Nangako ako sa sarili ko na hindi na ulit ako magiging mahina dahil ayoko na ulit balikan ang mapait at masalimuot na alaala ko sa nakaraan. Ngunit dahil sa ginawa ni Jude Santiago, bumalik lahat sa isip at puso ko ang sakit. Paano ko pa iyon makakalimutan kung ipinaalala niya ang dahilan kung bakit nga ba galit na galit ako sa mga lalaki?
Pinapangako ko sa sarili ko na hindi ko mapapatawad si Jude hanggang sa huling hininga ng buhay ko. Nakatatak na sa aking isipan kung bakit dapat ko siyang kamuhian at hindi pagkatiwalaan. Hinding-hindi na magbabago ang impresyon ko sa kanya. Gaya ng ibang lalaki, puro pisikal lang din ang kagustuhan niya.
Magdamag akong gising dahil hindi maalis sa isip ko ang nangyari. Pilitin ko mang pigilan ang aking mga luha ay hindi ko magawa. Pilitin ko mang takasan ang nakaraan ay hindi ko rin iyon magawa. Paano ba ulit ako uusad sa mapait na kahapon kung may nagpaalala na naman sa akin ng pangyayarin iyon?
Maaga pa rin akong bumangon kahit na hindi naman talaga ako nakatulog ng maayos. Sinigurado ko na hindi ako maabutan ni Mama at Tita Beverly, dahil kapag nangyari iyon, mahahalata nila ang pamamaga ng aking mga mata. Magtatanong na naman sila kung ano'ng nangyari sa akin.
I don't want to talk about it anymore. Gusto ko'y itago na lang ito sa aking sarili.
"Good morning, Ma'am!" bati ni Lucy nang makita akong papasok. Hindi ko siya pinansin, nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa aking opisina.
Wala akong balak gawin ngayong araw. I just want to stay here in my office. Tulala lang ako at tila wala sa sarili.
Ganoon ang naging takbo ng buhay ko sa mga sumunod na araw. Tuwing nasa meeting ako, iling o tango lang ang nagiging sagot ko. Palagi rin akong niyaya ni Joyce at Caryl na lumabas, ngunit palagi ko silang tinatanggihan.
Alam kong kasama nila si Jude Santiago tuwing lumalabas sila. At sa totoo lang, ayoko siyang makita. Kahit na anino niya ay ayaw kong makita. I hate him, everything about him. My opinion about him won't change until I die.
Malalim na ang gabi ngunit nandito pa rin ako sa aking opisina. Tiningnan ko ang orasan, alas-nuebe na pala. Ako na lang ang tao sa palapag na ito. Dito na sana ako matulog, ngunit mukhang hindi iyon mangyayari dahil nakatanggap ako ng text mula kay Joyce.
Joyce: Kellie, mapapatawad ka namin ni Caryl kung hindi mo kami sinisipot palagi. Pero hindi kita mapapatawad pag hindi ka pumunta ngayon dahil birthday ko!
Napatapik ako sa aking noo nang maalala kung ano nga ba ang petsa ngayon. Tama! Birthday nga pala ni Joyce. Nakalimutan ko na ito dahil sa dami ng mga iniisip ko.
Nagdadalawang isip ako kung pupunta ba ako o hindi. Of course, that stupid bastard is invited! Syempre ay nandoon si Caryl, malamang ay nandoon din si Jude Santiago.
Damn it!
Kung hindi naman ako pupunta, siguradong magtatampo si Joyce. Ilang gabi na akong umiiwas sa kanila pagkatapos ay iiwas pa rin ako sa mismong kaarawan niya?
Sht! Bahala na. Pupunta ako. Magpapanggap na lang ako na hindi nakikita si Jude para maging maayos ang lahat. Uuwi na lang din ako kaagad para makaiwas.
Ako: Okay. Pupunta ako.
Pagkatapos kong i-send ang text kay Joyce ay umalis na ako sa opisina. Hindi na ako nag abalang mag-ayos pa ng sarili. I'm too tired to do that. I’m wearing a black pansuit and tied my hair in a bun. Pagpasok ko ng sasakyan ay muli akong nakatanggap ng mensahe kay Joyce, sinabi niya kung nasaan sila ngayon.
I turned the radio on while driving. Sinabayan ko ang kanta habang nagmamaneho para kahit papaano'y hindi ako mainip sa biyahe.
It's like I've been awakened
Every rule I had you breaking
It's the risk that I'm taking
I ain't never gonna shut you out
Sa tuwing kumakanta ako ay naaalala ko si Ate. Napaka-ganda kasi ng kanyang boses. Sayang lang dahil ngayon ay hindi ko na ito maririnig pa. Umiling kaagad ako at pinalis sa aking isip ang bagay na iyon.
Tinigil ko na ang aking sasakyan at ng musika pagdating ko sa bar na sinabi ni Joyce. I parked properly before leaving my car. Habang naglalakad ako ay damang-dama ko ang mabilis na pintig ng aking puso. I don't even fcking know why. Ang tanging alam ko lang ay sobrang kinakabahan ako.
When I entered the bar, my body felt more numb. I couldn't properly hear the loud music.
Mabilis akong nahigilap ng mga mata ni Joyce. Lumapad ang ngisi niya nang makita ako pagkatapos ay lumapit sa akin. I took a step backward when I saw the familiar man behind her and Caryl. He's looking at me intently, it made me shiver. My hands were trembling so bad.
Nag-iwas agad ako ng tingin. Ang sabi ko'y hindi ko siya titingnan, 'di ba?
Sht!
"Kellie!" masiglang bati ni Joyce sabay yakap sa akin. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko nang yakapin ko siya pabalik.
"Happy birthday, Joyce," sambit ko. Maging ang boses ko ay nanginginig din.
"Akala ko ay hindi ka na darating! Hay, nadadaan ka naman pala sa takot at pakiusap," sambit ulit ng kaibigan nang magbitiw kami ng yakap. Tipid na ngiti lang ang sagot ko sa kanya.
Nagkatinginan naman kami ni Caryl. Ngumiti siya sa akin pagatapos ay niyakap rin ako. Ganoon na rin ang ginawa ko kahit na hindi ko gusto ang presensya ng lalaking nasa tabi niya. Binalewala ko na lang siya at itinuring na parang hangin lang.
"You're always busy," puna ni Caryl.
"Uh, yeah… I am."
Bumalik kami sa puwesto kung nasaan sila kanina. They gave me a shot, I took it. Mabuti na lang ay maraming tao, mas makakaiwas ako. Ilang sandali pa'y nagpaalam muna sa amin si Joyce para i-entertain pa ang iba niyang mga bisita. Kaya ang resulta, kaming tatlo na lang ang naiwan.
Hindi ko ito gusto. Kaya naman...
"Caryl, doon muna ako," sambit ko sabay turo sa counter.
"Huh?" lumingon siya sa akin. Naka-kunot ang kanyang noo, tila hindi narinig ang aking sinabi.
"Doon muna ako sa counter," ulit ko. Nilakasan ang aking boses para marinig niya.
"Ah!" napatango siya. "Sama na kami ni Jude!"
Mahina akong napamura dahil sa kanyang sinabi. Umiiwas nga ako para hindi na mapansin ang presensya ng kasama niya, pagkatapos ay sasama pa sila?
"Uh, huwag na…" I tried to be polite. "Baka ano, uhm, para hindi ka na maistorbo."
"Naku, okay lang! Sasama kami ni Jude," matamis na ngiti niya. "Tsaka ano ka ba, ang tagal ka na naming hindi nakakasama. Magkwentuhan naman tayo!"
Tumango ako. Ano pa nga ba'ng magagawa ko? Eh 'di magtiis na lang sa presensya ng lalaking kinamumuhian ko.
We went to the counter. Nasa ginta namin ni Caryl ang lalaking kinamumuhian ko. Nakaharap silang pareho sa dancefloor. Ako naman ay nanatiling nakaharap counter, tinitingnan kung anong alak ang nais kong inumin ngayong gabi.
"Ano bang pinagkakaabalahan mo ngayon?" tanong bigla ni Caryl. Napatingin ako sa kanya, ang mga mata niya'y nanatili sa mga taong nagsasayaw. "Dati naman kahit busy ka ay sumasama ka sa amin, bakit ngayon hindi na?"
Ininom ko muna ang isang shot ng vodka bago sumagot. Nagkatinginan kami ng aking kaibigan.
"I'm really busy. Minsan nga ay sa opisina na ako natutulog. Buti na lang ay ipinaalala ni Joyce na birthday niya ngayon dahil muntik ko na rin itong makalimutan."
Kinuha niya ang sariling baso ng alak at ininom ito. Muling bumaling ang kanyang mga mata sa mga sumasayaw.
"I think you have a problem," she said in a very, very serious tone.
Nag-ayos ako ng upo at bumaling na rin sa kanyang tinitingnan.
"Ano naman ang magiging problema ko? I'm fine! Busy lang kasi talaga ako."
"I don't think so," she shook her head. "I know you, Kellie. But... if you don't want to talk about it… then that's fine. I respect that."
I sighed and took another shot of vodka. Hindi na ako nagsalita pa dahil katabi niya ngayon ang problema ko. Si Juge Santiago.
"Basta sa susunod ay huwag ka nang umiwas," sambit ulit ni Caryl. "You know... Joyce and I were always here. Handa kaming makinig sa kahit ano.."
Hindi ako kumibo dahil hindi ko rin maipapangako ang bagay na iyon. Aminado naman ako na umiiwas talaga ako sa kanila. Ngunit hindi ko muna sasabihin ang dahilan kung bakit... sa ngayon.
Naka ilang shot na ako ngunit hindi ko pa rin nararamdaman ang hilo. Naalala ko na hindi pa pala ako kumakain ng kahit na ano ngayong gabi. Tanging alak lang ang laman ng tiyan ko ngayon.
Nag-kukwentuhan na ngayon si Caryl at Jude. Mas binaling ko ang aking atensyon sa musikang naririnig. Ayokong pakinggan kung ano man ang pinag-uusapan nila. Kaya lang, nagtanong si Caryl ng isang bagay na hindi ko inaasahan. Nabaling ang buong atensyon ko sakanila.
"Ano'ng pinakamaling bagay ang nagwa mo sa isang babae?"
Pasimple akong tumingin sa kanila. Nakatalikod si Caryl sa akin habang si Jude ay nakaharap sa kanya at sa akin. Our eyes met. Umiwas agad ako at nilagok ang aking inumin.
"I did something terrible and I'm not proud of it," seryoso at malamig na sabi ni Jude.
Come on, Kellie. Huwag ka ng makinig sa kanila, sa music ka na lang ulit makinig. But damn it! Masyadong taksil ang aking mga tainga dahil pilit pa ring nakikinig ang mga ito sa usapan kahit na hindi naman dapat.
"'Yan ba yung ex-girlfriend mo?" Caryl curiously asked.
"No," he answered. "Bago ko lang nakilala ang babaeng ito, pero may bagay akong nagawa na hindi naman dapat. Now, she hates me..."
Napalunok ako. Tumayo ako at walang pasubaling umalis. Ayoko ng pakinggan ito! Fck that guy! Nagtungo ako sa restroom upang doon muna manatili.
Kung makapagsalita siya'y tila may pagsisisi. Bakit? Sino ba ang tinutulkoy niya? Ako ba? Bakit ito ang sinasabi niya? Dahil na nandoon ako para marinig ko? Para isipin na nagsisisi siya sa kanyang ginawa? Para hindi na siya kamuhian?
Kahit kailan ay hinding-hindi magbabago ang isip ko. Mananatili ang galit ko sa kanya. Hindi mababago ng mga salita niya ang pagtingin ko para sa kanya.
Paglabas ko ng restroom ay sakto namang nakasalubong ko si Joyce. Mabuti na lang! Magpapaalam na ako sa kanya na uuwi na ako.
"Oh, Kellie! Saan sila Caryl?" hinila niya ako sa gilid dahil may babaeng dumaan sa pasilyo patungong CR.
"Ah, nandoon pa sa loob," sagot ko. "Uhm, pero Joyce, pwede na ba akong umalis? May mga tatapusin pa kasi akong report ngayong gabi…" kahit wala naman talaga.
"Huh? Gano’n ba?" nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Oh, sige! Ang importante'y nakarating ka ngayon. Pasensya na rin kung hindi ko kayo masyadong naaasikaso ni Caryl. Ang dami kasing bisita."
"Ano ka ba, ayos lang," ngiti ko. "Sige, una na ako, ha? Pakisabi na lang din kay Caryl na uuwi na ako," niyakap ko siya.
"Oh siya, sige."
Nang makapagpaalam ko ng maayos kay Joyce ay nagmamadali na akong lumabas. Mabuti na lang ay merong exit malapit dito sa restroom. Hindi ko na kailangan pang bumalik sa loob. Baka mahagilap na naman ako ni Caryl at mahirapan na akong umalis.
Umikot pa ako dahil sa likod ang dinaanan ko. Ang buong akala ko ay nakaligtas na ako, ngunit pagdating ko sa parking lot ay naabutan ko ang lalaking ayokong makita. Nakahilig siya sa hood ng aking sasakyan. Tila inaasahan ang pagdating ko.
It's Jude Fcking Santiago!
Ignore him, Kellie.
I unlocked my car. Nagmamadali akong pumasok sa aking sasakyan. But damn it, pumasok din siya sa passenger's seat.
"Sht," I cursed silently.
"Let's talk," aniya sa mababang tono.
Hindi ko pinaandar ang sasakyan. Nanatili akong nakatingin sa harapan. Kunwari'y hindi narinig ang kanyang sinabi.
"About what happ—"
"Bumaba ka," putol ko sa sasabihin niya.
"I'm sorry," he said. His tone was very careful and full of sincerity. "Mali ako. Nagkamali ako. Sampalin mo ulit ako ngayon kung gusto mo."
"Bumaba ka na…" wala akong pakealam kahit na ano pang sabihin niya.
"Gusto ko lang malaman mo na pinagsisisihan ko ang ginawa kong 'yun. Lahat ng sinabi ko'y mali."
Mahigpit kong hinawakan ang susi ng aking sasakyan. I want to slap him so hard. Ngunit ano bang magagawa ng sampal ko? Mabubura na 'nun ang kasalanang ginawa niya?
"May nanay ka ba at kapatid na babae?" tumingin ako sa kanya. Hindi ko tinago ang rahas ng aking boses.
Marahan siyang tumango.
"Paano kung mangyari sa kanila 'yung ginawa mo? Paano kung may lalaking gumawa no'n sa kanila? Anong mararamdaman mo?"
"Magagalit ako. Magagalit ako sa lalaking iyon. Baka mapatay ko pa siya."
"Ngayon, naiintindihan mo na ba kung anong nararamdaman ko?"
"Kellie…" sinubukan niya akong hawakan ngunit mabilis akong umiling. "Maniwala ka sa akin, hindi ko intensyon na—"
"Bullsht!" malakas kong hinampas ang manibela. "Hindi mo intensyon?! Are you fcking serious now?!"
"I'm sorry…" ulit niya sa salitang gasgas na at narinig na ng marami. "Sa totoo lang, nang una kitang makita na kasama si Jake, ayoko na sa 'yo. Ginulo mo ang isip ko simula noon, malayo ka sa mga babaeng kilala ko. Sa mga babaeng nakasalamuha ko."
Walang emsyong akong nakinig sa kanya.
"Fck, sinong babae ang sasama sa lalaking bago lang niya nakilala, 'di ba?"
"Judgmental bastard," I hissed.
"I know... and... I'm sorry…" he nodded.
"Wala akong—"
"Noong gabing iyon, nakita kong may tinatago kang kahinaan. I don't know who the hell is Martino… hindi ko alam kung anong ginawa niya sa 'yo, pero alam ko... siya ang dahilan kung bakit—"
Mas lalong umusbong ang galit sa akin dahil sa sinabi niya.
"Wala kang alam! Shut up!" umalingawngaw ang sigaw ko sa loob ng sasakyan ngunit hindi man lang natinag ang lalaking ito.
"By the way," mahinahon niyang sabi, ang tingin niya'y sa akin pa rin nakatuon. "Magkaibigan lang kami ni Caryl, we're not really dating."
"I don't care."
Binuksan niya ang pintuan ng aking sasakyan. Muli kaming nagkatinginan. Mapupungay ang kanyang mga mata habang ako'y matalim pa rin siyang tinitingnan.
"I'm different, Kellie. Maaaring mali ang paraan kung paano tayo nagkakilala. Pero papatunayan ko na… iba ako. Ibang-iba ako sa kanila…" sigurado niyang sabi at marahan isinara ang pintuan ng aking sasakyan.