CHAPTER 26

3812 Words

MALUNGKOT ako sa araw na ito kasi aalis ang mahal ko. Isang linggo rin kaming hindi magkikita. Kahit mabigat sa kalooban kong pumayag na magkahiwalay kami saglit, wala naman akong magagawa. Maaga akong gumising para asikasuhin si Cross. Pagkatayo ko sa kama ay isinuot ko ang malaking T-shirt na suot niya kahapon at tanging underwear lang ang suot ko sa ilalim ng damit niya. Paano, kahit ayokong pumayag kagabi na ulitin ulit namin ang ginawa namin kahapon, wala rin akong nagawa dahil sa pangungulit ng mahal ko. Ilang beses na muli kaming napag-isa kagabi. At wala naman akong pagsisisi sa puso ko na ipinaubaya ko na talaga kay Cross ang lahat sa akin. I’m happy, iyon ang totoo. Kahit may kaunting hapdi at kirot pa rin sa ibaba ko ay pinilit kong maglakad papasok sa banyo para maghilamos.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD