"Excuse me? What are you talking about?" mataray kong tanong. Ano ba ang tinutukoy ng lalaking 'to?
Muli siyang tumawa. Tila ba isang malaking biro ang naging tanong ko sa kanya. I am damn insulted because of that! Ano bang problema ng lalaking ito?
"Jerika, huh?" bakas pa rin sa boses niya ang pagiging sarkastiko. "So, that's not your real name."
Kahit na hindi ganoon kaliwanag ay nakikita ko pa rin sa mga mata niya ang pinaghalong galit at pangungutya. Sa mga tingin niya, para bang kilala niya ang buong pagkatao ko. Parang alam niya ang lahat ng ginagawa ko sa buhay.
Pinilit kong isipin kung ano nga ba ang tinutukoy niya, pero kahit na anong gawin ko ay hindi ko maalala.
Nagkita na ba kami o ano?
"Well… I'm sure you know my friend… Jericho or Jake?" naka-krus pa rin ang kanyang mga hita at braso.
Umiling ako. "Sino siya? Ano bang sinasabi mo?" kumunot na ang noo ko dahil sa iritasyon. "Sabihin mo na nga ang gusto mong sabihin! Huwag ka nang magpa ligoy-ligoy pa. Wala akong oras makipagbiruan sa ‘yo!"
Tumayo siya, na siyang ikinagulat ko. Lumapit siya sa sa akin at nilagay ang magkabilang kamay sa gilid ng inuupuan ko.
"What the hell?" tinulak ko siya pero hindi siya nagpatinag. Matikas ang kanyang pangangatawan kaya parang wala lang sa kanya ang pagtulak na ginawa ko.
"Hindi mo ba talaga natatandaan ang mga lalaking nakakasalamuha mo? Hmm?" ang malalim at mapanusko niyang mga tingin ay bumaba sa aking labi.
Kinilabutan ako sa paraan ng pagtitig niya. Damn it!
Baka biglang dumating si Caryl. Ayokong mag-isip siya ng masama. Bago ko pa man siya maitulak, siya na mismo ang bumalik sa kanyang kinauupuan.
"Bakit ba hindi mo na lang ako diretsuhin?" iritado kong tanong nang makabawi na. Kinuyom ko ang aking mga kamay. "Sino ka ba?"
"Hindi na importante kung sino ako. Hindi mo rin naman ako natatandaan," malaming niyang sabi. Kinuha niya ang kopita sa mesa at nilagok kaagad ang laman nito.
Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Sinubukan kong alalahanin kung saan at paano nga ba kami nagkita.
Jerika… Jake… innocence…
"Oh… sht," mahinang mura ko nang matandaan kung saan ko nga ba siya unang nakita.
We've met a month ago! That's why he looked so familiar. I played with his fckboy friend. And then, I tried to seduce him. But he told me to seduce him with innocence! Damn! Bakit ko nga ba nakalimutan iyon? Siya lang naman ang kaisa-isang lalaking tinanggihan ang pang-aakit ko. Siya lang ang nagkaroon ng kontrol sa sarili. Siya ang lalaking mapanghusga!
Muli kaming nagkatinginan. Magsasalita sana ako para sabihing naaalala ko na siya ngunit dumating na si Caryl at umupo na ulit sa tabi niya. So… he’s Jude Harvey Santiago, an Engineer, huh? Inayos ko ang sarili kong upo. Tumikhim ako at sinalinan ng alak ang aking baso.
I glared at him. Hindi na siya nakatingin sa akin. Nag-uusap na sila ni Caryl ngayon. He looked serious while Caryl’s smiling. Bakit ang lalaking ito pa ang nagustuhan ng kaibigan ko? He's not nice! Sigurado akong masama ang ugali niya! Kakahiwalay lang niya sa kanyang girlfriend, 'di ba? I am fcking certain that he's just using my friend to forget his ex!
Inubos ko muna ang aking alak bago magsalita ulit.
"Bakit kayo naghiwalay ng girlfriend mo?" walang prenong tanong ko. Natigilan sila ni Caryl sa pagkukwentuhan. Bumaling sila sa akin. Nakapinta sa kanilang mga mukha ang gulat.
Ngumisi ako. Nanatili ang mga mata ko kay Engineer Santiago.
"Nabalitaan ko kasi… kakagaling mo lang daw sa isang mahabang relasyon. Bakit kayo naghiwalay?" Nilaro ko ang aking baso. Umangat ang gilid ng aking labi nang makita namutla ang mukha ni Engineer Santiago. "Did you cheat on her? Did she cheat on you? Bakit kayo nag-break?"
"Kellie," saway ni Caryl. Lumipat ang tingin ko sa kanya. Pinanlakihan niya ako ng mga mata para awatin ako.
But no… no one can stop me. Lalo na kung ang lalaking ito ang makakabangga ko.
"No, Caryl," tawa ko. Binalik ko ang aking baso sa mesa. Tiningnan ko ulit si Engineer Santiago. Isang nakakalokong tingin ang ibinigay ko sa kanya. "Ang hirap naman yatang paniwalaan na naka-move on ka na agad," ginaya ko ang sarkastiko niyang pagtawa kanina.
Nawala ang pamumutla ng kanyang mukha. Muling bumalik ang lamig sa kanyang mga mata.
"Wala kang alam…"
Tumawa ako ng malakas dahil sa pagdepensa niya sa sarili.
Gusto kong ipaalala sa kanya na ininsulto rin niya ako noong unang beses kaming nagkita. Hinusgahan niya ako na para bang alam niya ang nangyari sa akin simula noong bata pa ako. Pero hindi ko na iyon sasabihin. I just want to piss him off. Gusto kong lumabas ang tunay niyang ugali para malaman ko kung ano ba talaga ang pakay niya.
"Kellie, please…" pakiusap ni Caryl. Nang tumingin ako sa kanya, nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata. Napakagat ako sa aking ibabang labi.
Gusto ko pa sanang magsalita ngunit nakikita ko sa mga mata ni Caryl ang pagmamakaawa. Hindi na ako umimik.
Pinagmasdan ko na lang ng mabuti ang baso na nakalapag sa mesa…
"Sino 'to?" tanong ko kay Manang Liedel. Ipinakita ko sa kanya ang litratong napulot ko sa bodega. Si Martino ang nasa larawan kasama ang isang babae.
Kumunot ang noo ni Manang Liedel. Kinuha niya sa akin ang litrato at pinagmasdan itong mabuti. "Ahh," tango niya nang makita ito. "'Yan si Ma'am Cherry. Unang asawa ni Sir Martino. Kaso ay matagal na siyang wala."
"Nasaan po siya?" inosente kong tanong.
"Nasa langit na," anang matanda sabay turo ng mga daliri sa pataas.
Kinuha ko ulit ang litrato para pagmasdan ito. "Ano pong nangyari?"
"Walang nakakaalam. Bigla na lang siyang nawala pagkatapos nilang maghoneymoon ni Sir."
"Liedel," tawag ng isang baritong tono. Natigilan kami sa pag-uusap ni Manang Liedel dahil sa presensya ni Martino. Tinago ko ang litratong nakita ko sa likurang bulsa ng aking shorts.
Pumasok si Martino sa bodega. Lumapit siya sa akin. Pinatong niya ang isang kamay sa aking balikat.
"Anong sinasabi mo sa bata?" tanong niya.
"Wala p-po, Sir…" bakas ang takot sa boses ni Manang Liedel. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Nalilito ako sa biglaang takot ng matanda.
"Oh, sige na. Iwan mo na kami ni Kellie dito," ,alamig na utos ni Martino na agad namang sinunod ni Manang Liedel.
Lumuhod sa harapan ko si Martino pagsara ng pintuan. Kinabahan ako sa ginawa niya, kaya naman napaurong ako. Humalakhak siya at isang hakbang ulit ang ginawa niya palapit sa akin. Hinawakan niya ang aking mga braso para hindi ako makagalaw.
"Huwag kang maniniwala sa mga sasabihin nila. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan ko," malambing na ngayon ang boses niya. Nawala na ang kanina'y lamig.
Humaplos pababa ang mga kamay niya. Umabot ang mga ito sa aking kamay.
"Mahal kita," aniya na siyang nagpatindig sa aking mga balahibo.
"Si… N-nanay," may halong takot ang aking boses. Gusto kong tumakbo patungo sa pintuan ngunit alam kong kapag ginawa ko iyon ay hindi pa rin magsisilbi.
"Mahal ko ang Nanay mo. Pero mas mahal kita dahil anak ka niya," binitawan ni Martino ang isang kamay ko para hawiin ang aking buhok. Napalunok ako. Hindi ako makatingin ng maayos sa kanyang mga mata. Gusto kong magsalita ngunit naubos na yata ang lahat ng hangin sa aking katawan.
"Bata ka pa, Kellie. Ingatan mo ang sarili mo. Huwag kang papayag na mahawakan ka ng iba."
"N-na… nagugutom na ako," kinagat ko ang ibabang labi ko.
Alam kong mura pa ang aking pag-iisip tungkol sa ganitong bagay. Pero naiintindihan ko na kung ano ang mga pinaparating ni Martino gamit ang kanyang mga salita…
"Kellie?! Kanina ka pa tulala?" ilang beses akong napakurap nang marinig ang malakas na sigaw ni Joyce sa kaliwang tainga ko. Hindi ko namalayan na nakabalik napala siya at nakaupo na ngayon sa tabi ko.
Muli akong napabalik sa realidad. Tila isang panandaliang panaginip… bangungot ang nangyari.
Pinunasan ko ang butil ng pawis na namuo sa aking noo at gilid ng ulo.
What the hell was that? Bakit naalala ko na naman ulit iyon? Bakit palagi na lang siyang sumasagi sa isip ko nitong mga nakaraang araw? Bakit kailangan ko na naman balikan ang lahat ng 'yun? Matagal ko na siyang natakasan sa isip ko!
Bakit na naman niya ulit ako hinahabol?!
"Kanina ka pa wala sa sarili," puna ni Caryl.
Tiningnan ko siya bago ilipat ang tingin kay Engineer Santiago. He's looking at me intently, like he's weighing my emotions. Bumuntonghininga ako para pakawalan ang bigat na nararamdaman. Bumalik ang tingin ko kay Joyce.
"I'm sleepy. Kailangan ko nang umuwi," dahilan ko. Ayokong magtanong pa sila kung bakit ako naging tulala.
"Sus!" Kumunot ang noo ni Joyce. Umupo siya sa armrest. Inakbayan niya ako. "Ngayon ka na nga lang namin nakasama tapos uuwi ka pa agad?" tawa niya. "Hindi pwede 'yan!" she intentionally poured the wine on my chest. Dumaloy ito pababa. Dahil puti ang suot ko, kitang-kitang ang mantsa rito.
"What the hell?" napa-angat ako ng tingin kay Joyce.
"Oooppss… accident," she chuckled. Tinaas niya ang kanyang mga kamay habang hawak ang kopita.
Napahawak ako sa aking dibdib. Damn it! Kumuha ako ng tissue sa mesa para punasan ang aking dibdib. Pinunasan ko rin ang aking suot kahit na hindi naman nawawala ang pulang mantsa. I’m wearing a white tube top and a high-waisted jeans. May suot akong cardigan sa opisina kanina pero iniwan ko na ito sa sasakyan dahil maiinitan lang ako sa loob ng bar.
"Bagay naman," biro pa ni Caryl, natatawa na rin.
Napahilot ako sa gilid ng aking ulo dahil sa kakulitan ng aking mga kaibigan. Tinanggal ko na lang ang pagkakatali ang aking buhok. Hinayaan ko itong malaglag para matakpan ang mantsa sa aking suot.
Napairap ako nang mahagip ng mga mata ko si Engineer Santiago. Seryoso ang tingin niya sa akin.
"What?" nasungit kong tanong sa kanya. "Hindi ka ba sanay na makakita ng babaeng natatapunan ng wine?"
Mukhang natauhan naman siya sa paninitang ginawa ko. Nag-iwas siya ng tingin. Sinaway ako ni Caryl dahil sa naging asal ko.
Ilang sandali pa ay inaya ako ni Joyce na sumaway ulit. Tinanggihan ko siya. Paano pa ako makakasayaw kung ang pangit na ng suot ko.
"Si Caryl na lang," turo ko sa aking kaibigan.
"Hindi pwede," tanggi agad ni Caryl sabay tingin sa kanyang katabi. "Ayaw ni Jude."
"Isama mo siya!" ani Joyce.
"Hindi ako sumasayaw," maagap na sagot ni Engineer Santiago. "Sige na. Sumayaw ka na," aniya kay Caryl.
"Pero… akala ko ba'y ayaw mong makipag sayaw ako sa iba?" nawala ang ngiti sa labi ni Caryl.
"Babantayan kita mula dito sa taas," he patted her hair and genuinely smiled at her.
"Oh, 'yun naman pala!" masayang sabi ni Joyce. Hinila niya patayo si Caryl. Tinitingnan ko lang sila. Sinubukan ulit nila akong isama ngunit hindi ako pumayag.
"Basta huwag kang tatakas!" turo ni Joyce sa akin.
"Hindi," ngiti ko pagkatapos ay muling uminom.
"Jude, pakibantayan si Kellie, ah? Medyo wild 'yan kapag lasing," biro pa ni Joyce bago sila tuluyang bumaba ni Caryl.
"Hindi naman ako nalalasing," depensa ko kahit hindi na iyon narinig ng aking mga kaibigan.
Kaming dalawa na lang ang natira ni Engineer Santiago dito sa pwesto namin. Nakaupo ako sa couch habang siya’y nasa pahabang sofa. The air suddenly became awkward. Ang musika mula sa dancefloor at mga tawanan sa kabilang mesa ay siyang naging ingay sa pagitan naming dalawa.
Nagsalin ako ng panibagong inumin sa aking baso.
Inubos ko ang pinakahuling inom ko ngayong gabi. I grabbed my purse.
"Aalis ka na?" maagap niyang tanong nang tumayo ako.
"Hindi," sagot ko. "I'll just smoke outside."
"You're smoking?" ulit niya na para bang hindi makapaniwala sa nalaman.
"Yes," tango ko at tinaasan siya ng kilay. Kinuha ko ang aking purse pagkatapos ay lumabas na patungong smoking area.
Sa unang hithit pa lang, guminhawa na ang aking pakiramdam. I smoke everytime I'm stressed. But then, Joyce and Caryl always remind me that it's not good for my health. Pinipigilan nila ako pero kahit na anong gawin nila ay hindi ako nagpapaawat.
Maliit na ang stick ng aking yosi nang bigla akong makaramdam ng init. Nagmula ito sa aking mga balikat at likuran.
"Malamig," anang isang lalaki sa aking tabi ko. Naguguluhan akong tumingin sa kanya.
"Bakit ka nandito?" suplado kong tanong kay Engineer Santiago.
Nagkibit balikat lang siya. Tutok ang tingin niya sa kalsada. Humalakhak na lang ako at binalewala ang kanyang presensya. Parang kanina lang nagbabangayang kami, ah? Tapos ngayon nandito kami sa labas at hindi nag-iimikan. Himala!
Aalisin ko na sana ang itim niyang coat ngunit mabilis niya akong pinigilan. Nagkatinginan ulit kami.
"Akala ko ba’y babantayin mo si Caryl sa loob? Bumalik ka na doon. Hahanapin ka ng kaibigan ko."
"What about you?" mas lalong lumalim ang tingin niya sa akin.
"Kaya ko ang sarili ko. Hindi na ‘ko bata…" hindi ko na ulit maitago ang pag-usbong ng iritasyon ko.
Hihithit pa sana ako sa aking yosi ngunit kinuha niya ito sa akin. Tinapon niya ito atsaka inapakan.
"The fck is your problem?!"
"Hindi maganda 'yan sa 'yo," pagtutukoy niya sa sigarilyo. Seryoso pa rin ang kanyang boses.
"Ano bang pakealam mo?!" matalim na tanong ko. Mas lalo akong nainis sa kanya. Bakit ba ang laki ng problema niya sa lahat ng ginagawa ko?
"May pakealam ako…" seryoso niyang sabi. "…sa mga gagawin mo."
Halos matawa ako pero mas nangibabaw pa rin ang init ng ulo ko. Dala yata ng halu-halong alak na ininom ko, hindi ko napigilan ang pagsampal sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko kaya napahawak siya kanyang pisngi. Maging ang ibang tao na lumalabas at pumapasok sa bar ay nagulat din.
"Are you fcking flirting with me now while dating my friend? Fck you, as*hole!"