Sama-Sama Sa Hirap at Ginhawa

1416 Words
Linggo araw ng pahinga ni Mang Ben, nasa kwarto siya habang si Nay Gia ay nasa kusina at nagluluto. Biglang may kumatok, binuksan ni Nay Gia ang pinto ng mapagsino kung sino ito. "O kaaga mo yata Marcial, wala namang pasok sa imprenta bakit ka ba humahangos?" tanong ni Nay Gia. Humihingal pa ang lalaki nang may ibalita ito."May nangyari po kasi, nasusunog po raw ngayon ang imprentahan! Nandito po ako para ibalita kay Pareng Ben. Sa ngayon kasalukuyan pa rin pong lumalakas ang apoy. Marami na pong bumbero roon." Pagkukuwento ni Marcial. "Ano nangyari? Saan daw nagsimula ang sunog?" tanong ni Gia kay Marcial Si Marcial ang kumpare at kasa-kasama ni Ben sa simula pa lang nang mamasukan ito sa imprentahan. Malapit lang ang tinitirhang bahay nito sa kanila. "Hindi ko pa po alam? May tumawag lang po sa akin at nagbalitang kasamahan sa imprenta." "Ano kamo, Marcial?" Papalabas ng kuwarto si tatay Ben ng marinig niya ang pag-uusap ng dalawa. Dali-dali nitong kinuha ang kan'yang t-shirt at pantalon sinabi niya kay Nay Gia na aalis muna sila ni Marcial. "Mag-iingat kayo, Marcial 'wag mo pababayaan ang asawa ko." Paalala ni Gia sa kumpare nilang si Marcial. Pinuntahan nila ang imprentahan pero tupok na tupok na ito. Malungkot at 'di makapaniwala si tatay Ben na ang malaking gusali noon ng imprenta ay biglang naglaho. Naluha siya dahil bata pa ang mga anak dito na siya nagtatrabaho. Mabait sa kan'ya ang may-ari nito na intsik din, kalahati ng tuition ng mga anak ito ang sumasagot. Hindi niya alam kung anong pagbabago ang magaganap sa buhay nila dahil sa pagkakasunog nito. Umuwi si Ben na nanglulumo at maluha-luha dahil nakausap niya ang may-ari ng imprentahan at sinabi nito na uuwi muna sila ng probinsiya para makakalap ng financial na tulong sa mga kamag-anak nang maipatayo nilang muli ang natupok na imprentahan. Nang malapit na si Ben sa kanilang bahay ay napansin niyang nagkakagulo rito. Tumakbo siya kaagad sa bahay at nakita niya si Nay Gia na umiiyak. "Bakit ka umiiyak?" "Nakatanggap ako ng notice na pinapaalis na tayo at binibigyan na lang tayo nang tatlong buwang palugit ng bagong nagmamay-ari ng lupa, nabili nito ang lupa sa gobyerno nang malaking halaga." "Ano na mangyayari sa atin ngayon Ben?" "Huwag kang mag-alala asawa ko, may awa din ang diyos!" "Ano bang kamalasan ang nangyayari sa atin? Una nasunog ang imprentahan, ngayon naman itong bahay. Ano naman kaya ang susunod?" sabi ng mangiyak-ngiyak na si Ben. Halos sabay na dumating sila Luisa at Loyd, galing sila sa paaralan. Pagpasok, napansin kaagad nila ang malungkot na aura ng mga magulang. "Inay at tay bakit po maraming tao sa labasan, ano po ang mayro'n?" tanong ni Luisa sa magulang na may pagtataka. "May mga taong kasing nagbibigay ng pulyetos kung saan nakasaad na binibigyan nila tayo nang tatlong buwang palugit para manatili rito," "Nagkakagulo sila dahil gusto nilang puntahan 'yong bagong nagmamay-ari ng lupang kinatitirikan ng mga bahay natin. Kakausapin daw nila kapitan baka bigyan pa tayo ng ilang buwan para makahanap ng matitirhan," paliwanag ni nanay sa amin. "Kala ko ba NHA ang may hawak nito nay?" ani Luisa "Iyon din ang pagkakaalam namin anak kaya nagulat kami ng tatay mo ng nakatanggap kami ng ganitong notice," "Halos lahat ng kapitbahay natin 'yon din ang pagkakaalam." dugtong pa ni nanay. Napatingin kaming magkapatid kay tatay kasi para kasing tahimik siya samantalang kahit kailan di namin siya nakitaang nalungkot, kahit hirap nakatawa pa rin ang ama. Lagi siyang masaya pero ngayon wala kaming nababaanagan na kahit anong emosyon sa mukha nito. "Lahat tayo gusto siyempre kung saan kami lumaki, komportable rin kami sa mga tao rito dahil matagal na tayong magkakakilala, kaya lang 'di na po tayo matatahimik pa dahil lagi na lang tayo matatakot sa nagbabantang paggiba ng mga bahay natin!" nalulungkot man si Luisa pero ito ang katotohanan na kailangang tanggapin ng mga magulang. "Inay, ano po ba ang plano ninyo ni tatay, puwede po ba naming malaman?" ani Luisa. "Hindi ko pa rin alam mga anak pero ang sabi nila bibigyan daw bawat pamilya ng thirty thousand para makahanap ng ibang malilipatang bahay." Lumapit ako kay tatay "Huwag na kayo malungkot, tutal magtatapos na po ako, maghahanap po kaagad ako ng trabaho. Tungkol naman sa bahay, alam ko maraming alaala na 'di ninyo malilimutan dito pero 'wag na nating hintaying masaktan pa tayo. Wala tayong laban sa mga mayayamang 'yan." "Anak ang inaalala lang namin ng nanay ay kayo, ayaw ko kayong mahirapan lalo na at busy kayo kasi magtatapos na ang klase." ani Tatay Ben. "Huwag kayong mag-aalala sa amin kasi matataas naman ang grado naming magkapatid, kahit umabsent kami ng ilang araw para matulungan namin kayo sa paghahanap ng marerentahang bahay." ani Luisa "Huwag na anak kami na lang ng nanay mo para na rin kaming pumasyal. Matagal na rin kasi kaming hindi nakakapag date." "Di na namin napigilan na magkatuwaan dahil ngayon nakangiti na pareho ang aming mga magulang. Sa umpisa siguro mahirap pero kakayanin namin basta sama-sama kami sa hirap o ginhawa. Niyakap naming magkapatid sila nanay at tatay. Maagang pumasok si Luisa para tapusin ang ginagawang thesis. Nasa gate na siya ng eskuwelahan nang namataan niya si David. 'Di niya alam kung paano iiwasan ang binata, ilang beses na nagteteks ito sa kan'ya at kung minsan ay tumatawag pero 'di niya sinasagot. "Magulo na ang mundo ko ngayon sumasabay pa ang lalaking ito," nasa isip ni Luisa. "Luisa, Luisa sandali may sasabihin lang ako," ani David. Huminto sa paglalakad si Luisa at tumingin kay David. "Ikaw pala, may sasabihin ka?" kun'wari 'di niya ito napansin sabay alis ng headphone sa tainga niya. "Bakit di mo sinasagot mga teks at tawag ko, galit ka ba sa akin? kung may nagawa akong masama sa iyo, humihingi ako ng tawad." "Sa totoo lang David 'di ako galit sa iyo kaya lang parang ang bilis kasi ng mga pangyayari. Bago pa lumala ang sitwasyon ay 'wag na tayong magkita." "Bakit Luisa, anong bago lumalang sinasabi mo?" tanong ni David. 'Di umimik si Luisa iniisip niya kung sasabihin kay David ang tungkol sa tatay niya. Siya rin kasi ang masasaktan 'pag nagkataon kaya ngayon palang siguro kailangang sabihin na niya sa binata. "Hindi mo ako gaano kilala David, ako si Luisa Tan anak ako ni Ben at Gia Tan!" walang kagatil-gatil na pinagtapat ni Luisa sa binata. Nagkun'waring nagulat si David pero sandali lang at sinabi niya sa dalaga nang malinaw. "Luisa matagal na 'yon at saka wala tayong pakialam sa kanila, buhay nila 'yon hindi sa atin. Bakit tayo papaapekto ro'n sa mga pangyayaring 'di naman tayo sangkot." "Hindi ka ba nagagalit sa akin o namumuhi, dahil anak ako ng taong kinamumuhian ng iyong ina?" sabi ni Luisa kay David na may alinlangan. "kung galit ako, wala na sana ako sa harapan mo." "Baka sabi mo lang yan kasi nandito tayo sa labas. Ayaw mo lang makita ka ng tao na inaaway ang isang babae," pairap na sabi ni Luisa sa binata. "Hindi ako ganiyan Luisa. Oo iniingatan ko ang pangalan ko pero di naman sapat yon para magalit ako at awayin ka. Wala ka namang ginagawa sa aking masama pera na lang kung hahawakan mo ang aking.. alam mo na, sa harap ng maraming tao." "David ano bang pinagsasabi mo, maghunos dili ka naman. Kadalagang tao ko paano mo nasabi sa aking gagawin ko 'yon? Sa harap pa kamo ng maraming tao!" galit na sagot ni Luisa sa binata. "Huwag ka ng magalit binibiro lang kita basta bati na tayo, ha! Huwag mo na akong pagtataguan at iiwasan, malinaw ba babes!" napapangiti na ang binata. "Oo na nga, ang kulit mo.." "I like you kasi!" ani David. Napatulala si Luisa, nakabuka ang mga bibig at parang kumapal bigla ang kan'yang mukha sa sinabi ni David. Kinilabutan siya na parang mahuhulog yata ang panty sa narinig. Gustong-gusto niya ito at may naramdaman siyang kakaiba kaya bigla niyang pinatong ang kaliwang binti sa kanang binti. Naramdaman na lamang niya na hinahalikan siya ni David at dahil nakabuka ang kan'yang bibig pinasok nito ang dila at pinaglaruan ang loob nito. "Inay ayaw ko na nito, mamatay ako sa sarap!" nasa isip ni Luisa. Saglit lang at nahimasmasan naman si Luisa ng may narinig siyang nagpalakpakan, nasa kalsada nga pala sila. Maraming tao ang nanonood sa kanila kaya tinulak niyang palayo ang binata pero inakay siya ni David sa sasakyan nito. Hiyang-hiya siya nang narinig niya ang tawa ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD