DUMATING na ang guro namin kaya bumalik na si Corps Commander Louie sa classroom nila. Parang nalungkot ako bigla dahil umalis na siya. Hay naku! Tama pa ba ito? Dapat kasi lumayo-layo na ako sa kanya, eh. Hindi na maganda ang epekto ng presensiya niya sa akin. "May relasyon ba kayo ni Corps?" tanong ni Dhana— classmate ko and seatmate at the same time, maliban kay Jayvee. Halatang excited itong malaman ang isasagot ko sa kanyang tanong. "W-wala kaming relasyon." "Weh?" Kita mo 'to. Magtatanong-tanong pero kapag sinagot hindi maniniwala. Nagmana yata itong si Dhana kay Edchelle. "Pero, seryoso. Wala ba talaga kayong relasyon? Eh, bakit gano'n siya towards you?" "Ano'ng ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong. "Basta...iba kasi ang turing niya sa 'yo," nakatungo niyang sabi. Na

