bc

Ang Boyfriend Kong Chinito

book_age18+
976
FOLLOW
3.2K
READ
drama
sweet
bisexual
like
intro-logo
Blurb

Pag-ibig yan daw ang nagpapagalaw sa mundo pero kung minsan ito din ang wawasak sa mundong iyung pinapangarap. Isa si Luisa na nangarap magkaroon ng masaya, tahimik na pamilya at puno ng pagmamahalan. Nakilala niya si David guwapo, mayaman at habulin ng mga babae. Nagkagusto si David Kay Luisa at ganoon din ang dalaga pero mapagbiro ang tadhana nalaman ni David na si Luisa ay anak ng lalakeng gusto niyang paghigantihan. Mayroon bang kahihinatnan ang ganitong pag-ibig na nagsisimula pa lang ay puno na ng galit at paghihiganti ang dala?

chap-preview
Free preview
Ang Simula
Kaarawan ng ama ni Ben na si Don Ye pero 'di siya makakapunta sa kadahilanang marami pa siyang trabaho sa may imprentahan. Si Tatay Ben ay panganay ng mga Tan, may isa pa siyang kapatid at iyon ay si Auntie Tara. Mataas ang tingin nila sa sarili at dahil sa nagawa ni tatay noon kaya initsa-puwera na nila si tatay sa buhay nila. Mabait si tatay Ben kaya kahit anong panlilibak nila sa kan'ya ay pinipilit pa rin ni tatay na mapalapit kay lolo, dahil ito na lang ang natitira niyang buhay na magulang. Nakiusap ito sa panganay na anak na si Luisa para dalhin ang regalong inihanda niyang basket ng prutas. "Sige na anak, gawin mo ito para na lang kay tatay," naglalambing na sabi nito sa akin. Ayaw sana ni Luisa pero dahil mahal niya ang ama hindi na siya tumutol pa dito. "Isama mo si Loyd para kahit gabihin ka ay hindi na kami mag-aalala." "Opo Tay." Sabi ko at umalis na para sabihan si Loyd. Mabilis ang biyahe, ewan ko pero bigla kinakabahan ako kahit alam ko na ang mga kahihinatnan nang pagpunta namin dito. Nang makarating kami sa subdibisyon ay naglakad pa kami nang kaunti para marating lamang ang mans'yon ni lolo. Si Don Ye ang lolo ko, kamukha siya ni tatay pero 'yong old version. Singkit, may maputing balat at ito ay may balingkinitan na katawan. Makikita mo na malakas pa si lolo kahit gumagamit na ng baston kasi kapag sinisigawan kami ay para talagang leon sa lakas. Hindi na kami nadala, siguro sanay na kami sa kan'yang ugali! Open ang mans'yon sa mga bisita kaya malaya kami na nakapasok ng kapatid kong si Loyd kaya lang pagkakita sa amin ni lolo ay winasiwas niya kaagad ang baston niya sa amin. "Sino ang nagpapasok sa inyo rito? Wala kayong karapatang pumunta rito. Hindi ko kayo inimbitahan, umalis na kayo!" galit na sabi ni lolo. "Pasensiya na po kayo lolo kasi kami po ay napag-utusan po lamang ni tatay," saad ko kay lolo. 'Di na ko nagsalita, binaba ko ang basket ng prutas sa harap niya at saka yumukod nang nagpaalam. Hinila ko na si Loyd pauwi. "Doon kayo sa likod bahay dumaan at nang hindi kayo makita ng mga bisita kong dumarating na." Paiwas niyang utos sa aming dalawa magkapatid. Wala akong nagawa kun'di sundin ang aming lolo. Oo nga at napakasama nang turing nito sa amin pero siya pa rin ang ama ng tatay namin at ang lahat nang mahal ni tatay ay mahal din namin. Umiwas na kami sa mga taong dumarating at baka lalo lamang kaming mapagalitan ni lolo. Sa may kusina ang daan papuntang likod bahay. Naraanan namin si Auntie Tara na parang tinitikman ang bagong lutong kare-kare ng kanilang kusinero. Nakita ko ang ibat-ibang masasarap na putahe. Naglaway ako bigla, hindi pa nga pala kami kumakain. "Oh kayo diyan, ano tinitingnan ninyo. Mga patay gutom! Wala na ba kayong makain, mga squater?" ang nanglalait niyang sabi sa amin ni Loyd. Siya si Auntie Tara ang bunsong kapatid ni tatay. Matapobre ito at supladitang numero uno. Paano ba naman ang napangasawa niya ay kabilang sa angkan ng mga Sy kaya halos bumabagyo sa lakas pag inumpisahan na niyang magyabang sa mga kaibigan. Produkto rin silang mag-asawa nang arranged marriage sa kulturang intsik. Ang nakakatuwa lang parehong nainlove nang una pa silang ipakilala sa isa't-isa bilang magnobyo. Iniwanan na namin ang Auntie Tara at baka hindi ako makapagpigil ay kung ano ang masabi ko. Hinila ko na si Loyd sa may likod bahay para roon lumabas. Medyo mahirap buksan ang gate dahil hindi ito gaanong nagagamit. Pinilit ko itong buksan at nang mabuksan ang gate biglang parang may nagasgasan ito, may nakaparada palang isang sasakyan sa tapat. Lumabas sa kotse ang isang lalaki na matangkad mga 6 foot ang taas. Singkit ito, maputi at para itong kamukha ni V ng BTS boyband. Napatulala ako at hindi ko namalayang tumulo na pala ang laway ko. "Guwapo puwedeng-puwede!" sabi ko pa sa sarili. Kinalabit ako ni Loyd "Ate lagot may gasgas, mamahalin pa yata itong sasakyan niya," sabay turo sa lalaking palapit na sa akin. Napabalik ako sa katinuan at tumingin sa nagasgasang kotse. "Anong ginawa ninyo sa kotse ko, hindi ninyo ba alam kung gaano kamahal 'tong Bugatti Veyron ko? Bakit diyan kayo nanggaling sa may likod ng bahay, magnanakaw kayo ano?" sabi ng lalaki. Nabigla ako nang hawakan nito ang siko ko, para yata akong nakuryente.'Di ako kaagad nakakilos. Nahimasmasan lang ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa sasakyan, tama si Loyd mamahalin nga ito. "Ano ba't hindi kayo makapagsalita?" galit na sabi ng lalaki. "Pagpasensiyahan po ninyo kami, mga kasambahay po kami ni Don Ye. May iniutos lang po ang aming amo sa amin," pagsisinungaling ko sa kan'ya. Tumingin siya sa amin tapos sinabi pa nitong "Mahal ang pagpapagawa nito, ano ba ang gagawin ninyo ngayon?" Nainis ako sa kayabangan ng lalaki at nameywang ako sabay sabi "Hoy lalaki, sino naman ang nagsabi sa iyong diyan magpark sa tapat nang gate, aber? Hindi mo ba alam na kapag may pinto ibig sabihin maaring may taong lumabas o lalabas diyan!" Talagang ako ay nanggalaiti kaya tinapangan ko dahil baka nga pagbayarin kami ng lalaking ito. "Alam mo bang baka ikaw pa ang kagalitan ng amo ko dahil alam mo na daanan ito! Iniharang mo pa ang sasakyan mo, tanga ka ba?" Tumingin ang lalaki at tiningnan akong mabuti, para tuloy akong hinuhubaran sa tingin niyang iyon sa akin. "Matapang ka! Iyan ang gusto ko sa babae, palaban!" "Huwag mo nang ibahin ang usapan, umalis ka na dito bago ka naming isumbong sa aming amo." Panakot ko sa lalaking mayroon magandang kotse. Tiningnan ni David si Luisa, maganda ito parang anghel kung titingnan mo. Ang biloy niya sa may pisngi ay nakakaakit, gusto niya tuloy halikan ito. Nakangiti ito at bago pa ito umalis ay nagsalita ito sa kanila. "Pasalamat kayo at maliit lang ang gasgas kung hindi talagang ipakukulong ko kayo!" sabay talikod at saka sumakay na ito sa sasakyan niya. "Yabang! Kala mo kung sino. Kotse lang kung manggalaiti, wagas!" Siya ay si David Uy 25 yrs.old, isang binatang negosyante. Ayaw nitong malaman ng Don na naroon siya kaya doon siya nagpark sa may likod bahay pero kahit malayo na ay tanaw pa rin buhat doon ang mga taong dumarating sa mans'yon. Oo inimbitahan ako ng Don sa kan'yang kaarawan pero 'di ko masikmura na ako ay makisalamuha sa kanila at maki-pagplastikan. Pumunta ako para lamang magmatyag ng mga kaganapan sa mans'yon ng mga Tan at baka makita ko ang Ben na sinasabi nilang nanloko kay mama, pero ang tagal ko na roon hindi ko pa siya nakikita. Hawak-hawak ko ang picture niya na bigay pa sa akin ng imbestigador. Siguro hindi pa talaga ito ang oras para magkaharap kami. Matamang tinignan ko ang labas ng aking sasakyan nang dumaan sa gilid ang babaeng kausap niya kanina at ang kasama rin nito. Mukhang gutom ito dahil nakahawak ang babae sa tiyan niya. Nakita niyang pumunta ito sa isang fast food kaya nagtaka siya kasi kaarawan ng amo nila at maraming handang pagkain doon, bakit dito sila kakain? At napaisip ang binata. Sumagi sa isipan niya 'yong matapang na babaeng kausap niya kanina. Mahaba ang buhok nito medyo may halong itim at brown ang kulay. Nabighani siya sa ganda ng dalagang iyon. Sigurado siyang may lahing intsik din ang babae dahil maputi at singkit din ito. Nanghinayang siya at hindi sila nagkakilala nito. "Marami pa namang araw at lahat gagawin ko para makita muli ang babaeng 'yon!" ani David sa sarili. Talaga yata na tinamaan siya ni kupido at habol nang tingin niya ang papalayo ng dalaga. Hindi niya alam na siya rin ang nasa isip ng dalaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook