Pamilya muna

1204 Words
"Ang cute mo pala pag nagblush ka," sabi ni David. "Anong cute, ano ako laruan!" "Sorry!' "Puwede ba mag-isip ka naman, bakit mo ba ako hinalikan?" "Sorry na, hindi ko kasi napigilan ang sarili ko," sabi pa niya sa dalaga. "Buti at hindi kita nasampal sa biglaang ginawa mo kung hindi napahiya ka sana," saad nito kay David. "Salamat sa concern mo sa akin." "Ako concern sa iyo? iniisip ko rin ang sarili ko dahil alam ko marami ang babaeng magagalit sa akin!" "Sinong mga babae? Wala akong ibang babae kun'di ikaw lang!" "May klase nga pala ako, saka na lang tayo uli mag-usap aalis na ako." "Anong oras ba ang klase mo?" "Mamaya pa naman pero mabuti na yung maaga baka kasi naghihintay na si Helga sa akin." "Ihahatid kita mamaya. Anong oras uwi mo?" "Huwag na may kasama ako mamaya mga kaklase ko. Sige bye at ingat ka sa pag-uwi!" "Bye, sana makatapos na kayo sa thesis ninyo ng makapag date na tayo." "HaHaHa, in your dreams!" at bumaba na ako ng sasakyan niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sarili ko kasi parang ang bilis ko namang magtiwala sa kan'ya. Tiyak magalit sa akin si Helga pag nalamang nakipaghalikan ako sa kalye. Pumasok na ako sa aming silid-aralan at nakita ko si Helga na nagsusulat. "Ano ba yang sinusulat mo, may assignment ba tayo?" "Wala, ito yung pinagagawa sa ating simpleng coding na natutunan natin kahapon." "Ah oo nga nakalimutan ko buti pala maaga ako ngayon at hindi nakipagdate lang," sabay tutop sa bibig kasi nadulas siya. "Anong date? Aha, nahuli ang isda sa sariling bibig!" "ka-kaninong bibig?" "Kanino? huling-huli ka na. Buking na buking!' anas ng kaibigan kong si Helga "Huwag ka ngang maingay diyan," sabay irap ni Luisa. "Bes, kuwento ka nga," saad ni Helga. "Ano ikukuwento ko sa iyo?" "Ano pa nga ba eh 'di yung napag-usapan nating iiwasan mo na si David, nagawa mo ba?" tanong nito kay Luisa. "Ganoon nga ginawa ko kaso mo, nang hindi ako sumasagot sa tawag niya o sa teks niya hayun pinuntahan ako at hinintay sa may gate ng paaralan. Sinabi niyang wala raw siyang pakialam sa nakaraan ni tatay at sa nanay niya!" mahabang paliwanag ko kay Helga. "So kayo na?" "Hindi ko alam, pero parang ganoon na nga siguro!" "Naku, bruha ka baka kung saan na kayo makarating niyan!" ani Helga. "Ikaw talaga, marami tayong ginagawa ngayon kaya hindi ko iniisip yan. Three weeks na lang graduate na tayo, saka ko na lang pag-iisipan ang mga bagay na 'yon!" natahimik ako kasi hindi ko rin alam kung paano sasabihin kay tatay at nanay. "Bes, pag-isipan mong mabuti papasukin mo. Mahirap yan baka magkaproblema ka." ani Helga. "Huwag ka sabing mag-alala. Saka na natin problemahin pag makagraduate na tayo." Muli kong sabi kay Helga. Next week final exam na namin mahirap ipasok sa isipan ko si David at baka maging kulelat ako sa exam. Pumunta kami sa bahay ng kaklase namin para gawin 'yong natitirang parte ng thesis namin at bukas na kasi ipapasa ito. Kasama ko pa rin si Helga, nang biglang tumunog ang cell ko "kumusta na? Nandiyan na ba kayo sa bahay ng kaklase ninyo?" tanong ni David sa akin. "Oo nandito na kami sa bahay nila at nagmimiryenda. Sabi kasi ng nanay niya bago raw kami gumawa ng thesis namin, kailangang busog kami." "Sige hindi na kita aabalahin at baka hindi ka makakaing mabuti." tinapos na niya ang usapan nila ng dalaga. Medyo natagalan bago sila nakatapos. Nagpaxeroxpa muna para may kopya ang bawat isa. Kailangan alam nila ang kanilang ginawa dahil kahit sino sa grupo ay puwedeng tanungin pag prinesenta na nila ang kanilang thesis. Gabi na ng naka-uwi si Luisa. tinignan nito ang relo at alas diyes na pala ng gabi. Bukas pa ang ilaw sa sala, siguro nanonood pa ng telebisyon ang nanay niya. Pagpasok ng dalaga ay nakita ang nanay niya na parang may sinusulat. "Mano po nay, bakit gising pa ho kayo?" "Kinukuwenta ko lang natitira sa ipon namin ni tatay mo," sabi ni nanay habang nakayuko. "Naghanap po ba kayo ni tatay ngayon ng bahay na mauupahan?" "Oo pero walang pasok sa budget natin baka bukas sa kabilang barangay naman kami titingin." "Hindi na tuloy nakakapasok sa trabaho si tatay. Sinasabi na nga naming tutulong kami ayaw naman ninyo." "Busy kayo pareho, ikaw graduation na ninyo sa katapusan. Ang kapatid mo next week naman kaya ayaw ko kayong abalahin." "Oo nga pala nay, buti hindi hinahanap si tatay ng may-ari ng imprenta?" "Hindi ko pa ba nasabi sa iyo anak na nasunog ang imprenta!" malungkot na sabi ni nanay. Nabigla ako hindi ko alam ang nangyari sa pamilya ko. Puro kalandian ang nasa isip ko. "Pa-paano raw ho nasunog?" "Faulty wiring daw sabi ni Ben ayon sa nakalap nila," paliwanag ng nanay niya. "Mayroon pa po ba kayong naitatago para panggastos natin sa araw-araw?" tanong ko. "Huwag kang mag-alala anak, nagbigay ang boss niya ng konting panggastos sa mga trabahador nilang nawalan ng trabaho dahil sa sunog. Naka-insured naman pala kasi ang imprenta!" "Hayaan ninyo inay pagkagraduate ko apply kaagad ako sa call center para may panggastos tayo sa araw-araw." "Kumain ka na ba anak? may ulam pang natitira pag-ahin kita kung gusto mo," "Huwag na ho inay ako na lang po. Tapusin na ninyo ang ginagawa ninyo nang makapagpahinga na kayo." Saka hinalikan ko si nanay sa noo.Tumungo ako ng kusina at kumain habang nag-iisip. Bakit ko nga ba inuuna ang love samantalang malapit na pala kaming mawalan ng kakainin sa araw-araw. Kailangan kong maghanap ng trabaho kaagad nang sa gan'on hindi kami mauwi sa kangkungan. Lilipat pa nga pala kami ng bahay tapos wala pang binibigay 'yong may-ari ng lupa kagaya ng pangako nilang magbibigay ng thirty thousand bawat pamilya. Sumasakit tuloy ulo ko kaiisip, paano na lang kaya si tatay mas pa siguro ang nararamdaman niya dahil sa kamalasang dumadating sa amin. Kinabukasan nagising ako na masakit ang ulo kaya hindi kaagad ako nakatayo. Kumatok si nanay at sinabi sa aking bumangon na para sabay-sabay kaming makakain ng agahan. Naligo ako at nagbihis saka bumaba papuntang kusina. "Mga anak gandang umaga!" bati ni tatay sa amin ni Loyd. "Gandang umaga po tatay, nanay!" sabay pa kaming bumati ni Loyd. "Sabado ngayon mga anak puwede tayong mamasyal kung gusto ninyo, matagal na rin tayong hindi nakakapasyal." sabi ni tatay. "Saan ba ninyo gusto pumasyal mga anak? tanong naman ni nanay sa amin. "Ah alam ko na, diyan na lang tayo sa Luneta para mas malapit tapos dala na lang tayo pagkain at tubig para walang gastos." "Ate okey yang naisip mo, masaya nga iyon maglatag tayo ng diyaryo sa damuhan," Sa isip ko, ito ang panahon na kakailanganin nila tatay at nanay ng lakas na mula sa aming magkapatid. Hindi biro ang pagdadaanan naming pagsubok at nakahanda akong umalalay sa aming mahal na mga magulang. Tinignan ko sila nanay at tatay, para bang walang unos na darating sa amin. Siguro nga tama sila 'di muna namin dapat problemahin 'yon. Ang tao daw habang iniisip ang problema lalong 'di makapag-isip nang tama. "O siya kumain na lang muna tayo saka natin pagdiskusyunan kung saan tayo pupunta."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD