MAAGA akong gumising para kausapin si Tatay na kung p'wedi ay huwag na lang niyang ituloy ang balak niyang pabantayan ako sa anak ng matalik niyang kaibigan. Kaya ko naman kasing mag-isa rito sa bahay. Hindi naman ako totally mag-isa talaga. Mas mahihirapan ako kapag may kasama akong hindi ko kilala.
Hindi naman siguro ako ipapabantay ni tatay sa isang lalaki dahil ako ang nag-iisang anak niya at saka babae pa ako. Mag-aalala iyon para sa akin.
Naligo na lang muna ako para makapag-ready na sa pagpasok ko. Bawal pa naman ang ma-late.
Simple lang ang buhay namin. Simple lang din ang desinyo ng bahay namin; typical two-storey house. May tatlong kwarto na may tig-iisang banyo. Mayroon din kaming kusina kung saan palagi akong nakatambay at kumakain ng sandamakmak na putopao. May sala na napapalamutian ng mga antigong mga gamit. Si Nanay ang naglagay ng mga iyon, hindi na pinalitan ni tatay dahil sa mga memories nila. Palagi ko ring nililinisan ang mga iyon. Ayokong naa-alibokan ang mga naiwang ala-ala sa amin ni nanay.
Matapos kong nakapagbihis ng school uniform ko ay agad naman akong bumaba para makausap ko na si tatay. Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa at may binabasang diyaryo. That is his daily routine. Magbabasa ng diyaryo sa umaga at iinom ng kape, tapos magta-trabaho.
"'Tay," tawag ko sa kanya. Tumayo siya at lumapit sa akin. Nagmano muna ako sa kanya at humalik sa kanyang pisnge
"Anak, alam kong biglaan ang pag-alis ko." Naiintindihan ko naman siya. Hindi niya p'weding pabayaan na lang ang negosyo na pinaghirapan nila ni nanay.
"Naiintindihan ko, 'tay. Basta umuwi ka agad pagkatapos, ha? Balikan mo agad ako." Pinahiran ko muna ang luha sa mga mata ko. Miss ko na agad si tatay kahit hindi pa siya nakakaalis. "At saka Tay, huwag mo na rin pala akong pabantayan. Kaya ko na po ang sarili ko," pahabol ko pa.
"Hindi p'wedi, you're just 16, Vera."
"'Tay. It's 16 years OLD," nakangiting sabi ko.
Napangiti na rin si tatay. "Hindi mo na mababago ang desisyon ko. Akala mo makakalusot ka, 'no? Kahit maging singkuwenta ka na, baby pa rin kita," nakangiting sabi ni Tatay Ronnie.
Napanguso na lang ako. "'Tay, sige na, magiging good girl naman po ako," pakiusap ko pa.
"My decision is final. Believe me, Vera, para sa 'yo rin ang ginagawa ko."
Sa huli ay napapayag niya rin ako. "Sige, tay. Kayo na po ang bahala. Papasok na rin po pala ako. Bawal ma-late may flag ceremony kami ngayon," pagpapaalam ko.
Tumango si tatay. "Hindi ka na ba kakain? Baka magutom ka," pahabol niyang tanong.
"'Tay, malakas ang resistensiya ng beautiful daughter mo."
Lumakad na ako palabas ng pinto.
"Hindi ka manghihingi ng baon?" paalala ni tatay.
Napaatras ako nang wala sa oras. Bakit nakalimutan ko ang baon ko? Ito ang nagpapatunay na isa nga talaga akong ulirang estudyante na hindi lang baon ang habol.
Binigyan naman ako ni tatay ng isang libo. Take note, tig-pi-piso iyon.
"Mabigat po ito sa bulsa."
"Ayos na iyan, para unti-unti lang ang magastos mo, 'Nak."
At dahil male-late na ako, napilitan na lang akong tanggapin ang tig-pi-pisong iyon.
Nakarating ako ng alas siyete sa school. Mabuti na lang at hindi pa ako late. Tumakbo talaga ako nang mabilis para makaabot lang.
Natapos nang matiwasay ang flag ceremony. "You may go back to your respective classroom," pag-a-announce ng nakatoka sa stage.
Matapos ang first subject namin, which is Math ay nagpasya na akong pumunta muna sa Cafeteria para kumain.
Nakayuko ako habang naglalakad. Gutom na kasi talaga ako.
"Araykupo!" daing ko nang mabunggo ako sa pader.
Ang sakit, huh!
Magpapatuloy pa sana ako sa paglalakad nang may biglang humablot sa braso ko.
May kamay ang pader?!
Pero ang tanga ko naman para maisip iyon.
Umangat ang ulo ko.
Shit!
Hindi pala talaga pader ang nabunggo ko, kundi ang Corps Commander!
Iniisip ko na ang puweding punishment niya sa akin dahil sa pagkakabunggo ko sa kanya.
Napakagat ako sa aking labi habang nakatingin sa seryoso niyang mukha. Nagpalinga-linga ako sa paligid tinitingnan kung may kasama ba siyang iba. Good thing, at mukhang mag-isa lang siya.
"S-sorry po, Corps." Nananatiling stoic lang ang expression niya.
"Sabi ko po, sorry," ulit ko. Wala pa rin siyang reaksiyon. Naiinis na ako! Sinasayang niya lang ang oras ko. "Kung wala ka pong sasabihin, aalis na po ako. Sorry po ulit."
Nagbilang ako ng ilang segundo. Aalis na sana ako nang lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sa braso ko. "A-aray ko po!" daing ko. Ay, masakit na talaga, huh!
Nagulat ako nang kaladkarin niya ako. Nagpatianod na lang ako sa kanya. Wala na rin naman akong lakas para magpumiglas pa. Gutom na kasi talaga ako. Hindi ako nakapag-breakfast kanina dahil ayaw kong mahuli sa flag ceremony.
Hinila niya na ako sa loob ng Cafeteria. Shemay! Dito talaga niya ako dinala sa mismong upuan na inupuan ko noong dinutdot niya ang hinliliit ko sa loob ng ilong niya para patunayang wala siyang kulangot.
"Anong gusto mong kainin?" Na-shock ako sa tanong niya. Bakit gusto niyang malaman ang gusto kong kainin?
"Ikaw," wala sa sarili kong sagot. Napadako kasi ang tingin ko sa kanyang mapupulang labi.
Ang yummy nitong tingnan.
Napakunot ang noo niya. "Ay! I mean, Ikaw, ikaw na ang bahala," bawi ko kaagad.
"Ano.ang.gusto.mong.kainin?" tanong niya ulit.
"Sabing ikaw!"
"Ako?" he asked.
"I mean, ikaw na ang bahalang mag-order, Corps. Nakakahiya naman."
"Hindi ako ang kakain. Now, choose what you want to eat."
"Ahm...putopao," ang sagot ko.
"Ano pa?" tanong niya.
"Dalawang spaghetti, tatlong chocolate cake, dalawang donut na walang butas sa gitna at tinola na walang sabaw," dagdag ko pa.
"Is there anything else?" Nagulat ako. Bibilhin niya ba talaga ang in-order ko? May ganoon ba? At saka iniisip ko na parang mag-asawa na tuloy kami. Ako ang asawa niyang naglilihi 'tapos siya ang asawa ko na maghahanap ng pinaglilihian ko.
"Joke lang ang iba diyan, Corps., ha?"
"I know what to buy, Miss Artilleza. Just wait me here. I'll order for you."
Pag-angat ko ng mukha. Seryosong nakatitig lang sa akin si Corps. Commander Percigal. Mayamaya ay umalis na siya para pumila na sa counter.
"Corps., mauna ka na."
Napataas ang kilay ko sa sinabi ng babaeng nasa unahan ni Corps Commander Louie. Bakit niya kailangang pasingitin sa pila si Corps? Mas nauna naman siya. At bakit may pa-haplos-haplos pa siya sa braso ni Corps? Iyon talaga ang pinaka-nagpakulo ng dugo ko.
"Hindi mo kailangang gawin iyan, Miss. May palatuntunan ang eskuwelahang ito na dapat sundin. Para mo na rin akong inutusan na suwayin ang mga palatuntuning iyon," seryosong sagot ni Louie sa babae. Kung hot na siyang magsalita ng English, ano pa kaya kapag nag-tagalog na siya? Mas super hot iyon sa akin.
Hindi na nakapagsalita pa ang babae. Tumalikod na lang ito at saka yumuko.
Lesson learned: Huwag kang lumandi sa mga matitino.
Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at napangiti na lang ako bigla. May matatag na paninindigan pala talaga ang Corps Commander ng school namin. Ang s'werte ng NOHS dahil nagkaroon ito ng Corps Commander na katulad ni Louie.
Akala ko kasi pagpapasikat lang ang tanging ginagawa niya. Pero ngayon, I witnessed how great he is.
Mayamaya ay dumating na siya. "Here is your order," he said. May dala siyang tray na may laman na iba't ibang pagkain. Inilapag niya naman iyon sa harapan ko. Ni hindi ko nga namalayan ang paglapit niya.
"Akin na 'tong lahat?" tanong ko habang naka-focus ang mata ko sa pagkain na nakahain sa harap ko. Nakakalaway ang mga iyon.
"Yes," maikling sagot niya. Tumango-tango ako. Nanunubig na yata ang bagang ko. At saka gutom na rin kasi talaga ako. Ito ang epekto ng hindi ko pag-almusal kanina.
Nagdasal muna ako bago ko sinimulan ang paglantak sa mga pagkain. Inuna ko ang donut at isinunod ko ang chocolate cake. Favorite ko kasi talaga ang chocolate cake. Mamaya ko na kakainin ang putopao.
"Kain ka," anyaya ko sa kanya.
Tiningnan niya ako bago nagsalita, "thanks, but I'm full."
Kumain na lang ulit ako. Nakakaturn-off kaya ako ngayon? Ay, teka! Ano naman ang pakialam ko kung maturn-off siya sa akin? Ang mahalaga, busog ako! Wapakels na ako sa magiging reaksiyon niya.
"Burp." Nanlaki ang mata ko. Napalakas yata ang dighay ko. "Excuse me," nahihiya kong sabi.
He chuckled. Umiling-iling pa ito na tila natutuwa. Hindi ko alam kung matutuwa rin ba ako o maiinis sa kanya. Pagtawanan daw ba ang pagdighay ko.
"S-salamat, Corps. Nabusog po talaga ako."
"No worries," sagot niya. Tumayo na siya sa kinauupuan niya. Samantalang ako ay nakaupo pa rin. Nasobrahan yata ako ng kain kaya medyo nahihirapan akong tumayo ngayon. Sumakit bigla ang tiyan ko.
Shemay! Bakit ngayon ka pa um-epal tiyan?
Nagulat na lang nang lumapit siya sa akin at inilahad ang kamay niya sa harapan ko. Totoo palang gentleman ang mga sundalo, ano? Kaya siguro marami ang nahuhumaling sa mga kagaya nila.
"S-salamat." Inilalayan niya ako sa pagtayo. Lumipat siya sa kanan ko. Nakahawak siya sa bewang ko at ang isa niyang kamay ay nakahawak sa kamay ko.
"K-kaya ko na," sabi ko. Nagmukha akong baldado sa lagay na ito. Pero masarap palang magpaka-baldado kung si Corps Commander Percigal ang aalalay sa iyo.
Ano ba itong iniisip ko? Natutuwa pa yata ako sa biglaang pagsakit nitong tiyan ko.
"No, let me help you," pagpupumilit niya.
Hinayaan ko na lang siya. Gusto niya 'yan, eh. At saka medyo bet ko rin naman.
Ngayon ko lang napansin na lahat na yata ng mga taga Nevros Occidental High School ay nakatingin na sa aming dalawa. Yumuko na lang ako. Siguro naman, hindi nila ako makikilala kapag nakayuko ako.
Pero sinong niloko ko? Tiyak issue na naman ito.
Napatingin ako sa seryosong mukha ni Louie. Wala man lang ako nakitang pimples o kung ano mang peklat sa mukha niya. He has this perfect structured face na kakabaliwan ng mga babae. And not to mention his pointed nose and his expressive eyes. Iba talaga kapag nahaluan ng dugong dayuhan ang isang pinoy. Siguradong guwapo...