bc

The Light In My Darkest Path (TAGALOG)

book_age4+
134
FOLLOW
1K
READ
others
inspirational
others
drama
tragedy
no-couple
city
like
intro-logo
Blurb

Kuwento ng isang dakilang ama na sobra ang pagmamahal sa kaniyang pamilya. Nakapaloob rin sa kuwento ang hirap at sakripisyo ng isang magulang.

Inspirational short story po ito na sana ay magustuhan po ninyo.

chap-preview
Free preview
The love and Sacrifices
Napakainit.. Nakakahilo.. Patuloy ang pagdaan ng mga tao. Mga nakauniporme at pauwi na galing sa trabaho ang iba ay mga mag-aaral. Palimos po.. Palimos po.. Sambit ng nanginginig kong mga labi. Gutom at uhaw ang aking nararamdaman. Hindi ko maiwasang hindi habulin ng tingin ang mga taong may kinakain na madaraan sa aking harapan. Sampung taon na ang nakakaraan at hindi parin maalis ang nangyari sa aking isipan. Iniangat kong muli ang latang naglalaman ng kaunting barya mula sa mga taong dumaan kanina sa harap ko. Pang kain lamang po.. Palimos po.. Nanggilid ang luha sa aking dalawang mata. Isa ako noong tricycle driver at janitor sa isang pampublikong paaralan. Masaya ako kahit na ang hirap ng buhay. May dalawa akong anak, Isa sa kolehiyo at ang isa ay sa elementarya. Hindi sapat ang kinikita ko sa pagtatricycle kaya't pinasok ko na din ang pagiging isang janitor. Noon tatlong beses at higit pa kung kumain ako sa isang araw. Palaging may ngiti sa aking mga labi kasama ang aking mga anak na sobra kong mahal. Ngunit isang pangyayari ang hindi ko inaasahang magpapabago sa buhay ko. "Inay! ang itay! Bumagsak na lang at nawalan ng malay! inay!" "Jusko po! anong nangyari sa itay mo? Anong nangyari?!" Malinaw na malinaw pa sa isipan ko. Pauwi palang ako ay ramdam ko na ang kakaibang sakit ng aking ulo at pagdating ko sa aming bahay ay bigla nalang ako nawalan ng malay. "Anong nangyari sa akin? Nasaan ako?" "Mahal.." "Bakit? Nasaan tayo? Anong nangyari sa akin?" Nagsimulang umiyak ang aking asawa, Nakatingin lamang ang bunso kong anak at ang aking panganay naman ay inaalo ang umiiyak niyang Ina. Babangon na sana ako ngunit hindi ko maigalaw ang dalawang paa ko. Pinilit kong igalaw pero wala akong maramdaman. Tumingin ako sa aking asawa, Nagtatanong ang aking mga mata. "Anong nangyari? Bakit hindi ko maigalaw ang aking mga paa?" Hindi lamang iyon. Napataban ako sa aking bibig dahil sa hindi na tuwid ang aking pagsasalita. Simula ng araw na iyon nagbago na ang lahat. Hindi ako nakapagtrabaho dahil sa imbalido na ako. Isa na rin ako sa mga inaasikaso ng asawa ko. Ang panganay kong anak ay naudlot ang dapat na pagtatapos dahil kinailangan niyang magtrabaho. Ramdam ko din ang pagbabago ng pakikitungo ng aking pamilya sa akin. Madalas akong sigawan ng aking asawa at madalas akong pagdabugan ng aking mga anak sa tuwing magpapakuha ako ng inumin o may iuutos ako. "Ano ba naman yan! Naihi ka nanaman?! Hindi ba't sinabi kong tatawagin mo ako kapag naiihi ka? ha?!" Sigaw sa akin ng asawa ko, Sampal at palo ang aking natamo. Galit at gigil ang sinalo ko mula sa kanya. Sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari sa akin. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin nagtatapos sa kolehiyo ang panganay kong anak. Bakit sa akin pa ito nangyari? Hindi ko maiwasan na hindi tanungin ang Diyos. "Hirap na hirap na ako sa pag-aalaga sa iyo! Hirap na hirap na kami ng mga anak mo! Ang sabi mo noon gagawin mo ang lahat para makaahon tayo sa hirap! Pero ano?! Isa ka na ngayon sa nagpapahirap sa akin! Lumulubog na ako sa utang kabibili sa mga gamot mong walang bisa sayo! Kung mamamatay ka ay mamatay ka nalang!" Iyon ang umagang hindi ko makakalimutan. Naalala ko ang mga panahong nakakalakad pa ako. Tuwid pa ang pananalita ko. Alas kwatro ng madaling araw ay gumigising ako para magluto ng agahan ng aking pamilya. Alas singko ay aalis na ako upang mamasada, Swerte na kung makapag sakay ako ng limang tao bago mag alas siyete, Dahil pag dating ng alas syiete ay kailangan kong bumalik sa aming bahay upang ihatid ang dalawang anak ko sa paaralan. Pagsapit ng alas tres ay papasok ako sa paaralan bilang isang janitor magtatagal iyon hanggang alas siyete at pagsapit ng alas siyete ay mamamasada ulit ako hanggang alas nuebe ng gabi. Dahil sa kailangan kong kumita, Iniinda ko ang init ng araw, Ang lakas ng ulan. Nalilipasan ng pagkain at kung minsan ay tinapay nalang ang pananghalian. Naalala ko kasi ang itsura ng aking panganay ng minsang nanghingi siya ng pambili ng project pero wala akong naibigay. Hindi naman masamang tipirin ko ang sarili ko para sa kapakanan ng mga anak ko hindi ba? Pero bakit? Bakit ang bilis akong bitawan ng pamilya ko? Isang gabi ng isakay ako ng tricycle ng aking asawa. Kapatid niya ang nagmamaneho. Tinanong ko kung saan kami pupunta ang sabi niya ay bibili kami ng gamot ko. Malayo-layo na ang nararating namin at hindi na pamilyar ang daan na aming tinatahak. Nagtaka ako dahil malapit lamang ang bayan sa aming lugar. At nang huminto ang tricycle ay tinabanan ako ng asawa ko sa kamay ko at ibinaba ng marahas. Nasubsob ako dahil sa hindi niya ako inalalayan. "Sawang-sawa na ako sa pag-aalaga sayo. Maghanap ka na ng ibang taong gagawa non!" Hindi ako nakapagsalita hanggang sa sumakay ulit siya sa tricycle at iwan ako sa lugar na iyon. Awa ang naramdaman ko para sa akin sarili. Hindi ako nakakalakad. Hindi ako tuwid magsalita. Paano na ang mangyayari sa buhay ko? Wala nang kwenta ang buhay ko. Sarili kong pamilya ipinagtabuyan ako dahil sa pagiging pabigat ko. Pinilit kong tumayo pero binigo ako ng dalawang paa ko. Dumaloy ng masagana ang mga luhang nagbabadya kanina pa. Tumingala ako sa madilim na kalangitan at tinanong ang Diyos kung bakit nangyayari ito sa akin. Kung bakit ang pamilyang iniingatan ko at minamahal ko ang siya pang nagtaboy sa akin? "Tay, Kain po kayo." Nahinto ako sa pagbabalik tanaw sa nakaraan, Napatingin ako sa batang babae na nakatalungko sa aking harapan. Sa kanang kamay niya ay may iniaabot siyang supot na may pagkain at sa kaliwang kamay niya ay may isang bote ng tubig. Inabot ko ito at saka ako nagpasalamat. Agad kong binuksan ang styro at bumungad sa akin ang adobong manok at kanin. Muli kong naramdaman ang gutom. Nagsimula akong kumain, Akala ko aalis na ang batang babae pero napaangat ang tingin ko ng muli siyang magsalita. "Mahal po kayo ng Diyos. Lahat po tayo ay mahal ng Diyos. Kung ano man po ang pinagdadaanan niyo ay may plano po ang Diyos para sa inyo. Ang lahat po ay pagsubok lamang." Biglang bumagsak ang luha sa aking mga mata. Noon nawalan ako ng pag-asa at pinagtangkaang tapusin ang aking buhay. Inabandona ako ng aking sariling pamilya at ngayon ay namamalimos sa kalsada. "Hinding-hindi po kayo iiwan ng Diyos." "Iwan man po kayo ng lahat pero hinding-hindi po iyon gagawin ng Diyos." Napatingin ako sa maliwanag na kalangitan. Magpapasalamat na sana ako sa batang babae pero pagtingin ko sa pwesto niya kanina ay wala na siya. Tinapos ko ang aking pagkain. Itinaas kong muli ang latang iniaangat ko kanina. Palimos po.. palimos po.. Sapat na ang aking kinain pantawid gutom ngayon araw. "Itay!" Napalingon ako sa pamilyar na boses na iyon. "Tatay!" "Tatay!!" Isang babae na naka uniporme ng pang opisina ang lumapit sa akin. "Tay! Ang tagal po namin kayong hinanap! huhu tatay!" Nanlaki ang aking mga mata. Nanggilid ang aking luha. "Bunso?" "Ako nga ho! Salamat sa diyos, Salamat sa Diyos at buhay po kayo! Ang sabi noon ng inay ay kinuha po kayo ng kamag-anak niyo upang sila ang mag-alaga pero taon na po ang lumipas hindi parin kayo bumabalik. Itay.. sampung taon napo .." Sampung taon. Sampung taon sa lansangan. Pero bakit nananatili pa rin akong buhay? Napatingin ako sa kalangitan. Dahil ho ba alam niyong may naghahanap pa sa akin? "Tatay, Patawad! Hindi napo mauulit. Huhu, Hinding-hindi ko na po gagawin ang mga ginawa ko noon sa inyo. Mahal na mahal po namin kayo. Matagal na po namin kayong hinahanap ni Ate." Naalala ko ang aking asawa. "Nasaan ang nanay mo?" Napayuko ang aking bunso at umiling. "Wala napo si Inay. Tatlong taon na po siyang wala. Nalulong sa droga ang inay matapos po ninyong mawala." Hindi na ako nagtanong pa. Hindi ko na rin inungkat ang ginawa na kanilang ina. Inalis ako sa lugar na iyon sa tulong ng mga lalakeng kasama ng aking panganay na anak. Panay ang hingi niya ng tawad ng nasa sasakyan na kami. Sinisisi niya ang sarili niya dahil hindi niya ako binantayan. Hindi daw siya naniwala sa kanyang ina ng sabihing ang mga kapatid ko na ang mag-aalaga sa akin. Ipinagamot ako ng aking panganay. Nalaman kong nakapagtapos siya at ngayon ay nagtuturo na sa isang pampublikong paaralan. Ang aking bunso naman ay naitaguyod niya at nagtatrabaho na sa isang kumpanya. Sobra ang pasalamat ko sa Diyos dahil hindi niya pinabayaan ang mga anak ko. At nagpapasalamat din ako dahil akala ko wala na talaga akong pamilyang mababalikan pa. Palimos po.. Palimos po.. Sampung taon kong linya sa mga taong hindi ko kilala. Akala ko mag-isa nalang ako hanggang sa mawala ako sa mundo. Pero tama ang batang babae dahil may plano ang diyos at pagsubok lang ang lahat sa buhay ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.6K
bc

CEO'S Naughty Daughter

read
55.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.2K
bc

His Obsession

read
73.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook