Maligayang Pamamasyal

1360 Words
"Ate okey 'yang naisip mo, masaya nga iyon maglatag tayo ng diyaryo sa damuhan." "O siya kumain na lang muna tayo saka natin pag-usapan kung saan tayo pupunta." sabi ni nanay. "Eh kung sa baywalk kaya tayo, sa may Roxas Blvd," sabi ni Loyd. "Bahala na bukas mga anak basta may pagkain tayo puwede kahit sa Luneta o sa baywalk." Maaga kami gumising para makapaghanda ng dadalhin sa aming pamamasyal. Si tatay nagpunta kila Mang Marcial, kagabi pa siya nagsabi na hihiramin ang jeep owner niya at pumayag ito. Una kaming pumunta sa Luneta pero dahil sabado maraming tao kaya pinasya ni tatay na sa CCP na lang muna kami tapos sa hapon sa baywalk. Marami ring tao doon pero hindi kagaya sa Luneta. Nagbibiseketa si tatay at si Loyd habang kausap ko si nanay. "Inay puwede na po ba ako mag boyfriend?" "Bakit anak may nagustuhan ka na ba?" "Wala pa naman nay, kaya lang baka biglang dumating ang mr. right ko," "Basta anak tandaan mo sinabi ko sa iyo, kailangang ipakilala mo muna sa amin ng tatay mo ang lalaking magkakagusto sa 'yo," nakangiting sabi ni nanay. "Paano kung hindi ko maipakilala siya sa inyo?" "Gusto mo bang itago siya sa amin o ang relasyon ninyo ang gusto mong itago?" "Hindi ko pa po puwedeng ipakilala siya sa ngayon 'pag sigurado na kaming dalawa sa aming nararamdaman, doon ko siya ihaharap sa inyo?" "Anak sa panahon ngayon marami ang nagpapanggap na maamong tupa sa harap ng kanilang bibiktimahin." "Kung talagang mahal ka niya at maganda intensyon sa iyo, wala siyang dapat ikatakot sa amin!" segunda pang wika ni nanay. "Hindi ka na bata, gamitin mo ang isip bago ang puso at kung sa tingin mo ay karapat dapat siyang mahalin ay hindi kami tututol ng tatay mo." "Basta ingatan mo ang iyong sarili at mag-isip ka ng makasampung beses bago mo ibigay ang iyong oo!" maingat na payo pa ni nanay. "Masarap po ba ang may nag mamahal?" "Oo anak kung ang lalaking mahal mo ay mahal ka rin at may respeto sa 'yo bilang babae!" saad ni nanay. Matapos na magbisikleta sila tatay ay naglakad-lakad kami nang kaunti. Matapos ang ilang ikot napag-isipan naming pumunta na lang ng baywalk at doon na kami kakain ng pananghalian. Nasa harap ng sasakyan si nanay at tatay samantalang nasa likod naman kami ni Loyd ng sasakyan. Masaya sila nanay at tatay, bihira lang mangyari itong namamasyal kami ng sabado. Parang may nararamdaman akong hindi tama. Kailangan kong malaman kay tatay o kay nanay. Nang nasa baywalk na kami, naghain na si nanay at tahimik kaming kumain. Maya-maya narinig ko si tatay na nagsabi sa amin na "Mga anak sulitin na ninyo ang pamamasyal at baka hindi na natin magagawa ito sa susunod." "Bakit naman po tay?" "Baka lumipat tayo mga anak sa malayo," malungkot na sabi ni tatay. "Saan po ba ninyo balak tayo lumipat?" "Kung hindi sa malayong probinsiya, baka sa Laguna." Niyakap ko si tatay at sinabihang "Huwag na kayong malungkot itay, ilang linggo na lang graduate na ako. Nakapagpasa na rin ako ng mga resume ko sa ilang kumpanya, kaya tiyak hindi aabot ng isang buwan may trabaho na ako at matutulungan ko na rin kayo." "Hay ang suwerte ko naman sa mga anak ko ang babait!" "Kasi the best din kayo pareho ni nanay!" sabay halik ni Luisa sa nanay at tatay niya. "At ikaw bunso, may girlfriend ka na ba?" tanong ni tatay. "Si tatay naman!" nahihiyang napakamot ng ulo si Loyd. "Si tatay nga naman pinapahiya si bunso." At natawa si nanay sa itsura ng mukha ni Loyd Pagkatapos naming kumain ay niyaya kami ni tatay sa Mall of Asia. Dalawang beses na akong naisama ni Helga dito. Nuong una ayaw ko dahil wala akong pera pero sabi ni Helga "Ako nagyaya kaya dapat ako rin ang gumastos!" kaya hindi ko na siya kinontra, aayaw pa ba ako no'n, libre yata! Malaki masiyado para sa amin ang Mall of Asia kaya napagod kami kaagad. Nagyaya na si nanay at hindi na raw niya kayang maglibot. Umuwi na kami ng bahay para makapagpahinga na, nang maalaala kong buong araw nga palang nakasarado ang phone ko tiyak galit na naman si David nito. Binuksan ko ito at nabigla ako kasi napakaraming miss call at teks na pinadala ni David. Gusto ko sanang tumawag sa kan'ya pero wala na akong load, nakalimutan ko nga palang maglagay. Gabi na rin kaya iniisip ko na baka tulog na iyon kaya bukas ko na lang siya tatawagan. Nakahiga na ako ng biglang nagring ang aking phone kaya dali-daling sinagot ito nang 'di pa nakikita kung sino tumatawag. "Hello!"sagot ni Luisa. "Anong nangyari sa iyo at ngayon ka lang sumagot?" parang galit na tanong ni David sa akin. "Ah, kasi may pinuntahan kami ng pamilya ko at nalow bat ako kaya hindi ko na nakita mga teks mo." pagsisinungaling ni Luisa sa binata. "Saan kayo nagpunta?" "Pinasyal kami nila tatay at nanay, bakit ka ba nagagalit?" "Eh kasi buong araw kitang tinatawagan, tineteks pero hindi ka naman sumasagot." "Kaya ngayon pinagtataasan mo ko ng boses, gan'on ba?" "Hindi porket nahalikan mo na ako ay puwede mo na akong gan'yan ganyanin!" saka ko binagsak ang phone sa unan sa inis ng hindi man lang nagpaalam sa kan'ya. Narinig kong nagring uli ang aking phone pero hindi ko na sinagot. Humiga na ako at nakatulog kaagad dahil siguro sa pagod. Nagising ako sa ingay nang aking phone, pagtingin ko, si David na naman ang tumatawag. Sinagot ko ang tawag niya "Oh bakit na naman kaagaaga nanggigising ka, wala naman akong pasok?" "Galit ka pa?" "Ano ang tingin mo, natutuwa?pagkatapos mo akong pagtaasan ng boses kagabi!" nakasimangot kong sagot sa kan'ya. "Sorry na nabigla lang ako." "Wala na kong sasabihin sa iyo saka na lang tayo mag-usap at gutom na ako!" saka ko binaba ang phone. Naligo ako at nagbihis bago bumaba. Nakita ko si nanay na naghahain kaya tumulong na ako. "Magandang umaga inay!" masigla kong bati sa kan'ya. "Nasaan si tatay at si Loyd?" "Bumaba saglit ang tatay mo para bumili ng pandesal, sumabay na lang si Loyd kasi may puputahan daw." Mayamaya dumating na si tatay dala ang biniling pandesal at isang bote ng peanut butter. "Anak wala ka bang gagawin ngayong araw?" "Wala po naman, may ipapagawa po ba kayo sa akin?" "Gusto ko sanang sumama ka pupunta tayo sa lolo mo," ani tatay "Para saan po at pupunta na naman tayo doon.Itay, tama na po ilang ulit na tayong pinagsabihan ni lolo na huwag nang magpapakita sa kaniya." "Gusto ko lang kasi malaman niya na gagraduate ka na baka puwede ka niyang maisingit sa kumpanya," pagmamalaki ni tatay. "Huwag na itay kaya kong sarili ko at hindi ko kailangan ang backer o kung ano man para makapasok ng trabaho!" "Pasensiya na kayo, itay pero ayaw ko na minamaliit kayo o pinagsasalitaan ng masasakit," nasasaktan kong sinabi sa kan'ya. Lumapit sa akin si tatay at sinabi niyang naiintindihan niya ako, pagkatapos ngumiti sa akin. "Suplada ka rin, manang-mana ka sa mama mo!" at natatawa ako kasi hindi ko nakitaan na nagsuplada si nanay kahit kanino. "Itay puwede ninyo bang ikuwento ang love story ninyo ni nanay sa akin?" parang bata akong nakatingin kay tatay para basahan ng isang bedtime story. "Nakilala ko ang nanay mo noong nag-aaral pa ako, isa siyang kahera kung saan ako palaging umorder ng kape. Isang araw naisipan kong magkape, pero nang dumudukot na ko ng pera, doon ko nalamang nawawala 'yong wallet ko," "Ano nangyari pagkatapos ninyong sabihing wala kayong pera?" nanlalaki ang mata ko na naghihintay ng kasagutan. "Ano pa nga ba, kung hindi nagalit ang nanay ninyo at bigla akong kinuwelyuhan at sinuntok sa mukha!" "Ha Ha Ha Ha, ang galing ni nanay!" natutuwa kong sabi. Ngayon lang nagkuwento si tatay tungkol sa una nilang pagkikita ni nanay kaya aliw na aliw ako. Buti na lang walang pasok kaya hindi ako natitinag kahit mahabang oras pa kami magkuwentuhan. Matamang tinitignan ko si nanay, para bang may humahapos sa aking puso na hindi ko mawari, siguro dahil sa kuwento ni tatay kaya naaapektuhan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD