Mabilis kong pinaandar ang aking sasakyan pagbaba ni Jude. Pinilit kong tanggalin ang mga sinabi niya sa aking isip ngunit hindi ko iyon magawa. Tumatak na ang mga ito sa akin. Hindi dapat ako ganito, hindi dapat ako nagkakaganito. Kilala kong ang aking sarili, kahit kailan ay hindi ako magpapa-apekto sa mga ganoong bagay.
Ano ba ang akala niya? Alam niya ang lahat tungkol sa nakaraan ko? Ang akala ba niya'y kaya niyang burahin ang ginawa niya dahil lang sa kanyang sinabi? Kahit na anong sabihin niya ay hindi magbabago ang opinyon ko sa kanya. Mananatiling ganoon ang pananaw ko sa kanya hanggang sadulo ng aking buhay.
Hindi kayang burahin ng mga salita niya ang sugat sa aking nakaraan. Hindi niya iyon magagawa dahil ako mismo ay hindi kayang iligtas ang sarili ko sa trahedyang iyon.
Minabuti ko munang huwag makipagkita kay Joyce at Caryl sa mga sumunod pang mga araw. Sigurado akong nagtataka na naman ang mga iyon dahil kahit ang mga text at tawag nila ay hindi ko sinasagot. But, honestly, I feel guilty. Hindi ko pa rin kasi nasasabi sa kanila... lalo na kay Caryl ang mga ginawa ni Jude. Hindi ko alam kung totoo nga ba ang sinasabi ng lalaking 'yun na magkaibigan lang sila.
I know my friend, she won't settle on the friendship zone. Kapag gusto ni Caryl ang isang lalaki, nagiging sila nito. Kaya masyadong mahirap paniwalaan ang sinasabi ng Jude Santiago na iyon. Baka mamaya'y kinukuha lang niya ang loob ko. Baka ginagawa niya rin ito kay Joyce. Balak pa yata niya kaming tuhuging magkakaibigan.
Napatingin ako sa aking pintuan ng aking opisina nang makita itong bumukas. Bumungad sa akin si Lucy, suot na niya ang kanyang bag at mukhang handa nang umuwi.
"Ma'am, uuwi na po ako," paalam niya.
I looked at my wristwatch. Alas otso y media na pala ng gabi.
"Okay…" nilingon ko ulit ang aking sekretarya. "Naayos mo na ba ang mga appointment ko para bukas?"
"Opo, Ma'am."
"Alright, umuwi ka na," binalik ko ulit ang tingin sa laptop. Nagpaalam pa ulit si Lucy ngunit hindi ko na siya nilingon at sinagot.
Sa totoo lang ay tapos na ako sa aking mga ginagawa. I'm just searching for the latest guns right now. Naging hilig ko na kasi ito simula nang turuan ako ni Papa na mag-airsoft, dagdag pa itong business. Lumaki ako na may kaalaman sa baril; alam ko kung paano ito hawakan at paano tantyahin ang layo ng aking target. I have a gun, and of course, I have a gun license, as well. Si Papa pa ang nag-ayos ng mga papel nito.
Tinuruan ako ni Papa kung paano ipagtanggol ang aking sarili. Ang sabi niya'y ako lang ang maaaring magtanggol sa aking sarili. Tandang-tanda ko pa iyong mga huling salitang sinabi niya sa akin bago siya bawian ng buhay.
"Maging matapang ka, Kellie. Maging matapang ka para sa sarili mo at para sa Mama mo," ani Papa habang nakaupo ako sa kanyang gilid.
Kita kong ang panghihina sa kanyang katawan. Hindi na niya maigalaw ng maayos ang kanyang mga kamay. Ako na mismo ang humawak ng mga ito.
Mas lalo namang humagulgol si Mama na nakaupo sa paanan ni Papa. Pinapatahan siya ni Tita Beverly. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang sariling luha ngunit hindi ko rin nagawa.
"Malakas ka, Pa, 'di ba?" ngumiti ako kasabay ng pagtulo ulit ng aking mga luha. "Hindi ka pa aalis… hindi mo pa kami iiwan ni Mama, 'di ba?"
Pinilit ngumiti ni Papa pabalik sa akin. Batid ko sa payat niyang mukha na nais na talaga niyang magpahinga.
"Kellie, h-hindi ko na... hindi n-na pwede," aniya kasabay ng pag-ubo. "Basta't tandaan mo ang mga itinuro ko sa 'yo. A-alam kong handa ka na at kaya mo na ang iyong sarili…" ngumiti ulit siya pagkatapos ay ipinikit ang mga mata.
"Papa," umiling ako, niyakap siya ng mahigpit. Lumakas lalo ang iyak ni Mama, maging ang hagulgol ni Tita Beverly ay naririnig ko na rin.
Pagkalipas lamang ng tatlong oras ay binawian na ng buhay si Papa. Masakit dahil ang nag-iisang lalaking mahal ko ay tuluyan nang nawala sa buhay namin. Gayunpaman, pinilit ko pa rin maging matatag para kay Mama. Sinubukan kong tanggapin ng unti-unti…
Sinara ko ang aking laptop. Pinikit ko ang aking mga mata at hinilot ang magkabilang gilid ng aking ulo. That's it for tonight.
I've decided to go to Tagaytay. Noong 18th birthday ko ay may regalong resthouse si Papa sa akin doon. Whenever I miss him, I go to that place, the only haven I know... my sanctuary. Doon ay pwede akong mag-isa. Pwedeng akong umiyak. Pwede kong isigaw ang lahat ng galit ko sa mundo.
Ang sabi nila, tuwing malungkot ka, mag-isip ka lang ng masayang pangyayari sa buhay mo pagkatapos ay magiging masaya ka na ulit. Hindi naman yata 'yun totoo, eh. Kasi tuwing iniisip ko ang masasayang panahon kasama si Papa ay mas lalo lang akong nalulungkot at nagungulila. Mas lalo lang lumalaki ang galit ko sa mundo dahil agad nitong binawi si Papa sa amin.
Minsan, hindi ko tuloy maiwasan na hindi magtanong. Bakit gano'n? Bakit panandalian ko lang nararamdaman ang saya? Simula bata ako ay mabibilang lang iyong mga araw na naging masaya ako.
Masyado ba akong naging masama sa nakaraang buhay ko kaya lahat ng kasalanan ko noon ay pinagbabayaran ko sa buhay ko ngayon?
Bakit hindi pwedeng maging pantay-pantay na lang ang lahat? Bakit ang mga taong walang pera ay maliit sa paningin ng lipunan at ang mga taong maraming pera ay maaaring bilhin kahit na sino, pati mismong kaluluwa ng tao.
Naiintindihan ko iyon dahil bago pa ako makita ni Mama at Papa ay isang batang lansangan lang ako. Walang pera, walang bahay na maaaring uwian. Isang madungis na bata na kapag nilapitan ang mga taong malilinis ay pinandidirihan. Isang batang paslit na kuntento na sa tirang pagkain ng mga taong sinasayang ang pagkain. Isang batang paslit na maswerte na kapag may nakitang karton dahil may magagamit nang sapin sa pagtulog sa kalsada.
Kaya utang ko talaga ang buhay ko sa mag-asawang Angeles. Kung hindi dahil sa kanila, malamang ay nakabaon na rin ako sa lupa ngayon.
Napabalik ako sa aking sarili nang bigla na lang umusok ang harapan ng aking sasakyan. I harshly pressed the brake. Mabuti na lang ay tumigil ito, dahil kung hindi, dumiretso ako sa matarik na bangin. Sinubukan ko ulit itong paandarin ngunit hindi na ito sumindi.
"Fck," napamura ako.
Tinanggal ko ang susi at lumabas ng sasakyan. Napahilamos ako sa aking mukha nang makita ang itim na usok na lumalabas dito. Kinuha ko ang aking cellphone para ilawan ang sasakyan at tingnan kung ano ang problema nito.
I lift up the hood to check what's wrong with the engine. Sa totoo lang ay wala naman talaga akong alam sa ganitong bagay. Damn it! I don't have any idea what happened to my own car. Sinara ko na lang ulit ito dahil wala naman akong mapapala kung ako ang gagawa. Baka mas lalo pang lumala kung may sira man ito.
I dialed Ben's number, but his phone's busy. Siya ang gumagawa ng sasakyan ko kapag may sira ito. Ang sabi nga niya'y kailangan ko na talagang palitan ang aking saksakyan dahil lumang modelo na ito, luma na ang mga makina. Ako lang ang nagpupumilit na ayusin ito dahil unang sasakyan ito ni Papa.
Ano nang gagawin ko ngayon? Manghingi ng tulong? Damn, I'm in the middle of nowhere. Walang masyadong dumadaan na sasakyan dito. Ang maliit na poste mula sa gilid ng kalsada ay siya lang nagsisilbing ilaw sa akin ngayon. Kung maglalakad naman ako, siguradong ilang kilometro pa ang layo bago makarating sa mga bahay. Hindi rin ako sigurado kung mabibigyan ba nila ako ng tulong.
I tried to call Caryl and Joyce, ngunit silang dalawa ay hindi rin sinasagot ang aking mga tawag. Ayoko naman istorbohin si Mama at Tita Beverly sa mga oras na ito dahil alam kong natutulog na sila. Well, my only choice now is to wait until tomorrow.
Akmang papasok na ako sa aking sasakyan nang may biglang umilaw ang kalsada – senyales na may paparating nang sasakyan. Hindi ko alam kung dapat ba akong humingi ng tulong o magpanggap na lang na hindi nasiraan. Damn it, here we go again with my instincts. Mas pinili kong pumasok sa loob ng kotse. Bahala na, maghihintay na lang talaga ako hanggang bukas.
Lumabas ang pulang pick-up mula sa pakurbang daan. Nagulat ako nang pumarada ito sa kabilang kalsada. I immediately locked the doors. Tiningnan ko ang pick-up, bumukas ang pintuan sa driver's seat at hindi ko inaasahan kung sino ang bumaba... si Jude Santiago.
What the hell?
Lumipat siya sa kalsada para tumungo sa aking sasakyan. Hindi ko alam kung matutuwa, magagalit, o matatakot ba ako ngayon. We're in the middle of the road, kahit na sumigaw ako dito ay wala naman tutulong sa akin.
Bumilis ang kabog ng puso ko nang katukin niya ang bintana ng sasakyan. Sht...
Pinipilit kong huwag buksan ang bintana, ngunit sa huli, wala pa rin akong nagawa. Unti-unti ko itong binuksan. Nagkatinginan kami, kitang-kita ko sa mga mata niya ang gulat. Siguro'y hindi makapaniwala na ako ang tao sa loob ng sasakyan.
"K... Kellie?" puno ng gulat ang kanyang boses.
"Nasiraan ako," nag-iwas ako ng tingin. Damn it, ayokong magmukhang kawawa. "Pero maghihintay na lang ako hanggang bukas. Umalis ka na…" taboy ko sa kanya.
"Bumaba ka," utos niya, binalewala ang pagtataboy ko sa kanya.
"Sabi ko umalis ka na, 'di ba? Kaya ko na rito…" lingon ko ulit sa kanya. Ngayon ay may halong iritasyon na ang aking boses.
Pinasok niya ang kanyang kamay sa loob ng bintana pagkatapos ay tinanggal ang lock ng pintuan. Binuksan niya ito, malamig siyang tumingin sa akin.
"Baba ka na."
"Sht…" bulong ko pero sumunod pa rin ako sa kanyang utos. Sinara niya ulit ang pintuan. Sinubukan niya akong hawakan ngunit humakbang ako palayo. Binaba niya ang kanyang mga kamay, kagat ang ibabang labi at nag iwas ng tingin sa akin.
"Ano bang nangyari?"
"Hindi ko alam.. bigla na lang umusok ang makina sa harapan pagkatapos ay tumigil ang sasakyan," pormal na sabi ko.
Tumungo siya sa harapan ng sasakyan. Binuksan niya ito, napatango siya na tila alam na ang kanyang gagawin. Tiningnan niya ang magkabilang gulong sa harapan, tumingin rin ako doon at napagtantong flat ang dalawang gulong nito.
"Kaya kong gawin iyong pag-usok ng makina. Pero 'yang sa gulong... wala akong dalang mga gamit ngayon. Hindi ko magagawa," sinara niya ulit ang harap ng sasakyan. "Kung gusto mo, ihatid na lang kita sa pupuntahan mo, ako nang bahala sa sasakyan mo. Tatawagan ko iyong kaibigan ko na malapit lang dito."
"Hindi na," tanggi ko. "Kaya ko namang mag-isa. Umalis ka na. Hindi mo naman ako kailangan tulungan."
At bakit ba kasi sa dinami-dami ng tao sa mundo, siya pa ang nakaabot sa aking dito?
"Seryoso ka ba sa sinasabi mo, huh?" nilibot niya ang paningin sa kalsada. "Mag-isa ka lang dito sa madilim na daan… sa ganitong oras."
"So what?" hindi ko mapigilan ang pagtaas ng aking boses dahil hindi ko maintindihan ang punto niya sa kanyang sinasabi. "Ano bang pakealam mo kung ako lang mag-isa? Ang sabi ko naman ay kaya ko."
"Okay, hindi rin ako aalis dito," nagkibit balikat siya. Kinuha niya ang kanyang cellphone, may tinawagan siya ngunit agad niya rin itong binaba. "Mukhang tulog na iyong kaibigan kong si Timothy. Bukas na kita matutulungan sa mga gulong mo.. dito na rin ako magpapalipas ng gabi.."
"Umalis ka na, pwede?" Iritado na ako sa pagiging makulit niya. "May tutulong sa akin bukas. Hindi ko na kailangan ng tulong niyo ng kaibigan mo. Iwan mo na 'ko."
"Hindi ako marunong mang-iwan, eh."
Dahil sa inis ay minabuti kong pumasok na lang sa loob ng sasakyan. Ni-lock ko ang pinto at kalahating binuksan ang bintana, sakto lang para makapasok ang hangin dito. Si Jude ay nanatili sa labas. Humiga siya sa hood ng sasakayan ko at ginawang unan ang kanyang mga kamay habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.
Tell me what you want to hear
Something that will light those ears
I'm sick of all the insincere
Napatingin ako kay Jude nang bigla siyang kumanta. Ang kanyang boses ay sapat na upang marinig ko dito sa loob ng sasakyan. I never thought that he has a very nice voice. Napakalamig ng kanyang boses, tila boses na pinapakinggan ko noong bata pa lang ako.
This time, don't need another perfect lie
Don't care if critics never jump in line
I'm gonna give all my secrets away
Parang may yumakap sa puso ko sa napaka-amo niyang boses. Pumikit ako ng mariin, nang imulat ko ang aking mga mata ay wala na si Jude sa harapan ng sasakyan. Hinanap ko siya, bumaba ako sa sasakyan dahil nakita ko siyang lumilipat na sa kabilang kalsada. Sumunod ako sa kanya. Naramdaman niya yata ang aking presensya, humarap siya sa akin.
"Bakit?" tanong niya, nagtataka.
"Aalis ka na?" what a stupid question. Kanina lang ay gusto ko na siyang umalis pagkatapos ngayon ay tinatanong ko kung aalis na ba siya.
"Hindi…" napalitan ng ngiti ang gulat sa kanyang mukha. "Meron kasi akong pagkain dito sa sasakyan, baka ano… hindi ka pa kumakain."
Yumuko ako upang hindi magtagpo ang aming mga mata. Damn, ano bang ginagawa ko? Sht! Bumalik na ulit ako patungo sa aking sasakyan.