Pusong Sawi

1313 Words
"Bes, kalimutan mo na 'yong David Uy na 'yan." Ani Helga. "Ngayon, 'di ka pa niya kilala pero paano 'pag nalaman niya na anak ka ni Tito Ben?" paliwanag ni Helga. Tama nga siya baka may galit din si David sa amin, 'di ko alam kung anong gagawin. "Mabuti pa tatawagan ko siya para sabihing 'di na kami tuloy mamaya," sabi ni Luisa may lungkot sa mga mata. 'Di pa nakakaranas magkaboyfriend si Luisa kaya nanghihinayang siya. First time niyang nakadama nang ganito sa isang lalaki at isang Lee pa. Nasa opisina si David, siya na kasi ang namahala nitong kumpanya ng kan'yang Lola Agnes. Dumating ang imbestigador na inutusan mangalap nang tungkol sa buhay ng mga Tan. Binigay ng imbestigador ang mga litratong kuha niya sa mga anak ni Ben. Binuksan ni David ang envelope at saka tiningnan ang laman nito nang nabigla ang imbestigador nang sinipa ni David ang paa ng kan'yang lamesa na siyang dahilan para mag-bagsakan ang mga gamit sa ibabaw nito. Palakad-lakad siya habang nilalamukos ng dalawang kamay ang mukha. "Bakit, bakit ikaw pa ang naging anak niya. Sa dinami-dami ng babae bakit ikaw pa. s**t, s**t ,s**t!" galit na nawika ni David. Panay ang mura niya sa nalaman at halos iuntog na niya ang sarili sa pader. "Sir, may problema po ba?" nagtatakang tanong pa nitong kan'yang imbestigador. "Wa-wala naman, makakaalis ka na at padadala ko na lang sa account mo ang ating napag-usapan kabayaran." Saka lumakad si David upang pumunta sa kuwarto niyang pahingahan. 'Di niya alam ang gagawin dahil bago pa sa kaniya ang mga nararamdamang ito. Noon para sa kan'ya ang babae ay laruan lamang, parausan niya kapag kailangan ito ng kan'yang katawang lupa. "Bakit ngayon nagdadalawang isip siya sa binabalak niyang paghihiganti? Ito ba ay dahil kay Luisa, mahal na ba niya talaga ang babaeng ito?" siya ay naguguluhan, sa isip niya ay para na siyang bulkan na sasabog. 'Di niya malaman kung ano ang gagawin. Isasantabi na lang ba niya ang paghihiganti, paano ang mga taon na ginugol niya para lang maisagawa ang balak niya. Nakahiga si David sa kama, nakapikit ang mga mata pero ang isang kamay ay panay naman ang suntok nito sa malambot na higaan. Naalala niya ang ina na mula nang siya ay isilang 'di siya nito kailanman niyakap, nakipaglaro sa kaniya o kahit ipasyal man lang dahil sa kapansanan nito at iyon ay dahil sa ama ni Luisa. Kumuha ng alak si David at isinalin sa kopitang nasa ibabaw ng side table. Tumawa nang tumawa ang binata, "What a small world, ngayon mas magiging madali ang paghihiganti ko!" humarap siya sa salamin nakatawa siya pero bakit may lungkot ang kaniyang mga mata. Bakit naiiyak siya, para siyang baliw hindi ba at matagal na niyang plano na paghigantihan ang mga Tan. Ngayong malapit na niya itong maisagawa ang binabalak, ngayon pa ba siya aatras. Hindi puwede, kailangang matuloy lahat ng balak niya nang sa ganoon matutuwa ang kanyang ina tapos yayakapin siya at sasabihang "Salamat anak, iginanti mo si mama." Sa oras na ,'yon mas malakas ang kaway nang paghihiganti kaysa isipin pa niya nararamdaman kay Luisa. "Maraming babae diyan, makakalimutan ko rin siya pagdating ng panahon." Kailangang magawa na niya ang paghihiganti bago dumating ang inang nasa ibang bansa. Ito ang magiging sopresa niya rito, nang biglang nakatanggap siya ng tawag. "Hello!" ani Luisa "Oh hi! Tapos na ba ang klase mo at susunduin na ba kita?" saad pa ni David na nakangiti. "Pasensiya ka na ha, baka 'di na kasi tayo matuloy kasi may mga pinatatapos ang prof. namin," sabi ni Luisa. "Naku, sayang naman pero siguro nga sa ibang araw na lang. Marami pa namang pagkakataon." Sagot ni David. "Sige bye at sorry muli." Anito saka bumuntung-hininga ang dalaga. "Ang hirap, bigla mong nakita ang iyong mr.right tapos naging mr. wrong pala!" ani Luisa. "Ang saklap ng kapalaran ko, hindi pa nga kami nagsisimula magtatapos na kaagad." Segundo pa niyang sabi sa isip. Si Luisa maganda, matalino at mabait na anak pagdating sa pag-ibig umasam siya ng may pagkafairy tales ito. 'Di siya conservative pero 'di naman wild, sapat lamang. Para sa kan'ya kung talagang sa iyo kahit ano ang mangyari babalik at babalik pa rin ito katulad ng kan'yang pag-ibig. Pumunta sa isang bar si David ito ang "The Joint". Nandoon ang mga kaibigan niyang sila Gary, Richie at Levy. Katulad din niya ang mga ito guwapo rin, mayaman at habulin ng mga babae. Si Gary ang pinakamatanda sa kanila, 27 years old na ito samantalang si Richie ay 26 years old naman, si David at Levy ay parehong 25. Humingi si David sa bartender ng Vodka at nang maibigay ito ay tinungga kaagad niya. Humingi uli siya ng isa pa, nagkatinginan ang mga kaibigan niya sa kan'ya. "Pare maaga pa para magpakalasing, darating pa ang mga girls tinawagan ko na sila." Ani Gary. "Wala akong pakialam kahit dumating pa sila." Sagot ni David na galit at naiirita. "Ano ba nangyari sa 'yo at mukhang iritado ka, may kaaway ka ba?" "Someone killed my heart!" "Kilala ba namin siya?" tanong ni Gary kay David. "Hindi ninyo pa siya kilala bago ko pa lang siya na meet pero hulog na kaagad ang puso ko!" sagot ni David. "Eh anong problema doon?" ani Gary. "The problem is that she is the daughter of Ben Tan!" "What, f*****g demon! Are you serious man?" ani Levy dahil alam nilang lahat ang kuwento ng pamilya ni David, kaya gan'on na lamang ang pag-aalala nila sa kaibigan. "Hindi ako nagbibiro. I am in love with this girl! Pero 'di ko puwedeng kalimutan ang paghihiganti ko. 'Yon lang ang paraan para mahalin ako ng aking ina." Nakatungo at namumula na ang mga mata ni David. "Doodz, Inosente ang anak ni Mang Ben. Kasalanan ba niya na maging anak siya ng taong kinamumuhian mo? Isipin mo muna ang gagawin mo kung talagang mahal mo na siya. Lahat nang makakasakit sa kan'ya ikaw rin ang siyang masasaktan!" sabi ni Gary sa kaibigan. "Ang bawat luhang papatak sa kan'yang pisngi ay siya ring magiging tinik sa 'yong lalamunan!" paliwanag pa sa kan'ya ni Gary, na isang radio jocks na nagpapayo sa mga taong mayroon mga pinagdadaanan sa buhay pag-ibig o kahit pamilya man. Totoo ang sinasabi ng kaibigan dahil sa ngayon palang ay nasasaktan na nga siya pero kailangan niyang pigilan ang sarili dahil baka hindi na siya makapaghiganti kay Ben. "Siguro nga tama ka pero tadhana ang naglapit sa amin. Baka gusto rin nito na matupad ang pangarap kong makapaghiganti!" malungkot na saad ni David sa kaibigan. "Tsk,tsk, siguruhin mong hindi sa iyo bumalik ang lahat ng gagawin mo friend!" pang-iinis ni Richie sa kaniya. Walang nagawa ang mga kaibigan niya kung hindi umiling. Dalangin nila na 'wag sanang masaktan ang kaibigan. Ilang oras pa ang nilagi nila sa bar pero hindi nila makumbinsi ang kaibigan. Talagang malakas ang kaway dito nang paghihiganti kaysa ang namumuo sa puso na pagmamahal para sa dalaga. Nakatingin sila sa kaibigan na patuloy ang pag-inom ng alak at walang alintana sa paligid. Naaawa sila rito pero wala rin silang magawa dahil alam nila ang pinagdaanan nito. Kung paano nito kagustong makasama ang ina, ang mayakap ito, mahalikan at saka ang mahalin. Naaala pa nila kung ilang kaganapan ang mayr'on noon sa paaralang pinapasukan nilang apat. Ang batang si David lamang ang walang kasama kung hindi ang Yaya Viring niya at Yaya Isay. Nang maka-graduate sila ng elementary at high school ay hindi rin dumating ang ina nito kaya awang-awa sila sa kaibigan kaya niyaya na lang nila itong mag celebrate kasama nila. Kaya naiintindihan nila kung saan ba nanggagaling ang galit nito. Ang magagawa lang nila ay pakinggan ang kaibigan at saka suportahan ito. Nagpatuloy si David sa pag-inom ng alak ngayon pa lang gusto na niyang lasingin ang sarili nang hindi na ito nasasaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD