NAALIMPUNGATAN lang ako nang maramdaman kong may masuyong palad ang humahaplos sa pisngi ko. Nakatulog na pala ako ng hindi ko namamalayan. “Baby, wake up. We’re here!” bulong sa ’kin ni Cross. Humihikab pa akong nagmulat ng mga mata ko. Kaagad na sumalubong sa paningin ko ang nakangiting mukha ng mahal ko. “Mmm, nasaan na tayo?” namamaos ang boses na tanong ko sa kaniya. Inayos niya ang nagkalat kong buhok na nahulog sa tapat ng mukha ko. Ipininid niya ito sa likod ng tainga ko. Masuyo pa niyang hinaplos ang pisngi ko. Nagmumukha tuloy akong bata sa ginagawa niya ngayon. Pero siyempre, sweet at nakakakilig pa rin. “Nandito na tayo sa lugar nina Yumie.” Saad niya. Biglang nagsalubong ang mga kilay ko at inilibot ko ang paningin sa paligid. Medyo madilim na ang buong paligid at wala a

