“HOLY, COW!” Agad kaming napatingin ni Cross sa may pintuan nang makarinig kami ng boses na nagsalita sa harapan namin. Biglang nag-init ang buong mukha ko dahil sa kahihiyan. Kung puwede nga lang na lamunin na ako ngayon ng kama ni Criss para mawala ako sa paningin ni Astra. Oh, God! “What are you doing, Astra?” sigaw na tanong ni Cross nang mapansin niyang nagdahan-dahan akong sumiksik sa ilalim ng kumot habang nasa gilid ako ng kilikili niya. “Kaya pala! Kanina pa ako nagsusumigaw sa labas ng kuwarto n’yo pero walang may sumasagot kasi busy naman pala kayong dalawa.” Anito na namaywang pa. “Hoy, Buenavista umayos ka. Hindi mo pa nga pinapakasalan ’yang si Debbie nauna na ang honeymoon n’yo.” Nakataas ang isang kilay na saad nito. “Kayo talagang mga lalaki oo. Hindi makapagpigil. Hind

