CHAPTER 6

3118 Words
HALOS mabitawan ko pa ang bag ko dahil sa gulat nang pagkapasok ko sa bahay at makita ko si Tiyo Cardo na nakatayo pala sa gilid ng pintuan. Iba ang mga tingin nito sa ’kin na nagpakaba naman sa ’kin nang husto. “Boyfriend mo ba ’yon Debbie?” seryosong tanong nito sa akin habang umiinom ng alak. “T-tiyo Cardo nandyan po pala kayo. A, hindi po.” Utal na sagot ko rito. Tumango-tango naman ito sa ’kin ’tsaka isinara ang pinto. “Tandaan mo Debbie, hanggat nasa pamamahay kita bawal ka pang mag-boyfriend, paano kung mabuntis ka huh?” galit na sermon nito sa ’kin. Mayamaya ay pinasadahan pa ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa ’tsaka muling uminom sa bote ng alak na hawak niya. Kung alam ko lang na mas dilekado ako sa ’yo tss! Bulong ko sa sarili at nagmadali ng pumanhik sa kuwarto ko. Agad ko iyong ni-lock ng mabuti. “Nako Debbie, kailangan mo talagang mag-ingat dahil sa manyak na ’yan. Kung puwede lang na umalis na lang ako rito e.” Saad ko sa sarili habang nagbibihis ng damit. Pagkatapos ay naghanda na rin ako para matulog. Maaga pa rin kasi akong gigising kinabukasan. “DEBBIE, anong oras ka na umuwi kagabi huh?” galit na boses ni tiya ang nadinig ko habang papasok ito sa kusina. “Pasado alas nueba na po tiya.” Sagot ko habang nagluluto ng almusal. “Aba, at saan ka naman galing at ginabi ka na huh? Hoy Debbie, nasa pamamahay kita kaya umayos ka.” Lintaya nito habang nakapamaywang sa gilid ko. Si Tiya Lolet na ata ang klase ng tao na sobra pa sa may amnesia kung makalimot sa usapan. Lihim akong napabuntkng-hininga. “Tiya, nagpaalam po ako sa inyo na OJT ko po ngayon. Pumayag po kayo sa akin.” Sagot ko. “Oo nga po mama. ’Tsaka nagtatrabaho naman si Debbie rito sa bahay kahit pagod siya galing trabaho niya sa iba e.” Singit ni Mike na kumakain na rin. Tiningnan naman ito ng mama niya. “Aba at sumisingit ka na rin sa usapan ng matatanda! Dalian mo riyan Debbie.” Sigaw ni tiya ’tsaka lumabas ng kusina. Napangiti na lang ako kay Mike nang balingan ko ito ng tingin. “Salamat.” Saad ko. Hindi ko alam kung ano talaga ang nakain ng batang ito at mabait na sa akin. “Tiya, Tiyo aalis na po ako.” Paalam ko sa kanila nang maabutan ko sila sa sala at nanunuod ng palabas. Kita ko naman ang pagtitig sa ’kin ni Tiyo Cardo. Hinila ko pababa ang palda na suot ko nang mapansin kong napadapo sa mga hita ko ang mata niya. “Tapos mo na ba gawin ang trabaho mo Debbie?” tanong ni Tiya Lolet sa akin. “Opo lahat po ginawa ko na.” Kahit pagod na pagod na ang katawan ko dahil ilang oras lang ang tulog ko kanina, kailangan ko pang gumising ng maaga para simulan ang trabaho ko para makaalis din ako ng maaga para sa trabaho ko na naman sa labas. Ganiyan talaga ang buhay, lahat gagawin mo para sa kapakanan mo. Wala ka ng kakampi kun’di ikaw na lang kaya wala kang ibang gagawin kun’di ang magtiis hanggat kaya mo pa. “Aalis na po ako!” paalam ko ulit at naglakad na palabas ng bahay. “Good morning po ma’am Mirah. Nandiyan na po ba si sir? Sorry medyo late po ako.” Bungad ko rito nang makalapit ako sa lamesa ko. “Ayan parating pa lang.” Sagot nito ’tsaka mabilis na tumayo. Napalingon naman ako sa gawi ng itinuro niya. Papasok na nga ang big boss kaya tumayo na rin ako. “Good morning Sir Cross!” bati ni ma’am Mirah dito. “Good morn—” “In my office Ms. Solomon.” Hindi ko pa man natatapos ang pagbati ko sa kaniya. Napasunod na lang ako bigla sa kaniya. “How did you know Markus?” tanong niya nang makaupo sa swivel chair niya. “Ahh... k-kapitbahay ko po siya and kaklase rin po mula highschool.” Sagot ko sa kaniya. “Go back to your work.” Aniya ’tsaka nagsimula ng magtipa sa laptop niya. Nagmamadali na rin akong muling lumabas sa office niya. Naging busy naman ang buong araw ko. Madami na rin akong natotonan kay ma’am Mirah. Hanggang bukas na lang din kasi siya sa pagiging secretary ni Sir Cross at ako na ang papalit sa kaniya. Kinakabahan ako lalo kasi ako na lahat gagawa at panigurado na sa ’kin na lahat ng sigaw at galit nito sa ’kin. Pero pansin ko lang, kapag si ma’am Mirah o ibang empleyado ang kausap niya, hindi naman siya masungit. Sa ’kin lang talaga. May galit ata ’to sa ’kin? O siguro dahil sa nangyari noong muntikan niya na akong mabangga kaya ganiyan siya masungit sa ’kin? “Halika na Debbie, sabay na tayo umuwi.” Saad sa ’kin ni ma’am Mirah. Nagmamadali naman akong inayos ang mga gamit ko ’tsaka sumunod na sa kaniya. Dahil wala akong sundo ngayon, pahirapan na naman sa pagkakay sa jeep. “Ingat po ma’am Mirah.” Kumaway pa ako rito bago siya sumakay sa taxi. Ilang minuto pa akong naghinntay at nag-abang ng jeep bago ako nakasakay. Pagdating sa bahay pasado alas dyes na rin. “Diyos ko naman po!” nagulat ako nang maabutan ko na naman sa may pintuan si Tiyo Cardo. “Masiyado ka naman magugulatin Debbie!” anito at ngumisi sa akin. “Kumusta ang araw mo?” mayamaya ay tanong nito ’tsaka naglakad palapit sa ’kin. Mabilis naman akong lumayo sa kaniya. “O-okay naman po tiyo.” Medyo kinakabahang sagot ko. “Aakyat na po ako sa kuwarto.” Akmang tatalikod na sana ako nang bigla naman nitong hawakan ang kamay ko at pigilan ako. Awtomatikong nagtayuan ang mga balahibo sa katawan ko at sunod-sunod ang pagragasa ng kaba sa dibdib ko. “Dito ka muna Debbie, samahan mo muna ako sa pag-inom ko.” Napapalunok ako ng sunod-sunod dahil sa klase ng boses at titig nito sa ’kin. Binabayo na talaga ng kaba at takot ang puso ko dahil sa klase ng titig at ngisi nito sa akin. “T-tiyo... bitawan mo ako! Magpapahinga na po ako.” Pilit kong binawi ang kamay ko sa kaniya. “Huwag ka na mag-inarte Debbie! Pinapalamon at pinapatira kita sa pamamahay ko tapos ganiyan pa ang igaganti mo sa ’kin?” asik nito sa akin ’tsaka diniinan ang paghawak sa braso ko. At isinusumbat niya pa sa akin ang lahat ng ito? Kung ako at ang katawan ko lang ang kapalit lahat ng pagpapatira at pagpapakain niya sa ’kin dito sa bahay niya... mabuti ng lumayas ako rito! Mariing kumuyom ang kamao ko at matalim na titig ang ipinukol ko sa kaniya. “Bitawan mo ako Tiyo Cardo!” mariing saad ko at malakas na binawi sa kaniya ang kamay ko. Walang anu-ano’y mabilis akong tumalikod at pumanhik sa silid ko. Ini-lock ko iyon bigla. Napasandal pa ako sa likod ng pinto at sunod-sunod na bumuga nang malakas na hangin upang tanggalin ang kaba at takot sa dibdib ko. “OKAY KA LANG ba Debbie?” untag na tanong sa ’kin ni ma’am Mirah kinabukasan nang pumasok ulit ako sa trabaho ko. Napalingon ako sa kaniya. “Kanina ka pa tulala riyan! May problema ka ba?” tanong pa nito. “A, w-wala po.” Tipid na sagot ko at ngumiti. Mayamaya ay nadinig kong tinatawag ako ni Sir Cross kaya nagmadali akong tumayo at lumapit sa pintuan ng opisina niya. Kumatok muna ako bago pumasok. “Yes po sir?” “Encode this and make an appointment to Global Inc. tomorrow if possible.” Seryosong saad niya sa ’kin. Lumapit naman ako sa lamesa niya para kunin ang mga ipapa-encode niya. Aabutin ko na sana ang mga iyon nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Nagulat pa ako sa ginawa niyang iyon kaya napatitig ako sa kaniya nang mabuti. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at natuod ako sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko biglang bumilis ang t***k ng puso ko. “B-bakit po, sir?” utal na tanong ko nang hindi niya bitawan ang kamay ko. Sa halip ay tumayo siya sa kaniyang swivel chair at mas lalo akong hinila palapit sa kaniya at may kung ano’ng tiningnan sa braso ko. “What is this?” kunot ang noo at takang tanong niya sa ’kin. Napatingin din naman ako sa braso ko. ’Tsaka ko lang napansin na may pasa pala ako roon. Agad kong binawi ang kamay ko ’tsaka ibinaba ang manggas ng suot kong long sleeve polo. “W-wala po sir.” Nakatungong sagot ko sa kaniya. “Are you okay Ms. Solomon? Saan mo nakuha ang pasa na ’yan?” Ewan ko kung tama ang nahimigan ko sa boses niya. Para siyang nag-aalala para sa akin dahil sa nakita niyang pasa sa braso ko. “Aksidente lang po sir,” sagot ko nang mag-angat ako ng mukha at tiningnan siya ulit. Tinitigan niya ako saglit na animo’y binabasa ang mga mata ko. Dahil nakaramdam ako ng pagkailang sa kaniya, mabilis akong nagbaba ulit ng tingin sa kaniya. I heard him let out a deep sigh. “Go back to your table.” Saad niya sa ’kin. Nagmadali naman akong lumabas sa opisina niya. Mayamaya biglang may lumapit sa ’kin na babae. “Ikaw po ba si Ms. Debbie Solomon?” tanong nito sa akin. “Ako nga po, bakit?” “Para po sa inyo.” Inabot nito sa ’kin ang isang paper bag. Nagtataka naman akong kinuha ’yon sa kamay nito. “Salamat.” Saad ko na lang dito. Ngumiti lang naman sa akin ang babae bago tumalikod. Saglit ko itong sinundan ng tingin bago ko binuksan ’yong paper bag. “Cold compress pati ointment?” kunot ang noo at nagtatakang saad ko. Apply this para mawala na ’yang pamamaga ng braso mo! May kasama pang note. Mas lalong nangunot ang noo ko at wala sa sariling napatingin ako sa saradong pintuan ng opisina ni Sir Cross. Siya ba ang nagpadala nito sa akin? Napangiti akong bigla. “ARE YOU OKAY NOW?” Halos mabitawan ko pa ang lunch box ko nang marinig ko ang boses ni Sir Cross na nagsalita sa gilid ng pinto sa pantry room. Nakahawak ako sa tapat ng dibdib ko nang magbaling ako ng tingin sa kaniya. Nagpakawala pa ako nang malalim na buntong-hininga. “O-opo sir! Thank you pala sa binigay mo kanina.” Nahihiyang saad ko sa kaniya. Hindi na siya umimik at tiningnan lang ako saglit ’tsaka naglakad palapit sa water dispenser. Lumapit na lang din ako sa lamesa para makakain na rin at kanina pa ako nagugutom. “Kain po tayo sir!” aya ko sa kaniya. “No thanks.” Tipid lang na sagot niya ’tsaka lumabas ng pantry room at naiwan akong mag-isa roon. Napakibit-balikat na lamang ako at nagsimula na ring kumain. “BYE PO ma’am Mira! Mag-iingat po kayo at salamat po sa pagturo sa ’kin sa trabaho ko rito.” Saad ko nang magpaalam na ito na aalis na siya para umuwi ng probinsya nila. “Ikaw rin. Galingan mo huh! Huwag kang mag-alala, mabait ’yang si Sir Cross... kapag walang dalaw.” Hagikhik pa nito na bumulong sa ’kin. “Ehemmm!” Napaupo kami nang maayos ng marinig namin ang boses ni sir. “A, sir magpapaalam na po ako sa inyo. Maraming salamat po ulit.” “Just careful Mirah okay.” Anito at niyakap si ma’am Mirah. Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya. Hindi naman pala pagsusungit lang ang alam niyang gawin e. Marunong din naman pala siyang makisama sa mga empleyado niya. “Salamat po Sir Cross. Sige po, mauna na po ako.” Saad ni ma’am Mirah ’tsaka naglakad na palabas ng opisina Sinundan pa namin ito ng tingin ni Sir Cross hanggang sa makasakay ito sa elevator. “You can now go home Debbie.” Mayamaya ay saad sa ’kin ni sir. “Kayo po sir?” tanong ko. “Later.” Tipid na sagot niya ’tsaka naglakad na pabalik sa opisina niya. Niligpit ko lang ang mga gamit ko ’tsaka lumabas na rin ng building. Wala pa rin si Markus kaya wala akong sundo ngayon at magje-jeep na naman ako pauwi. Pagdating ko sa bahay, nasa sala pa si tiya. “Oh Debbie, mabuti naman at maaga kang umuwi.” Saad nito nang makita akong pumasok sa pinto. Naglakad ako palapit sa kaniya at nagmano. “Labhan mo ang mga uniform ni Sefira bago ka matulog.” Aangal pa ba ako? “Opo tiya magbibihis lang po ako.” Sakto namang pag-akyat ko sa itaas, naabutan ko si Tiyo Cardo na nasa tapat ng pinto ng kuwarto ko at parang may sinisilip ito. Nang makita niya akong nasa itaas na, nagmamadali na itong umalis kaya dali-dali na rin akong naglakad papasok sa kuwarto ko at ini-lock ko ng mabuti ang pinto bago ako nagbihis. Pagkatapos ay bumaba na rin ako at nagtungo sa likod bahay para maglaba. Pasado ala una na rin ako natapos sa trabaho ko kaya late na rin akong nakatulog. Resulta kinabukasan, antok na antok ako sa trabaho ko. “MS. SOLOMON!” Agad akong napatayo sa kinauupuan ko nang marinig ko ang galit na boses ni Sir Cross. Halos matumba pa ako dahil sa sakit ng ulo ko. “What are you doing? Oras ng trabaho natutulog ka lang sa puwesto mo?” galit na tanong niya sa ’kin. Napatungo na lang ako at lihim na kinurot ang pisngi ko para kahit papaano ay magising ako. Nakakahiya naman sa mga kasama ko! Pinagtitinginan nila ako dahil nahuli ako ni sir na natutulog lang sa puwesto ko. Bagsak na bagsak kasi talaga ang talukap ng mga mata ko. Kahit pilitin kong gumising, hindi na talaga kaya. Pakiramdam ko rin ay hinang-hina ang mga kalamnan ko. Parang magkakasakit na naman ako nito. “S-sorry po sir,” hingin paumanhin ko sa kaniya. “Sorry? I don’t need your sorry Ms. Solomon. I need you to work kasi binabayaran kita para magtrabaho rito. Hindi para gawing hotel ang opisina ko.” Mariing saad niya sa ’kin. Kahit hindi ko siya tingnan, alam kong galit ang mga mata niyang nakatitig sa ’kin ngayon. Oh! Kasalanan ko naman e. Kaya dapat lang na pagalitan niya ako! Saglit akong tumikhim upang tanggalin ang bolang bumara sa lalamunan ko. “Ehemmm! O-opo sir.” Agad din akong tumalima at bumalik sa trabaho ko. Kahit pagiwang-giwang sa paglalakad ay pinilit ko pa ring maging maayos. Pinagpapawisan na rin ako ng malamig. “Okay ka lang ba Debbie?” tanong sa ’kin ni Yumie na kasama ko sa trabaho. Isa siya sa naging close friend ko simula nang magtrabaho ako rito. “Okay lang.” Namamaos na sagot ko sa kaniya. Lumapit naman ito sa ’kin at sinalat ang noo at leeg ko. “Ang init mo. May sakit ka! Sigurado ka bang okay ka lang?” may pag-aalalang tanong nito sa akin. Sasagot na sana ako kay Yumie nang marinig ko naman ang boses ni Sir Cross. “Tsismisan?” Pareho pa kaming napalingon ni Yumie sa gawi niya. “A, hindi po sir! Si Debbie po kasi inaapoy ng lagnat.” Sagot nito. Kunot noo namang lumapit sa ’kin si sir at hinawakan ang leeg ko. “God! You’re burning! Ba’t hindi mo sinabi kanina?” may halo pa ring galit sa boses niya. Pero mayamaya ay nagulat na lang ako nang bigla niya akong buhatin mula sa pagkakaupo ko at nagmamadaling naglakad palabas ng opisina. “Sir—” “Just stop talking. Dadalhin lang kita sa clinic.” Wala na nga akong nagawa kun’di ang ipulupot na lang sa leeg niya ang braso ko para kahit papaano ay mabawasan ang bigat ko. Nakakahiya naman at siya pa ang nagbuhat sa ’kin. Pero dahil hindi ko na kayang maglakad dahil sa panghihina ng buong katawan ko, hinayaan ko na lang siyang kargahin ako. Kung siguro hindi lang ako inaapoy ng lagnat ngayon, baka kanina pa ako kinikilig dahil sa ginawa niya sa akin. Amoy ko ang mabango niyang pabango na tumatama sa ilong ko. At ang sarap pala sumandal sa malapad niyang dibdib. Ang sarap pa lang makulong sa mga bisig niya. Ramdam ko ang matitigas niyang mga muscles. Animo’y wala lang sa kaniya na buhat-buhat niya ako, samantalang may kabigatan din ang timbang ko. Lihim ko na lang siyang tinitigan habang naglalakad siya, hanggang sa makarating kami sa clinic. Agad naman akong inasikaso ng nurse nang mailapag niya ako sa hospital bed. Dahil sa mabigat ang pakiramdam ko, agad akong nakatulog matapos makainom ng gamot. “MASIYADO lang pong inaabuso ang katawan niya sa trabaho kaya ’di na kinaya at bigla siyang inapoy ng lagnat. Pero mamaya lang din po ay bababa na ang lagnat niya sir.” Paliwanag ng nurse kay Cross habang pinagmamasdan niya ang dalaga na mahimbing ng natutulog. “Thank you!” saad niya bago umalis sa harapan niya ang nurse na babae. Muli niyang tinapunan ng tingin ang mahimbing na natutulog na si Debbie. Ewan ba niya sa kaniyang sarili, pero kanina nang buhatin niya ito para dalhin sa clinic, parang may kakaiba siyang naramdaman sa kaniyang dibdib. Hindi niya lang matukoy kung ano ang ibig sabihin niyon. She reminds me of someone... Kara. Parang pareho sila. Anang kaniyang isipan habang pinagmamasdan niya pa rin ang maamong mukha ni Debbie. Her gesture, like Kara’s when he first met her. Ang kilos at pananalita nito. Although, walang makakagaya sa totoong ugali na mayroon si Kara, but it seems na ganoon din si Debbie. Iyon ang napapansin niya sa dalaga nitong mga nakaraang araw. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere. He must be crazy na ikumpara niya si Debbie sa babaeng mahal niya. Masiyado lang niyang nami-miss si Kara kaya ganoon. Masiyado siyang nag-o-over thinking tungkol kay Kara kaya naikukumpara niya si Debbie. Naipilig niya ang kaniyang ulo mayamaya upang tanggalin ang mga iniisip niya. He was about to turn his back nang marinig niyang nagsalita si Debbie. “Huwag mo akong iiwan... please!” namamaos na boses nito. Pakiramdam niya bigla siyang naawa sa dalaga. Parang nakikita niya sa hitsura nito ang sobrang lungkot at paghihirap kahit taliwas naman iyon sa ipinapakita nitong ugali kapag okay ito at walang sakit. “Markus!” bulong nito na hindi rin nakaligtas sa pandinig niya. Wala sa sariling napatiim-bagang na lamang siya at muling nagbuntong-hininga pagkuwa’y tumalikod na at lumabas sa clinic na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD