Ayaw ni Ben na masaktang muli si Luisa kaya siya nakapagpasya na bigyan pa ito nang isang pagkakataon na bumawi sa kasalanan nagawa. Hindi niya muna papayagan si David na makita ang mga apo. Alam niya na hindi pa sapat para mapanatag ang kan'yang kalooban. Nandoon pa rin si David sa bahay nila Luisa. Hinihintay nila ang sasabihin ni Ben. Kinakabahan na si Luisa sa magiging hatol ng kan'yang ama sa binata. Si David naman ay palakad-lakad din. Maya maya ay tinawag ni Ben ang anak. Dinala niya sa kuwarto ito at doon sila nag-usap na mag-ama. "Anak, mahal kita at ayaw ko nang makita ka na umiiyak pa pero bakit sa sandali ninyong pagkikita ay parang nakalimot ka kaagad sa mga ginawa niya sa atin, sa iyo?" tanong nito na may hinanakit sa anak. "Itay, patawarin po ninyo ako at naging marupo

