NAKATINGIN lang ako sa kisame ng kwarto ko. Hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari sa unang araw ko bilang fourth year high school.
Napabuntung-hininga na lang ako saka nagpasyang tumayo mula sa pagkakahiga ko sa aking kama. Buti na lang at walang pasok ngayon, kaya may oras pa ako na makipag-bonding kay tatay. Nang sa gano'n ay mawala sa isip ko si Louie.
Naligo muna ako at pagkatapos ay nagbihis ng pambahay na damit. Nang matapos ay bumaba na ako.
"Good morning, 'Tay!" masiglang bati ko kay tatay. May hawak siyang diyaryo. Ibinaba muna niya ang hawak niyang diyaryo nang makita ako at saka ngumiti siya sa 'kin.
"Good morning din, anak," bati niya pabalik. He sipped on his coffee and went back reading his newspapers.
"Tay, bonding naman tayo, oh." Nagpa-cute pa ako sa kanya.
"Okay, saan mo gustong pumunta?" he asked.
"Kay nanay po sana, kung okay lang po sa iyo, 'Tay," sagot ko. Bahagyang natigilan si tatay sa sinabi ko.
"Sige, anak," pagpayag niya.
Medyo matagal na rin kaming hindi nakabisita kay nanay, kasi medyo naging busy kami ni tatay nitong nakaraang buwan.
Nang makarating kami sa puntod ni nanay ay agad akong naglagay ng tatlong puting rosas sa ibabaw ng puntod nito.
"Pasensiya ka na at ngayon lang ulit kami nakabisita ni tatay, 'Nay," kausap ko kay nanay. Hinaplos ko ang lapida nitong medyo napapalibutan na ng mga tuyong dahon "Kahit na gano'n, alam mo naman pong mahal na mahal ka namin."
Tumulo ang luha sa mga mata ko. Kahit gaano ko ito pigilin sa pagtulo. Ni hindi ko man lang nasilayan ang mukha ni Nanay maliban na lang sa picture niya na nasa bahay. Minsan iniisip ko na ako talaga ang dahilan ng pagkawala niya. Sana hindi niya na lang ako ipinanganak. Siguro, masaya sila ngayon ni tatay at hindi siya namatay.
"Shhh...tahan na, anak. Hindi magugustuhan ng nanay mo, kapag nakita kang umiiyak. Baka multuhin ako n'on," pang-aalo ni tatay sa akin. Marahan niyang hinagod ang aking likod para mapatahan ako.
Niyakap na lamang ako ni Tatay. Nang hindi na ako nakapagsalita pa. Pakiramdam ko ay medyo naibsan ang sakit na nararamdaman ko nang dahil sa yakap ni Tatay sa akin.
"Veronica...mahal na mahal kita. Mahirap pa rin sa akin ang pagkawala mo. Pero alam kong kailangan kong mas maging matatag para kay Vera. I love you, mahal. Mamahalin kita sa habambuhay o kamatayan man."
He smiled to me and I smiled back.
My father really loves my mother. Hindi nakakatakas sa akin ang biglaang pagkalungkot ni tatay sa tuwing naiisip niya si nanay.
Alam kong nangungulila rin si tatay hanggang ngayon. Pinili lang niya na itago sa akin, dahil ayaw niyang makita ko siyang pinanghihinaan ng loob.
Hindi na kami nagtagal doon kasi biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya nagpasya na lamang kaming umuwi na sa bahay.
"Anak, may hihingin sana akong pabor," biglang salita ni tatay habang nagpapatuyo kami sa loob ng bahay.
"Ano po 'yon, 'Tay?" tanong ko habang nagpupunas ng basa sa aking braso.
"Pupunta ako ng States para sa business natin. Nagka-problema kasi doon. P'wedi bang maiwan kita rito? Sayang naman kasi kung ititigil mo pa ang pag-aaral mo. Graduating ka na rin ngayong taon."
Kaya pala medyo nakakunot ang noo niya kanina, habang nagbabasa ng diyaryo.
"Kailangan mo po ba talagang umalis, 'Tay?" Halata sa boses ko ang lungkot. Ayaw ko mang mapalayo kay tatay, pero wala naman akong magagawa.
"Oo, 'nak, eh." Umupo muna ako sa sofa. Umupo rin sa tabi ko si tatay.
"Pasensya ka na talaga, 'Nak. Pero may magbabantay naman sa 'yo rito. Anak siya ng matalik kong kaibigan na si Luisito. May tiwala naman ako sa anak niya. Para ko na ring kapatid si Luisito, kaya sigurado akong safe ka sa anak niya, 'wag kang mag-alala."
"May matalik po pala kayong kaibigan, 'Tay?" gulat na tanong ko.
"Ano ang akala mo sa akin hindi friendly?" sagot ni Tatay Ronnie.
"Ay, 'tay. Pupunta muna ako ngayon kay Edchelle. Puwedi po ba?"
"Sige, tawagan mo na lang si Nelson at magpahatid ka sa kanya. Hindi pa naman tumitila ang ulan."
"Copy, Sir!" natatawang sagot ko.
Natigilan si Tatay ngunit ngumiti na rin hindi kalaunan. "Mana ka talaga sa nanay mo, ang kulit niyo," aniya.
Nagpahatid nga ako sa condo ni Edchelle. Sixteen pa lang mayroon nang sariling condo si Edchelle. Her parents were not in good terms. That's why pinili niya na lang na bumukod. Pero sinusuportahan din naman siya ng mga ito.
Naabutan ko siyang nagluluto ng champorado. I have the spare key of her condo, kaya malaya akong naglalabas-masok dito.
"Bulaga!" panggugulat ko sa kanya.
"Aykabayonglumipad!" gulat na reaksiyon niya. Natawa ako sa kanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin habang hawak-hawak niya ang sandok.
"Champorado! Masarap 'to."
"Gaga! Sopas kasi 'yan, Ver."
Nanlaki ang mata ko. Seryoso?! Mas mukhang champorado ang kulay ng niluluto niya, e.
"Bakit naging itim?" nakangiwing tanong ko.
"Nilagyan ko kasi ng maraming patis," sagot niya na para bang nahihiya.
Dapat lang!
"Ayan ka na naman sa bago mong imbento. Ako na nga ang magluluto. Ayaw ko pang mamatay nang dahil sa food poisoning."
"Grabe ka sa 'kin, Vera," nakanguso niyang sabi. Nginisihan ko lang siya at inagaw ko na ang sandok mula sa kanya.
Hindi naman sa pagmamayabang. Magaling talaga akong magluto. Tinuturuan kasi ako ni tatay na magluto. Importante daw kasi 'yon pagdating sa mga babae.
Na-in-love nga raw siya kay nanay dahil magaling itong magluto. Pero syempre bonus na lang iyon. Mahal niya naman talaga si nanay.
Hindi talaga nagluluto si Edchelle. May personal cook siya at saka tagalinis ng condo niya. Samantalang kami naman ni tatay ay may tagalinis din ng bahay. Thrice a week lang pumupunta sa bahay namin ang tagalinis namin. Kasi ako na mismo ang nagkukusang magligpit ng mga kalat sa bahay. Unlike Edchelle, wala akong sariling condo. Mas okay sa akin na makasama si tatay. Kami na nga lang ang magkasama sa buhay, iiwan ko pa ba siya?
"Edch, aalis nga pala si tatay. Nagka-problema ang negosyong pinaghirapan nila ni nanay. Alam mo naman 'yon 'di ba? Lahat ng naiiwan ni nanay may sentimental value sa kanya. Kaya ayon, maiiwan ako rito," pagkukuwento sa kanya habang nagpapatuloy sa pagluluto ng sopas.
"Don't worry hindi ka naman mabo-bored dito. May C.A.T naman at saka nandito ako."
"'Yon nga, magfo-focus muna ako sa C.A.T at sa studies ko para maka-graduate ako on time. Habang inaayos naman ni tatay ang problema sa negosyo namin sa States."
"Tama ka. Bilisan mo na diyan. Gutom na gutom na talaga ako, Vera. Naku! Buti na lang at nakapunta ka rito. Nag-attempt lang naman akong makipagbakbakan sa kusina ko, kaso ayaw talagang makipag-cooperate ni pagluluto sa akin."
"Oo na. Malapit na itong maluto."