Ang Nakaraan

1368 Words
Nakauwi na si David sa kaniyang mans'yon. Pumunta siya kaagad sa kan'yang maliit na opisina. Umiinom ng alak si David habang tinitignan ang larawan ni Ben at asawa nito na nakaipit sa isang files. Maya-maya ay tinawagan niya ang imbestigador at tinanong kung bakit wala ang picture ng mga anak ni Ben sa loob ng files. "Sorry Sir, isusunod ko na lang sa inyo." Ang paniniyak nang kausap kay David. Tiningnan uli ni David ang files at nabasa niya ritong pumapasok ang dalagang anak ni Ben sa school na malapit lang sa kanilang subdivision, ang Mount Christian University. "Aha, sinasabi ko na nga bang araw ko ito. Lumalapit talaga sa akin ang pagkakataon. Mapuntahan nga ang eskuwelahang ito at kakilala ko nga pala ang may-ari nito maari kong hilinging makita ang files ng anak ni Ben." Usal niya sa sarili. Sumakay ito ng kan'yang kotse saka binaybay niya palabas papunta na sa may eskuwelahang nasa bukana ng kanilang subdibisyon. Lumiko ito at naghanap nang lugar kung saan puwedeng i-park ang kaniyang sasakyan. Nasa bukana na siya ng eskwelahan nang nakita niya ang isang magandang babae at nang tingnan niya ito ay nasisiguro niyang 'yon nga ang babaeng bumihag sa kan'ya. Nakalimutan na ni David ang pakay niya sa eskwelahang 'yon. Hindi niya alam kung puwede roong magpark pero baka mawala 'yong babaeng nakita kaya kaagad niyang pinara sa gilid ang kan'yang sasakyan saka siya bumaba. Hinabol ang dalaga at nang malapit na siya ay kan'yang hinawakan ang kamay ng dalaga para ito ay biglang mapalingon. Nagulat din ang dalaga sa ginawa niya at sila ay nagkatitigan. Hindi nila pareho malaman ang sasabihin nang bumukas ang bibig ni David "Hi, naaalala mo pa ba ako? Ako 'yong may mamahaling sasakyan na nagasgasan ninyo noong isang araw." "Napakayabang talaga ng lalaking ito but in fairness kasing guwapo niya ang sasakyan nito." Sa isip ni Luisa. "Ah oo naaalala ko na, anong ginagawa mo dito? 'Wag mong sabihing hinahanap mo ko dahil gusto mong ipagawa ko iyong gasgas ng kotse mo!" seryoso kong tanong sa kan'ya. "Wala akong intensyong gan'on, gusto ko lang makilala ka nang lubusan," sabi nitong nakangiti. Tiningnan niya si David, kahit ilang oras o araw siguradong hindi siya magsasawang ito ay titigan. Humangin at nagulo ang buhok nito, parang napakalambot gusto tuloy ni Luisa na hawakan ito saka amoy-amuyin ito. "Gu-gusto mo akong makilala?" Hindi makapaniwala si Luisa kaya siguro nauutal ang dalaga. "Oo bakit ayaw mo?" tanong uli rito ng binata. "Hindi naman sa ayaw kaya lang baka nabibigla ka lang mukha kang mayaman, samantalang ako ay mahirap lamang." "Makikipagkilala lang kailangan ko pa bang itanong kung mahirap ka o kung ikaw ay mayaman, mukha ba akong mapanglait?" sambit niya sa dalaga. Tiningnan ko siyang mabuti "OMG! Talagang matangos ang ilong nito at ang kinis ng mukha, tinalo pa yata ako." Nasa isip pa ni Luisa habang ito ay nakatingin din sa kan'ya. Ang singkit niyang mga mata ay bagay na bagay sa kan'ya, hihimatayin yata ako. Naka charcoal gray suits siya at black shoes, ang neat niyang tingnan at mukha rin itong napakabango. "Masiyado ba akong guwapo at 'di matapos-tapos ang paglalaway mo sa akin," nakangising turan nito sa dalaga. Bigla tuloy na nataranta sa sinabi niya si Luisa dahil huling-huli niya ito habang ito pinagmamasdan siya, nahiya tuloy ang dalaga. "Sinong nagsabing guwapo ka, lola mo? Ang laki naman ng bilib mo sa sarili!" sabay taas ng kilay si Luisa. "Hindi naman, sakto lang. Ako pala si David Uy, 25 years old at binata pa. Mayaman? Siguro." "Ako naman si Luisa, 20 anyos at dito ako nag-aaral pero gagraduate na ako ngayong buwang ito." Saad ni Luisa sa binata. "Talaga, good for you. Ano ang kursong kinuha mo?" tanong ni David sa akin. "BSIT." Sagot ni Luisa na maikli pero may diin. "Pareho pala tayo ng kurso na kinuha kaya lang tapos na ako at nakapag-masters na rin. Balak ko nga sana kumuha ng PhD kaya lang nabored na ako." "Ang yabang talaga ng lalaking ito pero mukha naman siyang talagang matalino." Bulong sa sarili ng dalaga. "Halika meryenda muna nang tayo ay makapag-usap nang mabuti." "Pasensiya ka na, David. Marami akong gagawin ngayon kung gusto mo mamaya na lamang pagkatapos ng school." "Puwedeng mahiram ang phone mo? Ibibigay ko ang number ko para 'pag malapit ka nang umuwi mateks mo na ako kaagad," nakangiti pa ring sabi ni David. Binigay ko sa kan'ya ang aking phone, may tinipa siya roon at ng may nagring ibinalik na niya ang phone ko sa akin. "Thanks sige na at hindi na kita gaanong aabalahin baka malate ka. Hihintayin ko teks mo." Sabi pa ni David sa dalaga sabay pisil sa kamay nito. Halos tumayo mga balahibo ng dalaga sa ginawa ng binata kaya pilit itong lumayo at baka 'di siya makapasok ng school dahil sa kilig. Ang bilis niya parang sanay na sanay. Tiyak kong marami na siyang mga babae na pinaluha at tiyak kong mayayamang babae ito. Ewan ko ba pero parang may kuryenteng dumadaloy sa aking katawan sa pagpisil niya ng aking mga kamay. Kinilig akong bigla, para akong ice cream na nabilad sa araw na unti-unting natutunaw. Ah, ito na ba ang the one? Ako si Luisa Tan anak ni Ben at Gia Tan, 20 years old lumaki sa hirap. Nasa 4th year na sa kolehiyo at ako ay kumukuha ng BS in Information technology. Namana ko raw ang ganda at tangkad ng aking ina. Sa aking ama na intsik naman ay ang maputi at makinis na balat. Lalo pa itong pinatingkad ng aking biloy sa magkabilang pisngi at ang aking matangos na ilong. Pala-kaibigan ako pero iisa lang ang bes para sa akin at ito ay si Helga Santos, kababata ko at aking karamay 'pag kailangan nang balikat na maiiyakan. Naghihintay nang susunod na klase sila Luisa at Helga. Kababata at kapitbahay niya sila Helga noong 'di pa umaangat ang buhay ng kaibigan. Nagtayo ang mga magulang nito ng Hardware store sa tulong din ng mga kamag-anak at nang ito ay lumago lumipat sa magandang bahay sila Helga, pero ayaw siyang iwanan nito kaya nga hanggang nagkolehiyo ay magkasama pa rin sila. May lahing intsik din ang mga magulang ni Helga kaya maputi rin ito at singkit. Mayroon lamang itong kaunting tigyawat dahil mahilig ito na magpuyat kapanood nang drama. Nagtanong si Helga ng tungkol sa lalaking nakita niyang kausap ni Luisa noong umaga. "Bes, ang guwapo nang kausap mo kanina. Bago mo ba itong manliligaw?" sambit ni Helga na nangulit sa kan'ya. "Aba hindi, noong isang araw ko lang nakilala 'yong lalaking 'yon. Tapos kanina 'di sinasadya napansin niya akong papasok sa may gate, kaya kinausap ako," sagot ko kay Helga. "Ano ba ang pangalan niya?". "David Uy daw," sabi ni Luisa. Binuksan ni Helga ang laptop at hinanap ang pangalan nito. Binasa nilang dalawa ang lahat nang sinasabi sa internet na tungkol kay David at nanlaki pareho ang mata sa nalaman sa binata. Ito ay anak ni Henry Uy at ni BELLA LEE. Parang malaking kalembang ang bigla dumagundong sa aking tainga. Sino ba ang makakalimot sa mga pangalang 'yon at kahit si Helga natahimik. Wala akong inilihim sa kan'ya mula nang magtanong siya sa akin kung bakit 'di kami tinutulungan ng mga kamag-anak ni tatay samantalang mayaman naman ang lolo ko kaya nakuwento ko sa kan'ya noon ang mga nangyari kay tatay at kay Bella Lee. Si tatay Ben ay pinagkasundo na ipakasal kay Ms.Bella Lee ng mga magulang nila. Sinusunod nila noon ang tradition na ang intsik ay dapat sa kapuwa intsik din na mapakasal. Pilit ito tinutulan ni Tatay Ben dahil sa may nobya na siya at ito lamang ang babaeng gusto niyang pakasalan. Kaya nang araw ng kasal nito kay Ms. Bella, tumakas siya at saka nagpakasal sa kan'yang nobyang si Gia. Sa galit at sama nang loob ay nagtatakbo si Bella sa labas ng simbahan at doon ito ay nahagip ng isang rumaragasang sasakyan. Nahospital ito at sinabi rito ng mga doktor na 'di na ito makakalakad dahil ibabang bahagi ng katawan nito ang napuruhan. Simula noon ang galit at pagkapahiya ng mga Lee ay hindi na nawala kahit sa paglipas pa nang ilang taon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD