Puting kisame ang bumungad sa akin nang imulat ko ang aking mga mata. Nilibot ko ang aking paningin at nakita si Tita Beverly na nakaupo sa isang sofa. Napatayo siya kaagad at lumapit sa 'kin nang makitang gising na ako. "Kellie..." ani Tita, inalalayan niya ako sa pag-upo. "Mabuti naman at gising ka na." Hindi ko na kailangan magtanong kung nasaan ako. From the smell and looks of it, it's obvious that I'm at the hospital. Pero paano ako nakarating dito? I tried to recall what happened... Hinatid ko si Ato at Nenet sa kanilang bahay. Nang pabalik ako sa sasakyan, may mga lalaking nagiinuman. They're talking sht and catcalling me. Biglang sumulpot si Jude at sinugod ang mga lalaki. One of the guys hit his head. Then, I saw blood... it triggered horrific memories. Fck! "T-tita..." nang

