Hanggang hapunan ay naging gano'n ang usapan namin ni Mama. Pati si Tita Beverly ay nakisali na rin. Panay ang pangungulit nila sa akin, inuusisa kung kailan ako magpapaligaw o kung may balak man ako.
Hindi talaga ako kumportable sa ganitong usapan, ngunit alam kong gusto lang ni Mama na magkaroon ako ng kasama sa buhay, lalo na kapag tumanda na ako. Naiintindihan ko naman ang punto niya. Wala lang talaga sa isip ko ang ganyang bagay. Mas gugustohin kong mag-isa na lang habang buhay kaysa makasama ang taong hindi ko naman pala mahal.
"Wala po talaga… kahit sino pang lalaki ang nandyan… wala rin. Mas mabuti pang tumanda na lang ako mag-isa," buntong hininga ko.
"Naku, Kellie! Huwag mong sabihin 'yan," ani Tita Beverly. "Baka dumating ang araw na kainin mo lang 'yang sinasabi mo. Walang nakakaalam ng maaaring mangyari sa hinaharap."
Alam ko naman na hindi dapat ako nagsasalita ng patapos. Kaso, naka-plano na ang buong buhay ko at hindi kasama doon ang magkaroon ng lalaking makakasama habang buhay.
Ganoon ang naging takbo ng usapan namin sa buong hapunan. Tumatawa o umiiling na lang ako sa mga tukso nila. Tapos na ang hapunan ngunit ganoon pa rin ang usapan namin, kung hindi ko lang napansin ang oras, baka hindi na kaming tumigil.
"Sige na, Ma… oras na ng pagtulog mo. Pumasok ka na," ngiti ko sabay bukas sa pintuan ng kwarto niya.
"Pasensya ka na sa kakulitan namin ni Beverly… alam mo namang gusto lang naming makita kang masaya," nakangiti rin siya, ngunit batid kong may mas malalim na kahulogan pa ang sinabi niya.
"Masaya ako, Ma."
Marahan siyang tumango. Inayos niya ang iilang hibla ng buhok ko at hinawi ang mga iyon sa likod ng tainga ko.
"Maraming nagmamahal sa 'yo, Kellie," aniya pagkatapos ay pumasok na siya sa kanyang kwarto.
Tumungo na rin ako sa sariling kwarto. Alas nuebe pa lang ng gabi, kung tutuusin ay masyado pang maaga. Pero dala yata ng usapan kanina sa hapunan, naramdaman ko ang pagod. Mabilis akong nakatulog.
Naalimpungatan lang ako nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at nakitang si Caryl ang tumatawag. Inaantok man, sinagot ko pa rin ito.
"Hello," pambungad ko. Humikab ako at umupo saglit.
Hindi ako nakatanggap ng sagot mula sa kabilang linya. Tahimik man ang paligid, dinig na dinig ko naman ang malalalim na hininga.
"Hello, Caryl?" ulit ko.
Pinindot ko ang loud speaker para mas klaro ko itong marinig. Tiningnan ko rin ang oras. Alas dos na ng madaling araw. Kinabahan ako bigla. Baka mamaya'y may nangyari ng masama sa kaibigan ko!
Ilang sandali pa ay sumagot na ang nasa kabilang linya ngunit nanlaki ang mga mata ko dahil lalaki ang sumagot nito.
"Hello," anang isang mababa ngunit pamilyar na boses.
"Who the fck are you?" I panicked.
"This is Jude," sagot ng lalaki.
Jude? The Engineer?
"The fck?" mura ko. "Anong ginawa mo sa kaibigan ko? Bakit ikaw ang sumagot ng tawag?"
"Relax," he chuckled a bit. "She's drunk. Magkasama kami ngayon. Nandito siya sa condo ko."
Sht! Mas lalo akong kinabahan para kay Caryl!
"You, asshole! Pinagsaman—"
"Chill…" putol niya sa akusasyon ko. "Wala akong masamang ginawa sa kanya. She's sleeping peacefully."
Gago ba 'to? Anong akala niya sa akin, uto-uto? Hindi ako naininiwala!
"Liar!" I accused. "Siguro'y sinadya mo siyang lasingin dahil may masama kang balak."
"Whoa… wait there, huh?" halakhak niya. "Kung may masamang balak ako sa kanya, ba't pa kita tinawagan? Hmm?"
Natigilan ako…
Fine, he has a point. But that doesn't mean I agree with him.
"Malay ko ba kung may ginawa ka na palang masama sa kanya? You're trying to make up a story para lang magmukhang mabuti ka, kahit hindi naman."
"Judgmental," he chuckled again.
Gusto ko sanang ipaalala sa kanya na siya ang unang naging judgmental sa aming dalawa. Siya ang unang nag-akusa sa akin na marumi akong babae. Well, anyway, that's not the issue anymore. Wala naman akong pakealam kahit anong tingin niya sa akin.
"Pupuntahan ko siya! Kukunin ko siya d'yan."
"Yeah, sure. Dito sa condo namin ni Jake. Alam mo naman kung saan, 'di ba?" makahulogan niyang sabi.
"Hindi ko alam kung saan!" singhal ko. Akala ba niya'y kabisado ko na ang lugar na iyon dahil lang nakapunta na ako doon? Hindi sila ganoon kaimportante ng kaibigan niya para tandaan kung saan nga ba sila nakatira.
Nagmamadali akong nagbihis nang sabihin niya sa akin ang lugar. Maluwag na ang kalsada dahil madaling araw na kaya naman agad akong nakarating. Pagdating ko sa parking lot ay nagtext kaagad ako sa cellphone ni Caryl.
Akala ko'y isang reply ang matatanggap ko, ngunit bigla na lang nag-ring ang cellphone ko.
"Ba't ka tumawag?"
"Stay there. Wait for me," iyon lang ang sinabi niya pagkatapos ay binaba na ang tawag.
Dahil wala akong pakealam sa sinabi ng lalaking iyon ay bumaba pa rin ako. Kumuha ako ng yosi at sinindihan ito. Sumandal ako sa pintuan ng sasakyan at nagpatuloy sa pagbuga ng usok. Ilang sandali pa ay nakita ko na si Jude. Tinapon ko ang hawak kong yosi pagkatapos ay tinapakan ito.
Nagkatinginan kami ni Jude, mas seryoso nga lang ang tingin niya sa akin. Naka puting t-shirt siya at khaki shorts. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa.
"You're smoking again," puna niya. Bumalik ang tingin sa aking mga mata.
"So?" tinaasan ko siya ng kilay. Ano ba'ng problema ng lalaking 'to? Bakit ba pinupuna niya ang gusto kong gawin sa buhay? "Where's my friend?"
Hindi siya sumagot. Tinalikuran niya ako pagkatapos ay naglakad na palayo. Sumunod ako sa kanya. Hindi ako nagtangkang kausapin siya kahit nang nasa elevator na kami. Hinilig ko lang ang ulo ko sa pader at pinikit ang mga mata. Minulat ko lang ang mga ito nang makarating na sa tamang palapag.
Hindi pa rin nagsasalita si Jude. Ako naman ay nakasunod lang sa kanya. Tumigil ako sa paglalakad nang tumigil siya. Muntik pa akong bumangga sa likuran niya. Mabuti na lang ay maagap kong napigilan ang mga hakbang ko.
"Una ka na," binuksan niya ang pinto at hinawakan ito upang hindi magsara. Mahinahon ang boses niya ngunit masama ang tingin niya sa 'kin. Inirapan ko siya.
Agad kong hinanap si Caryl pagpasok ko pa lang.
"Nasa kwarto siya," sambit ni Jude nang mapansin na gumagala ang paningin ko sa paghahanap kay Caryl.
Tumungo siya sa kaliwang pintuan at sumunod na lang ulit ako. Pagbukas ng pinto, bumungad kaagad ang imahe ni Caryl. Nakahiga siya sa kama at balot na balot ang katawan niya ng kumot. Payapa ang tulog niya, walang bahid ng kung ano. Pero para maging panatag ang isip ko, lumapit ako sa kanya at binaba ng kaunti ang kumot. Meron siyang damit at walang bahid ng karahasan sa katawan.
Tila nabunutan ako ng tinik sa nakita.
"Bakit siya nalasing?" nilingon ko si Jude. Umupo ako sa paanan ng kama.
"Naparami ang inom niya," iling niya. "Lumabas kami at hindi ko napansin na naparami na pala siya…" paliwanag niya. Humakbang siya ng kaonti para makalapit sa gilid ko.
"Dapat ay pinigilan mo na siya," irap ko. "You're useless! Sinamahan mo pa siya kung wala ka rin naman palang magagawa para sa kanya."
"Wow, thank you, huh?" he crossed his arms. Lumipat ang tingin niya kay Caryl. "But… I think I know why she got drunk easily. Mukhang nag-away sila ng Daddy niya."
Napatango ako. Kilala ko si Caryl. Kapag nag-away sila ng Daddy niya, alam kong maglalasing siya. She doesn't want to disappoint her father. Istrikto ang ama niya. He dislikes Caryl's lifestyle, especially being a party girl. Iyon ang palagi nilang pinag-aawayan. At mukhang 'yun ulit ang dahilan ngayon.
"Sana'y binantayan mo siya ng maayos para hindi siya nalasing," iritado pa rin akong nakatingin kay Jude. "Tingnan mo ang nangyari!"
"Hindi ko napansin," aniya. "Marami akong iniisip… kaya hindi ko napansin…"
Napahilot ako sa gilid ng aking ulo.
"Dala ba niya ang sasakyan niya?" sinubukan kong gawing kalmado ang tono ng aking boses.
"Hindi."
"Ako nang maghahatid sa kanya," tumayo ako, handa na sanang gisingin si Caryl ngunit mabilis akong nilapitan ni Jude. Nagulat ako nang higitin niya ang braso ko. Napatayo ako at napaharap sa kanya.
"Ano ba?" inis na tanong ko. Sinubukan kong bawiin ang aking braso.
"Bakit ba sobra ang pag-aalala mo sa kanya?" diin niya.
"Dahil kaibigan ko siya!" Patuloy pa rin ako sa pagpo-protesta sa kanyang hawak.
"Do you like her?" he smirked.
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya.
"Masyado mong iniisip ang kapakanan ni Caryl. Are you in love with her? Kaya ba inaayawan mo ang maraming lalaki dahil ang totoo ay babae rin ang hanap mo?"
Ginamit ko ang isang kamay ko para sampalin siya ng malakas. What a jerk!
Bawal na bang mag-alala ngayon sa isang kaibigan? At ano ngayon kung totoo ang hinala niya? May mali ba doon? Hindi naman sinusukat ng kasarian kung sino nga ba ang pwede mong mahalin. But, damn, I'm not! Hindi ko lang gusto ang mga lalaki!
I don't need to enumerate my reasons why I hate them so much!
Napahawak si Jude sa kanyang pisngi. Hindi naman ito ang unang beses na sinampal ko siya ngunit ngayon ko lang siya nakitaan ng sobrang galit sa mga mata. Nag-aalalab ang mga ito, dahilan kung bakit umusbong ang takot sa aking dibdib.
Napalunok ako. Unti-unti akong umurong nang magsimula siyang lumapit sa akin.
Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong klaseng takot. Bumabalik lahat sa akin ang mga nangyari noon. Paano kung katulad rin siya ng lalaki sa nakaraan ko?
Gusto kong umiyak o kaya'y sumigaw para magising si Caryl. Pero paano ko gagawin iyon kung ang sarili kong boses ay tinakbuhan na rin ako? Umurong ulit ako hanggang sa mapasandal na ako sa pader. Kita ko ang pag-angat ng labi ni Jude.
Sht!
Bakit kasi ngayon ko pa nakalimutan ang purse ko? I don't have anything in my pocket except my keys, iyong cellphone ko ay nasa sasakyan din.
Nilagay ni Jude ang kanyang mga kamay sa magkabilang gilid ko para makulong ako sa kanya. Hindi ko pinipirmi ang tingin sa kanya dahil ayokong magtagpo ang mga mata namin. Ayoko siyang tingnan dahil natatakot ako.
Natatakot akong harapin ang nag-aalab niyang mga mata.
"You're scared now, hmm?" he said in a very low and dangerous tone. Mas lalong bumilis ang kabog ng puso ko dahil sa takot at kaba.
"U-umalis ka… l-lumayo ka sa 'k-kin."
Fck!
"Now you're stammering," mahina siyang humalakhak sa kaliwang tainga ko.
Nilagay ko ang aking mga kamay sa kanyang dibdib para sana itulak siya ngunit kinuha niya ang mga ito at ipinako rin sa dingding.
"I did a little research about you, Kellie Angeles…" dumampi ang mainit niyang hininga sa aking pisngi. Hindi pa rin ako nakatingin sa kanya. "The CEO of Angeles Security Services. A successful and feisty woman. I'm curious, though. Paano mo napalago iyong kumpanya niyo? Ang daming investors... karamihan ay mga lalaki. You're using your charm to deal with them? Or perhaps, your body?
You son of a btch!
Tumingin ako sa kanya ng masama kahit na may takot pa rin sa aking puso. Gusto ko sanang ipagtanggol ang sarili ko ngunit hindi ko magawa dahil nakakulong ako sa kanyang hawak.
"Fck y-you…" I hissed.
"You want me to fck you.. right now, huh?" he smirked. "I can do that."
"I'm gonna fcking sue you, Jude Santiago. Sisirain ko ang pangalan mo. Ang pagiging Engineer mo."
"Hmm… can you do that, though? Knowing your reputation," lumapit ulit ang mukha niya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. Dumikit ang kanyang ilong sa aking pisngi. "I can twist your story."
He sniffed my cheek down to my neck. Pagkatapos ay dinampi niya ang kanyang labi sa aking labi. Mabilis lang iyon. Halos hindi ko naramdaman sobrang bilis.
"Come on, kiss me…" aniya pagkatapos ay siya na mismo ang umangkin sa aking labi. Hindi na ito dampi lang.
His kisses were very rough, it made me tremble. Nakapikit ang kanyang mga mata habang marahas niya akong hinahalikan. I bit his lower lip, but that made him even more upset. He kissed me hungrily… like he's sucking all the air inside my body.
Noon, nangako ako sa sarili ko na hindi ako iiyak sa harap ng kahit na sino. Hindi ako matatakot kahit kanino dahil matapang ako. Ang sabi ko'y hindi ko hahayaan na meron ulit mananakit sa akin. Sigurado ako na kaya ko ang sarili ko.
Ngayon, lahat ay naglaho. Nawala ang tapang sa aking puso dahil napalitan ito ng takot. Pilitin ko mang pigilan ang aking mga luha ay hindi ko kaya. Unti-unting nag-unahan ang mga ito.
"T-tama na…" Hikbi ko sa pagitan ng paghalik. Isang pamilyar na mukha ang lumitaw sa aking isip. "T-tama na, M-martino..."
Tumigil ang lahat. Hindi ko alam kung bakit ang pangalan na iyon ang sinambit ng aking bibig. Napatingin si Jude sa akin. Mukhang natauhan rin siya sa kanyang ginagawa. Napalitan ng takot ang kanina'y galit niyang mukha.
"Sht, I'm... I'm sorry," tinanggal niya ang hawak sa akin para punasan ang luha sa aking pisngi.
Tinulak ko siya. Umalis ako sa harapan niya at nagmamadaling tumakbo patungo sa pintuan. Bago pa man ako makarating doon ay naabutan na ako ni Jude.
"I'm sorry…" aniya. Sinampal ko siya.
"I h-hate you," sinampal ko ulit siya.
"I deserve that," tumango siya. Puno ng pagsisisi ang kanyang mukha. "Sino si Martino? Ano'ng ginawa niya sa 'yo?"
"I fcking hate you Jude Santiago!" sigaw ko sa kanya pagkatapos ay nagmamadali na'ng umalis.