Chapter 3

972 Words
LUTANG ako habang patungo sa next subject ko. Hindi ako maka-get over sa ginawa ni Louie. Ikaw ba naman ang pasundutin sa ilong ng Corps Commander, 'di ba? I swear, hindi na ako makikisabay sa ka-abnormalan ng mga Taga-Nevros! Kung alam ko lang sana na ito ang kahihinatnan ng lahat. Hindi na ako sumigaw ng ganoon! Nakakahiya iyon sa part ko kasi maraming taga-Nevros ang nakasaksi sa pinaka-embarrasing moment ko na 'yon. Kanina pa nakabuhanglit ng tawa itong kasama ko. Halos hindi na makahinga si Edchelle sa kakatawa niya. "Bw*sit! Ang priceless ng mukha mo kanina, Vera." Tiningnan ko nang masama si Edchelle. Pinagtatawanan niya lang ako. Napahiya na nga ako kahapon nang dahil sa walanghiyang Corps Commander na 'yon! 'Tapos tatawanan pa ako ng isa rito. Sira na talaga ang araw ko. Hindi ko alam kung anong espirito ang sumapi sa akin, kung bakit ko inamoy ang hinliliit ko. "Mabango ba?" curious na tanong ni Edchelle habang inaabangan kung ano ang magiging reaksiyon ko. "A-amoy...amoy kulangot!" ismid ko. Pero ang totoo, mabango talaga. Nag-i-ispray ba iyon ng perfume sa ilong? Ang bango kasi. "Ay, weeh? Paamoy nga." Hindi na ako nakasagot pa kasi kinuha niya na ang kamay ko at inilapit sa ilong niya. Dahil sa inis mahina kong dinutdot ang hinliliit ko sa ilong niya. "Aray, huh!"nakanguso niyang reklamo. "Para mas amoy mo," sabi ko. "Ay, infairness naman, ang bango nitong daliri na galing sa ilong ni Corps." Agad kong binawi ang mga kamay ko kay Edchelle. Huminto na kami sa harap ng classroom ko. Habang si Edchelle naman ay dumiretso na sa classroom niya. Pumasok ako ng classroom ko. Nakayuko lang ako kasi alam kong kalat sa buong Nevros Occidental High School ang nangyari kanina. "Girl, papansin ka rin, eh, 'no?" harang sa akin ni Milky. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niyang iyon tungkol sa akin. Ayaw kong patulan si Milky, kasi mas gulo lang ang magiging epekto nito. "Tama! Silent b***h! Akala mo kung sinong Maria Clara may itinatagong kalandian din pala," ungot pa ng isang babae. Nilampasan ko na lang ang mga babaeng humarang sa akin. Grabe ang ginawa kong pagpipigil na pumatol sa kanila. "Vera, totoo bang ginawa iyon ni Corps Commander Percigal?" tanong ni Jayvee nang makaupo na ako sa aking silya. "Ang tungkol sa kulangot?" pangongompirma ko. Alam kong umabot na sa lahat ang nangyari kanina. Tumango si Jayvee. "Oo," simpleng sagot ko. Bahala na sila sa kung ano ang iisipin nila sa akin. Wala akong pakialam. Napanganga siya. "Seryoso? Ginawa niya 'yon?" Tumango ulit ako. Hindi na muling nagsalita pa si Jayvee. Natahimik ang lahat nang pumasok si Ma'am Villanueva. Bumati kami sa kanya at pinaupo niya kami pagkatapos. "We have here the Corps Commander of our C.A.T Organization. May announcement siya para sa inyo. Lend your ears, dahil magkakaroon ng quiz after niyang mag-discuss," announced ni Ma'am. If I know pananakot lang ni Ma'am ang tungkol sa quiz para makinig kami kay Corps. "Please come in." Pumasok naman si Corps. Commander Percigal. Nasa likod niya ang kanyang kamay. Tumayo siya sa gitna nang may poise. Napalibutan yata kami ng kanyang charm kaya halos lahat ay nakatingin sa kanya nang mabuti. "Hi, everyone. I am Corps Commander Louie Miguel Percigal, on behalf of the C.A.T Officers, I would like to invite all of you to join the C.A.T- or what we call the Citizenship Advancement Training," panimula niya. "Alam kong required sa forth year na maging kasapi ng C.A.T. But I assured you, hindi ito itinatag para pumigil sa inyong makapagtapos ng fourth year." Ganoon pala? Akala ko kasi dagdag pasanin lang iyon para pigilan kaming maka-graduate sa high school, e. Malay ko ba sa C.A.T. "Bilang estudyante sa paaralang ito, may mga kaakibat na responsibilidad tayong lahat." Huminto muna siya saglit at saka nagpatuloy. "Responsibilidad nating panatilihin ang kaayusan, kalinisan, katahimikan at karangalan ng ating eskwelahan. Itinatag ang organisasyong ito upang sanayin ang mga mag-aaral ng NOHS kung paano ang tamang pagdidisiplina sa sarili, kung paano manindigan sa dapat nating ipaglaban. At higit sa lahat; ipakita ang tunay na halaga ng salitang respeto at pagmamahal sa sarili nating bayan." Natulala ang lahat sa kanya habang nagsasalita siya sa harap. Nakakadala ang bawat linya na lumalabas sa kanyang mga labi. Bakit ang hot niyang magtagalog? Nakadagdag pa ang barakong-barako niyang boses. Idagdag pa ang matikas niyang tindig. Mapapanganga ka na lang din sa katawan niyang hindi naaayon sa kanyang edad. Isipin niyo nga, ilang taon lang ba siya? Sixteen? Seventeen? Pero mas mature nang tingnan ang katawan niya kumpara sa isang ordinaryong high school boy! Napailing na lamang ako sa naiisip ko. Bakit ko ba pinagtutuunan ng pansin ang physical features niya? Dapat focus ako sa mga idi-ni-discuss niya sa harapan. "Yes, Miss Artilleza?" Nagulat ako nang tawagin niya ang apelyido ko. "P-po?" "Do you want to say something? Nakita ko kasing umiling ka," tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko. Akala niya ba ay hindi ako sang-ayon sa mga sinasabi niya dahil umiling ako kanina? "Wala po, Corps In-exercise ko lang po ang leeg ko kasi mukhang magkaka-stiff neck po ako," palusot ko. Tumango lang siya at saka nagpatuloy na sa pagdi-discuss. Hindi na ako nakinig dahil nadi-distract ako sa ganda ng boses niya habang nagsasalita. Pagkatapos na magpaalam ni Corps, kanya-kaniya nang tilian ang mga kaklase ko. Uso namang magpigil ng kilig, pero wala yata sa kanilang bokabularyo iyon. "Gosh! I'm gonna join the C.A.T na talaga just to see the face of Corps Commander!" tili ni Milky. Oo, aaminin kong guwapo nga si Corps Commander Percigal; maganda ang boses at may abs plus macho rin. Halata naman. Pero hindi ko maipagkakailang rude ang ugali niya. Sino ang matutuwa sa ginawa niya sa hinliliit ko? Kahit naman mabango ang ilong niya, eh, dapat hindi niya ginawa 'yon! Dahil hanggang ngayon affected pa rin ako sa ginawa niyang pagsundot ng hinliliit ko sa ilong niya! "But he only did that just to prove to you na wala siyang kulangot," sigaw ng kalahating parte ng utak ko. Pero teka, bakit ko naman ipinagtatanggol ang isang 'yon?! -Vevsorare
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD