"Hindi mo na dapat ginawa 'yon," mahinahon kong sabi kay Jude. "Hindi mo dapat sila sinugod." "I know," pagod siyang bumuntong hininga. "Ayoko lang kasi yung mga sinabi ng mga lalaking 'yon sa ‘yo…" "Pero hindi pa rin 'yon dahilan para sugurin mo sila bigla. Tingnan mo ang nangyari sa ‘yo… napahamak ka dahil sa 'kin." "Galit ka?" malungkot niyang tanong. "Hindi," iling ko. "I'm thankful, but please, don't do that again. Kaya ko ang sarili ko…" "S-sorry talaga." "At bakit ka nga pala nandoon kung nasaan ako?" tanong ko nang maalala ang tungkol doon. "I followed you," humina ng kaonti ang kanyang boses. "Na-curious ako ba't kasama mo 'yung dalawang bata. Kaya... kaya sinundan kita." "Jude, tatapatin na kita…" I swallowed hard. "Gusto kitang maging kaibigan. I think you're different.

