"Ate Kellie, salamat po. Nabusog po kami ni Nenet..." nakangiting sambit ni Ato pagkatapos nilang kumain. "Mabuti naman at nabusog kayo," ngiti ko pabalik. Binaling ko ang tingin kay Nenet. "May gusto ka pa bang ipabili? Sabihin mo lang." Nagliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko. "Opo!" paulit-ulit niyang tango. "Ay, ayos na po kami, Ate..." tanggi naman ni Ato. Nilingon niya ang kanyang kapatid at marahang hinaplos ang buhok nito. "Net, nakakahiya na kay Ate. Uuwi na tayo." "Ayos lang, Ato. Tsaka birthday naman ng kapatid mo." Bumalik ang tingin niya sa 'kin. "Salamat po, Ate. Pero kailangan na rin po kasi naming umuwi dahil madilim na. Baka hinahanap na kami ni Nanay at Tatay." "Ah, gano'n ba? Oh, sige..." tango ko. "Pero ipag te-take out ko kayo, ha? Iuwi niyo sa ibang mga kap

