HINATID niya na ako sa BL8. Ang classroom namin sa English. "Dito na ako, Corps. Salamat sa paghatid."
Tumango lang siya. "Ayos ka na ba? Do you want to go to the clinic?"
"Ay, hindi na Corps. Okay na ako. Salamat at pasensiya na sa abala."
"It's alright." Umalis naman siya matapos kong magpasalamat sa kanya.
"Waaah! Vera, ano 'yon? Bakit ka hinatid ni Corps Commander Louie?" tanong ni Edchelle na bigla na lang sumulpot sa harap ko.
"Wala 'yon. Nagmagandang-loob lang siya na ihatid ako. Bigla kasing sumakit ang tiyan ko," sagot ko sa tanong niya.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Weeh?" hindi naniniwalang sabi niya.
"Oo nga, 'wag ka na lang magtanong kung hindi ka rin pala maniniwala sa sagot ko," nakangusong sabi ko.
"Oo na. Naniniwala na ako," parang napipilitan niya pang sabi.
Pumasok na ako sa loob. Pinasadahan naman kaagad ako ng tingin ng mga kababaihan. Ano'ng problema ng mga ito?
"Hindi naman siya sexy."
"Shes not even pretty."
"Hindi naman siya matangkad."
"She didn't have a boobs, either."
Kanya-kanya nilang komento habang nakatingin pa rin sa akin. Lumakad na lang ako papunta sa upuan ko. Nang makaupo ay nagpasak na lang ako ng headset sa tenga ko kaysa ang pakinggan ang mga sinasabi nila.
Makapag-soundtrip na nga lang. Ipinikit ko ang aking mga mata at fini-feel ang kantang Swear it again ng Westlife.
"I want to know... who ever told you I was letting go? Of the only joy that I have ever known... Girl, they're lying."
Ang sarap talagang pakinggan ng kantang ito ng Westlife. Sa kantang ito, napatunayan kong hindi tayo dapat nakadepende sa sasabihin ng mga tao. Kahit husgahan man nila tayo, we can prove to them na mali ang sinasabi nila sa atin.
"Just look around. And all of the people that we used to know...Have just given up, they want to let it go. But we're still trying."
Kahit sumuko man ang iba, patuloy pa ring lalaban ang mga taong totoong nagmamahalan. Kumbaga walang makakatibag sa kanila.
"You should know this love we share was never made to die... I'm glad we're on this one way street, just you and I, just you and I..."
Kapag nagmahal ka dapat wala nang iba. Walang extra. You and I against the world ang peg, kumbaga.
"The more I know of you, is the more I know I love you. And the more that I'm sure. I want you forever and ever more..."
Nagulat ako ng biglang kinuha ni Louie ang isang pares ng earphone sa tenga ko.
Nagsimula na itong sumabay sa kanta. Nakapikit din siya habang kinakanta ang lyrics ng kanta. "That I-I'm never gonna say goodbye, 'Cause I never want to see you cry..." Napahinto siya at biglang tumingin sa akin. " I swore to you my love would remain. And I swear it all over again..."
Buong kanta na yata akong hindi nakakanta dahil nakatuon lang ang atensiyon ko kay Corps Commander Louie, at kung paano niya bigkasin ang bawat lyrics ng kanta, habang nakatingin sa aking mga mata...
Teka! Ano nga pala ang ginagawa ni Corps Commander Louie sa classroom namin? Nasa kabila 'yong classroom niya, ah.
Star section kasi siya. Kaya bakit siya nandito sa classroom ng mga section one? Hindi naman siguro siya naligaw at napadpad rito sa section namin?
"Corps, b-bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya. Parang slow motion ang pagkuha niya ng earphone sa tenga niya at bumaling siya sa akin. Matapos niyang ilihis sa ibang direksiyon ang mukha niya habang kumakanta siya kanina. "Eh, naligaw ka ba? Dapat nandoon ka sa kabilang classroom. Sa BL 7 ka dapat, hindi rito sa BL8."
"Nakasalubong ko si Miss Villanueva. Pinapabantay kayo sa akin. May meeting daw sila."
Kaya pala siya nandito. "Sino naman pala ang nagbabantay sa section 3?" tanong ko.
"Hedroso," maikling sagot niya.
Ibinalik naman niya ang earphone sa kanyang tenga.
"Teka! Hindi ba dapat ay nagbabantay ka? Bakit nandito ka lang sa tabi ko? Doon ka na lang muna sa teacher's table," sabi ko.
Kinuha niya ang earphone sa tenga niya bago sumagot. "Dito ko gustong umupo."
Wala namang problema kasi hindi naman maingay ang mga kaklase ko. May sense of discipline naman kami. Pero ayokong nasa tabi ko si Corps. Nagiging abnormal kasi ang t***k ng puso ko. Oo, nagtataka na nga rin ako. Baka naglalakad na cholesterol itong si Corps.
Tiningnan ko na lang ang ginagawa ni Jayvee. Naglalaro kasi siya ng rubix cube. Nag-e-enjoy akong tingnan kung paano niya ayusin ang mga colors doon.
"That's quite simple." Napatingin ako kay Louie.
"Para namang marunong ka niyon." Nagulat ako nang bigla siyang tumayo mula sa kinauupuan niya.
Hala! Na-offend ba siya sa sinabi ko? Dapat talaga nilagyan ko na lang ng packing tape ang bunganga ko, eh.
"Sanchez, pahiram ng rubix cube," tawag ni Louie kay Jayvee, sabay tayo niya. Ibinigay naman ni Jayvee ang rubix cube kay Corps.
Inihagis-hagis pa ni Louie ang rubix cube sa hangin at saka sinasalo niya ulit gamit ang palad niya.
Lumapit ulit siya sa akin. Umupo siya sa aking gilid, kung saan siya nakapuwesto kanina.
"It is how you do it," aniya.
Nanlaki ang mata ko. Mabilis niyang nabuo ang mga colors sa rubix cube gamit lang ang isa niyang kamay.
Inihagis niya ang rubix cube pabalik kay Jayvee. Nasalo naman ni Jayvee kaagad iyon.
"Wow!" I exclaimed.
Tumahimik lang si Louie. Ang galing talaga niya! May talent pa ba siya na hindi ko alam? Una, maganda ang boses niya. Pangalawa, magaling siyang maglaro ng rubix cube. Hanga na talaga ako sa mga special skills ni Louie.
"Vera, pahingi naman ng pulbo," sulpot bigla ni Milky sa harapan namin ni Louie.
Napatingin ako sa mukha niya. Bakit pa siya manghihingi ng pulbo kung halos one hundred layer na yata ng pulbo ang nasa mukha niya? Nagmukha siyang crinkles.
"S-sige." Hinukay ko naman kaagad ang bag ko. Bibigyan ko na lang siya para makaiwas na ako sa gulo.
"Ito, oh." Ibinigay ko sa kanya ang pulbo ko. Agad naman siyang nagbuhos ng maraming pulbo sa palad niya.
Napaubo ako nang dahil sa ginawa niya. Hinipan lang naman niya ang palad niyang may pulbo malapit sa mukha ko.
Pero mas nagulat ako sa ginawa ni Louie. Kinuha niya ang kanyang panyo mula sa kanyang bulsa at itinakip iyon sa ilong ko.
"Ayos ka lang?" tanong niya, may bahid ng pag-aalala sa boses niya. Tumango-tango lang ako. Habang si Milky naman ay nanlilisik ang matang nakatingin sa akin. Tahimik pa rin ang mga kaklase ko. Pero alam kong nag-aabang ang mga ito ng susunod na eksena.
Hindi ko alam kung bakit tumayo si Louie. "Andreda, take commands from me," ani Corps sa seryoso ng boses.
Nagtaas lang ng kilay si Milky na para bang isang malaking kahibangan lang ang sinabi ni Louie sa kanya.
"Take commands from me. Produce twenty pumpings," command niya.
"A-at b-bakit naman kita susundin? Walang C.A.T formation ngayon," katwiran ni Milky, pero halata na ang panginginig sa boses niya.
Nagtitigan lang sila nang matagal. Pabaling-baling ako sa kanila. Inaabangan kung sino ang matatalo sa titigan portion nilang dalawa. Sa huli, natalo si Milky.
Inipit ni Milky ang kanyang tenga gamit ang dalawang daliri niya. Ang kalawang kamay niya ay nasa kanang tenga niya and vice-versa.
"One, sir!"
"Two, sir!"
"Three, sir!" aniya. Hanggang sa naka-produce siya ng twenty pumpings.
Pagkatapos niyon ay agad namang nag-walk out si Milky.
"Kawawa naman siya. Hindi mo na dapat ginawa pa iyon," baling ko kay Louie.
"Hindi tama ang ginawa niya, Miss Artilleza."
"Pero kasi—"
"Hindi ko ginawa iyon para sa 'yo. Ginawa ko 'yon dahil iyon ang tama. Hindi ako uupo lang dito habang tinitingnan ang pang-bu-bully niya. As the Corps Commander of NOHS tungkulin ko ang panatilihin ang kaayusan at katahimikan ng eskuwelahang ito. At kasama doon ang tamang pagdidisiplina sa mga cadete ko," paliwanag niya.
"O-okay. Salamat po."
"Walang anuman," maikling sagot niya.
Nagiging conscious na ako dahil sa tingin ng mga kaklase ko. Wala naman akong ginawang masama, pero nakikita ko sa aking peripheral vision ang mga tingin nila. Sigurado akong magkakaroon na naman ako ng issue tungkol sa pagiging malandi nito. Mas gusto nilang paniwalaan ang maling pananaw nila kaysa alamin ang totoo. Tsk. Kailan ba hindi naging mapanghusga ang mga tao?