa nangyari sa kanila.
Sa halik nila?
Ew! Gross mo, girl.
Gusto na niyang batukan ang sarili sa mga sandaling iyon.
He is a pro.
An expert.
A good kisser.
A womanizer for sure.
Tsk! Kawawa ang mga babaeng iyon.
Para kay Vanessa, kapag gwapo, dalawa lamang ang naiisip niya—either gay o womanizer.
Hindi niya lubos maisip kung gaano kakapal ang mukha ng lalaking nasa harapan niya.
Isang simpleng sorry lang naman ang hinihingi niya, tapos sarado na ang usapan. Ngunit ang kapal ng mukha ng lalaking ito ay talagang hindi niya maunawaan.
And the kiss.
“Really, Vanessa? But you liked it though,” tudyo ng kabilang bahagi ng kanyang utak.
Napadaing siya nang walang magawa.
Ninakaw ng lalaki ang kanyang first kiss—isang bagay na dapat ay para lamang sa lalaking mamahalin niya.
Padabog siyang humakbang.
Sinira ng lalaki ang kanyang pangarap.
“Bye,” sabi ng lalaki.
Ngunit sandali.
Bye raw?
Tinalikuran na siya nito at naglakad palayo.
“By the way, I like your sweet lips, honey,” dagdag pa nito habang patuloy na naglalakad.
Para namang natuod si Vanessa sa kanyang kinatatayuan.
Hahabulin pa sana niya ang lalaki, ngunit mabilis itong nakasakay sa sasakyan at agad na pinaharurot iyon.
Usok na lamang ang iniwan nito.
“Bastos!” pahabol niyang sigaw.
Wow! May datong. Naka-Lamborghini pa.
Pero pakialam ba niya?
Kahit mayaman pa ang lalaking iyon, hindi pa rin tama ang ginawa nito.
Every woman deserves respect.
“HELL! Ipagdasal mong hindi na muling magkrus ang landas natin. Dahil sa oras na mangyari iyon, humanda ka sa akin! Gigilitan ko ang leeg mo!” gigil niyang sabi na para bang kaharap pa rin niya ang lalaki.
Napapitlag pa si Vanessa nang tumunog ang kanyang cellphone.
Hinagilap niya iyon sa loob ng kanyang bag.
Nang makita niya ang caller, dali-dali niyang pinindot ang green button upang sagutin ang tawag.
“Hell—”
“Vanessa!” sigaw ng nasa kabilang linya.
What the hell!
Ang sakit sa tainga ng boses ng babae.
Napapikit na lamang si Vanessa habang iniikot ang kanyang mga mata paitaas.