CHAPTER 7

3004 Words
NAGISING ako nang maramdaman kong nangangawit na ang isang braso ko. Parang may nakadagan dito na mabigat. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata ko dahil medyo nahihilo pa rin ako. Pagkabaling ko sa gilid ko ay ang mukha naman ni Sir Cross ang kaagad na nasilayan ko. Mahimbing siyang natutulog habang nakahalukipkip sa gilid ng kama at nakaunan sa braso ko. Ewan, pero biglang kumabog nang malakas at mabilis ang puso ko nang matitigan ko ng mabuti ang mukha niya. Ang amo ng hitsura niya na parang ang bait-bait kung titingnan. Matangos ang ilong niya. Malalantik na pilik mata. Makapal na kilay na lalong nagpagwapo sa hitsura niya. Mapupulang mga labi. Nasa kaniya na ata lahat ng features na gugustuhin ng isang babae. Napatulala ako sa guwapo niyang mukha. Bakit pakiramdam ko hindi na normal ang pagtibok ng puso ko habang tumatagal na tinititigan ko siya? Parang hinihingal ako samantalang nakahiga lang naman ako at kagigising ko lang! Diyos ko! Hindi pa ako nagkakagusto o nagmamahal ng isang lalaki kaya hindi ko alam kong ano ba ang ibig sabihin nitong pagtibok ng mabilis ng puso ko? Teka! Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko. Ano pala ang ginagawa niya rito? Binantayan ako ni sir habang natutulog ako? Napasinghap pa ako sa hangin dahil sa ideyang iyon na pumasok sa isipan ko. Bigla ko kasing naalala na siya pala ang nagdala sa ’kin kanina rito. So ibig sabihin, hindi na siya umalis sa tabi ko mula pa kanina? “Tititigan mo na lang ba ako Ms. Solomon?” Napakurap ako bigla nang marinig ko ang boses niya. Ipinilig ko pa ang ulo ko. Dahil napatulala na ako sa kaniya, hindi ko na namalayan na kanina pa pala rin siya gising at nakatingin sa ’kin. Agad naman akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. “A, anong... anong oras na po sir?” tanong ko na lang sa kaniya na napapahiya pa rin. Tumingin naman siya sa orasang pambisig niya. “It’s already six in the evening. Ang haba ng tulog mo. Are you now okay?” tanong niya nang makatayo siya sa puwesto niya at hinawakan ang leeg at noo ko. Bakit pakiramdam ko naiilang ako sa kaniya? Hindi ako komportable na magkadaiti ang mga balat namin. At ang puso ko, pakiramdam ko ay mas lalong kumabog nang husto. Wala sa sariling napalunok ako ng laway ko. “M-medyo okay na po sir. Salamat po!” saad ko na hindi pa rin makatingin sa kaniya. “Kaya mo na bang tumayo?” tanong niya ulit. Kumilos naman ako para subukang bumaba sa hospital bed at tumayo. Medyo okay na pakiramdam ko hindi kagaya kanina. Pero bahagya pa naman akong nakakaramdam ng pagkahilo. “Let’s go then.” Aniya at walang sabi-sabi na tumalikod siya at nagpatiuna ng naglakad palabas ng clinic. Napasunod naman ako sa kaniya. “Um, s-sir... kaya ko naman po mag-jeep. Nakakahiya po sa inyo.” Usal ko kay sir Cross habang nasa elevator na kami. Nakatungo pa ako at hindi ko kayang tumingin sa kaniya. Kaya ko na sanang umuwi mag-isa, kaso nag-offer si Sir Cross na ihahatid na niya ako pauwi. Pero nakakahiya naman sa kaniya! Siya na nga ang nagbantay sa ’kin kanina sa clinic, tapos pati pa paghatid sa bahay gagawin niya pa. “On the way ka naman siguro?” aniya. “At baka kung mapaano ka pa sa daan kargo di-konsensya ko pa.” Walang ganang sagot niya sa ’kin. Napasunod na lang ulit ako sa kaniya nang lumabas na siya sa elevator at maglakad papunta sa parking lot. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto sa front seat ng sasakyan niya. Aww, gentleman naman pala e! Ewan ko kung bakit parang ang saya ko at kinilig ako dahil sa simpleng ginawa niyang iyon. Kunsabagay, first time ko lang kasing mapagbuksan ng pinto ng sasakyan. “Salamat po!” “Saan ba ang address mo?” tanong niya nang makasakay na rin siya sa drivers seat. Sinabi ko lang sa kaniya ang address namin at nanahimik na ako sa puwesto ko. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay nina Tiya Lolet. “Salamat po ulit sir!” sabi ko sa kaniya bago ko binuksan ang pinto sa tabi ko. “Be careful. Get some rest at huwag ka na pumasok bukas kung hindi mo pa kaya.” Seryosong saad niya sa ’kin. Tipid akong ngumiti sa kaniya pagkuwa’y tumango. “Thank you po ulit sir! Good night po. Mag-iingat po kayo.” Sabi ko at naglakad na palapit sa gate ng bahay. Bago ako tuluyang pumasok sa bahay, hinintay ko pang makaalis ng tuluyan ang sasakyan niya. Nang mawala na sa paningin ko ang kotse niya ’tsaka ako tumalikod at pumasok na. At dahil maaga naman akong nakauwi, naabutan ko pa sila tiya na nasa sala. “Oh, himala at maaga ka ata Debbie?” tanong sa ’kin ni tiya. “May iuutos po ba kayo sa ’kin tiya?” imbes ay tanong ko rito. “Wala. Magpahinga ka na kung gusto mo. Kumain ka na rin doon at ako na ang nagluto ng haponan natin.” Sagot ni tiya. ’Tsaka naman ako nakahinga nang maluwag. Salamat naman at makakapagpahinga ako ng maaga ngayon. Lihim akong napabuga nang malalim ngunit banayad na paghinga. “Akyat na po ako tiya.” Paalam ko rito ’tsaka umakyat na sa kuwarto ko. Kaagad akong nagbihis ng damit ko at pagkatapos ay pumuwesto na rin ako sa gilid ng higaan ko. Pero hindi pa man ako nakakahiga ay may narinig akong katok sa labas ng pinto ko. Muli akong tumayo at naglakad palapit doon upang pagbuksan ang tao sa labas. “Oh, Mike bakit?” nang mabungaran ko ito sa labas. “Kain ka muna Baby. Ginawan kita ng sandwich. Dinalhan din kita ng gamot. Alam ko kasing may sakit ka ngayon.” Saad sa akin ni Mike habang seryoso ang mukha nitong nakatitig sa akin. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko at napatitig din dito. Ngayon niya lang ako tinawag na Baby. Nickname ko kasi ’yon. Si Markus lang ang tumatawag sa ’kin ng ganoon mula nang mawala ang magulang ko. Napangiti ako bigla mayamaya. Niluwagan ko rin ang pagkakabukas ng pinto para makapasok siya. “Kain ka muna.” Tinanggap ko ang dala niyang tinapay nang makaupo ulit ako sa gilid ng higaan ko. Tumabi naman siya sa akin. Nakakapagtaka talaga siya ngayon. Ang bait-bait na sa akin. Ano kaya ang nakain nito? “Salamat!” sabi ko. “Baka naman may balak ka na namang gawin sa ’kin ngayon kaya binigyan mo ako nito?!” hindi ko mapigilan na saad ko sa kaniya. Ngumiti naman ito sa akin. “Wala.” “E, bakit bigla ka atang bumait sa ’kin?” tanong ko pa sa kaniya. Nagkibit ito ng mga balikat kasabay ng pagpapakawala nang malalim na buntong-hininga. “Sorry sa lahat Baby huh!” anito. “Alam ko naging masama ako sa ’yo noon pa man, pero sa kabila ng lahat ng ’yon hindi mo ako ginantihan. Lagi mo pang sinusunod ang utos sa ’yo rito kahit pagod ka na. Lahat ginagawa mo para sa amin.” Sabi pa nito habang matamang nakatitig sa akin. Ewan ko ba, pero biglang nag-init ang sulok ng mga mata ko dahil sa simpleng thank you na sinabi niya. Dahil sa simpleng mga salitang binitawan niya ngayon. Parang gusto kong umiyak dahil sa mga sinabi niya sa akin. Hinawakan ko ang ulo niya at ginulo ang buhok niya. “Wala rin ’yon. Kailangan kong gawin ’yon kasi magagalit ang mama mo kapag hindi ko sinunod ang utos ninyo sa akin.” Sagot ko. “Salamat pa rin sa ’yo Baby.” Anito. “At isa pa, na-realized ko, mula’t sapol pa lang ikaw lang nakakaalala ng birthday ko.” Biglang bunalatay sa mukha nito ang lungkot nang sabihin ang mga katagang iyon. Napakunot noo naman ako at tinitigan itong lalo. Oo nga ano?! Mula noon pa man, hindi ko nakitang naghanda sina tiya para sa birthday ni Mike. Hindi ko manlang nakita o narinig na binati nila si Mike. Laging si Sefira lang. “Sige na... inumin mo na ang gamot mo ’tsaka matulog ka ng maaga. Alam kong kulang ka sa pahinga kaya nagkakasakit ka. Goodnight ate baby.” Anito ’tsaka lumabas na sa kuwarto ko. Napangiti na lang ako habang nakatitig sa nakasaradong pintuan ng silid ko. Paano naman kasi, first time niya akong tinawag na ate. Nakakatuwa lang at nakakataba ng puso. “Thank you Mike!” saad ko sa sarili ko pagkatapos ay kinain ko na rin ang sandwich na hawak ko. Ininom ko na rin ang gamot na binigay ni Mike pagkatapos ay humiga na rin ako sa kama ko. Alam kong bukas ay umaaga na naman akong gigising para magsimula ng trabaho. Kung sana kasama ko pa sina nanay at tatay, hindi ko mararanasan ang lahat ng ito! Masaya sana ang buhay ko ngayon. Pero okay lang, kaunting panahon na lang naman ay matatapos na ako sa paghihirap ko. Makakaalis din ako sa poder ni Tiya Lolet ko. Alam ko naman kasi na ito talaga ang plano sa ’kin ng Diyos para maging matapang ako na harapin lahat ng dadating na pagsubok sa buhay ko. Lahat naman kasi ng nangyayari sa buhay natin ay may dahilan kung bakit. “ARE YOU OKAY NOW?” bungad sa ’kin ni Sir Cross habang busy na ako sa trabaho ko. Nag-angat ako ng mukha para tumingin sa kaniya. Ito na naman ang kaba sa dibdib ko nang masilayan ko ang guwapo niyang mukha. Baliw na ata ako at lagi ko itong nararamdaman kahit masagi lang siya sa isipan ko simula kagabi. “A, e, um, o-okay na po.” Nauutal kong sagot sa kaniya. Pakiramdam ko pinagpapawisan ako ng malamig dahil sa mga titig niya sa ’kin ngayon. Nakakailang. Parang nakakatunaw ng kalamnan. “I think you’re not!” aniya. Nagsalubong naman ang mga kilay ko. “P-po?” “Bakit nauutal ka riyan?” tanong niya sa ’kin. “Ahhh—” nag-iwas agad ako ng tingin sa kaniya. “Tss! Come with me.” Saad niya ’tsaka naglakad palayo sa puwesto ko. Bigla naman akong napatayo sa swivel chair ko at napasunod ako sa kaniya. Hanggang sa makarating kami sa elevator. “S-saan po tayo sir?” tanong ko sa kaniya habang nakabuntot ako sa kaniya palabas ng building hanggang sa parking lot. “Let’s eat lunch. I’m hungry.” Tipid na sagot niya at pinagbuksan ako ng pinto sa kotse niya. Napahinto ako saglit at kunot noo na naman siyang tinapunan ng tingin. Lunch? Ako inaaya ni Sir Cross ng lunch? Bakit? Lunch Date? Ay nako Debbie, grabe naman mag-imagine ’yang utak mo! Asa ka? “What? I’m hungry, sakay na bilis.” Masungit na saad niya sa ’kin. Wala sa sariling tumalima naman agad ako para sumakay sa front seat. Bakit? Puro bakit ’yong nakikita kong words sa utak ko sa mga sandaling ito. Ano ang dahilan at out of the blue ay inaya niya akong kumain ng lunch at sa labas pa? Puwede naman sa canteen ’di ba? Hanggang sa makarating kami sa isang mamahaling kainan. Kinabahan naman ako. Bakit dito? Ang mahal dito. Paniguradong hindi ko kakayanin magbayad sa kakainin ko. Wala sa sariling napalunok na lang ako ng laway ko. “Let’s go.” Para naman akong kinuryente nang dumapo ang kamay niya sa baywang ko at iginiya niya ako papasok sa restaurant. Muli akong napalunok at napatingin sa kamay niyang nasa baywang ko. Bakit pakiramdam ko kaunti na lang mawawalan na ng lakas ang mga tuhod ko dahil sa kilig? Nanglalambot ang mga tuhod at kalamnan ko. Muntikan pa akong mapatid nang pagkapasok namin sa pinto ng restaurant ay hindi ko naiangat ng maayos ang paa ko kaya sumabit ang takong ng heels ko. Mabuti at nahawakan niya ako sa isang kamay. “Careful!” aniya na parang nag-aalala pa sa akin. Pilit naman akong ngumiti sa kaniya na napapahiya pa. “S-sorry po!” “Here,” aniya at ipinaghila pa ako ng upuan nang makalapit kami sa isang lamesa. Ano ba! Pakiramdam ko talaga date ’to e!Bakit napaka-caring at gentleman niya naman ngayon? Nakakagulantang naman at biglang naging ganito ang action niya sa akin. O baka naman, last day ko na pala ngayon sa trabaho ko kaya tini-treat niya ako ng lunch? Huwag naman sana! Ginagawa ko naman nang maayos ang trabaho ko e! “What’s your order?” tanong niya nang nagtitingin-tingin na ako sa menu. Halos mapalunok ako ng sunod-sunod nang masilip ko ang mga presyo na nasa menu. Napakamahal! Drinks pa lang nasa seven hundred plus na. Asahan mo na ’yong pagkain! Kapag sa karenderya ako kumain sakto na ang fifty pesos ko e. “A, um, a-ano po sir—” “Don’t mind the prize Ms. Solomon, this will be my treat. Order whatever you want.” Seryosong saad niya sa ’kin. Treat naman pala e! Akala ko. “A, ikaw na po ang bahala sir.” Nahihiyang sagot ko. Tumawag naman agad siya ng waiter at siya na nga ang um-order ng pagkain namin. Fifteen minutes lang ang hinintay namin nang dumating ang order niya. Nagulat pa ako sa dami ng pagkaing inihain sa mesa namin. Fiesta ba? Sa dami ng in-order niya kaya ba namin ubusin ’to lahat? “Let’s eat.” ’Tsaka siya nagsimulang kumain. “Ang dami naman sir?” nahihiyang saad ko. “Just eat Ms. Solomon.” TINITIGAN ni Cross si Debbie habang nakatuon ang buong atensyon nito sa pagkain. Bahagyang nagpakawala nang banayad na paghinga ang binata. Para ding si Kara si Debbie kung kumain ito. Ang takaw na parang walang pakialam sa mga taong nasa paligid nito. Naalala niya pa no’ng unang beses na inaya niyang kumain sa labas si Kara. Ganoon na ganoon talaga ang kilos ng dalawang babae. Okay wait! Why is he comparing Debbie to Kara? He must have moved on with Kara because she’s already happy with Melfoy. Siya na lamang itong hindi pa maka-move kaya hanggang ngayon ay malungkot pa rin ang buhay niya, ang puso niya. “Okay lang po ba kayo sir?” tanong ni Debbie sa kaniya na siyang naging dahilan nang pagkurap niya at ipinilig niya ang kaniyang ulo. “Yeah.” Tipid na sagot niya. Debbie is seems nice too. Hindi niya lang maintindihan kung bakit naiinis siya rito. Ah, siguro dahil sa unang beses na pagkikita nilang dalawa na hindi naging maganda. Ganoon din ang pangalawang pagkikita nila na natapunan nito ng tubig ang damit niya. Pero hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit may kung ano siyang nararamdaman sa kaniyang dibdib sa tuwing napapatitig siya sa mukha ng dalaga. May iilang gabi na rin na parating ito ang laman ng kaniyang panaginip. Nakakapagtaka lang kung bakit niya ito napapanaginipan, samantalang wala naman itong kinalaman sa buhay niya. And then last night, he could not sleep well because he was wondering if her condition was okay. He was worried about her yesterday. At nagi-guilty rin siya dahil pinagalitan pa niya ito kahapon without knowing na inaapoy na pala ito ng lagnat. That’s the reason why he invited her to eat lunch. Peace offering niya rito. “Bakit ang kalat mong kumain?” tanong niya rito mayamaya at kumilos kaagad ang isang kamay niya paangat sa gilid ng labi ni Debbie para kunin ang kanin na naroon. Bigla naman siyang nagulat sa kaniyang ginawa. At sigurado siyang ganoon din ang naramdaman ni Debbie kaya mabilis itong nag-iwas ng tingin sa kaniya. “I’m sorry!” saad na lamang niya at binawi ang kaniyang kamay. “SALAMAT po ulit sa pagkain, sir.” Sabi ko sa kaniya nang makabalik na kami sa opisina. Mula nang mabigla ako dahil sa ginawa niya kanina... tahimik lang kami pareho sa loob ng sasakyan niya. Walang may gustong magsalita. Lalo naman ako. Ayokong magsalita dahil nahihiya pa rin ako sa kaniya. “Welcome.” Sagot niya at tipid siyang ngumiti sa akin. Bigla akong natigilan at napatitig na naman sa kaniya. Oh? Ngumiti siya sa ’kin? Totoo ’yon? First time. Ang guwapo niya pala talaga kapag nakangiti. Makalaglag panty! Ngumiti na lang din ako sa kaniya ’tsaka tumalikod na para bumalik sa puwesto ko. Hindi na maalis-alis sa labi ko ang ngiti ko dahil sa mga pangyayari ngayong araw na ito na hindi ko inaasahang mangyayari. Ito na ata ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko simula nang mawala ang magulang ko. Ang gaan sa pakiramdam. Oo na, aaminin ko ng crush ko na si Sir Cross. Lalo pa at nakita ko na ang napaka-guwapo niyang ngiti sa akin. Guwapo na nga caring at gentleman pa. At aaminin ko ring mali ’yong unang naging impression ko sa kaniya na masungit siya. Tama nga si Ma’am Mirah, mabait si Sir Cross basta walang dalaw. “Ngiting-ngiti girl?” nakangiting bungad sa ’kin ni Yumie. “Huh?” nakangiting saad niya. “Nako, suwerte mo naman at ikaw ang inaya ng date ni Sir Cross,” sabi pa sa akin ni Yumie. “Alam mo bang patay na patay kami riyan? Tapos ikaw lang pala ang matitipuhan.” Kunwari ay naiiyak na saad pa nito. Mabilis namang nagsalubong ang mga kilay ko habang may ngiti pa rin sa mga labi ko. “Matipuhan ka riyan? Kumain lang kami, tipo agad?” saad ko. “Sus!” inirapan niya ako. “Amiga, ang lalaki dalawa lang naman ang dahilan kung bakit nag-aaya ng lunch sa isang babae. Una, gusto lang ng kasama kumain. Pangalawa, gusto ka talagang kasama kumain.” Natawa naman ako bigla dahil sa sinabi niya. “Ewan ko sa ’yo Yumie.” Malabong ako ang matipuhan ni Sir Cross. Kasi ’yong mga tipong babae na bagay sa kaniya ay ’yong mga pa-sexy at magaganda. Wala naman ako roon sa dalawa e! Kaya malabo ang sinasabi ni Yumie. ’Tsaka isa pa, kailan lang naman kami nagkakilala. Kaya malabo talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD