"NAK, bakit ka tulala?" Napaupo naman ako nang maayos, dahil sa biglaang pagsulpot ni tatay. "'Tay naman, nanggugulat," nakanguso kong sabi. "Kanina pa ako dada ng dada rito. Ni hindi mo man lang ako kinakausap. Ayaw mo na ba akong kausap?" parang batang sabi ni tatay. Hindi natuloy si tatay sa pag-alis noong isang araw. Mag-e-extend raw muna siya ng ilang araw para makasama ako. Wala, e. Mahal ako ng tatay ko. "Hindi ako magsasawang kausapin ka. Ikaw kaya ang pinakapaborito kong kausap," bawi ko sa kanya. Matampuhin pa naman siya. "Nang-uuto ka na naman, nak. Palibhasa alam mong malakas ka sa akin. Mana ka talaga sa nanay mo, ginagamit palagi ang kahinaan ko." Natawa ako saglit. Hindi talaga mawawala sa usapan namin si nanay. Mahal na mahal niya talaga si Nanay. "Wala po ba kayong b

