Respeto sa Isat-isa

1236 Words
Hindi ko alam kung tamang itanong ko ang nakaraan ni tatay at Mam Bella pero gusto ko maintindihang mabuti kung ano ang tunay na pangyayari. Kaya tinanong ko muna si tatay kung puwede ko malaman ang tungkol kay Bella Lee. "Anong gusto mong malaman anak?" ani tatay. "Si Mam Bella po ba niligawan ninyo?" tanong ko kay tatay. "Hindi ko siya niligawan." Walang kagatol-gatol na sagot ni tatay. "Talaga po bang nagtanan kayo ni nanay nang araw ng inyong kasal kay Mam Bella?" "Oo dahil hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan si Bella 'pag kami ay nakasal na." "Kung ganoon po na hindi ninyo siya mahal bakit po kayo pumayag magpakasal sa kan'ya?" matamang tiningnan ko si tatay. "Noong una natakot kasi ako dahil sinabi ng lolo mo na wala akong mamanahin kaya pumayag ako na magpakasal kay Bella. Huli na ng aking mapagtanto na ako ay nagkamali dahil naroon na silang lahat sa simbahan," "Ano ginawa ninyo, tay?" "Nag-iwan ako ng sulat para kay Bella at sa lolo mo. Sinasaad doon sa sulat na patawarin nila ako, na mahal ko talaga ang nanay mo at siya lang ang gusto kong makaisang-dibdib ngayon, bukas at magpakailanman!" Kinikilig ako na napapaiyak sino ba ang hindi, kung maririnig mo ang lalaking mahal mo ang magsabi niyon. "Maganda po ba si Mam Bella?" "Oo maganda siya pero mas maganda si nanay mo!" sabay kindat ni tatay kay inay. "Tama na iyang pagtatanong mo sa tatay mo, nakalipas na hindi mo na dapat pang ungkatin." "Bakit inay, nagseselos pa ba kayo?" sabay kurot ang inabot ko kay nanay. Hay, ang sarap siguro nang feeling ni nanay dahil pinaglaban siya ng lalaking mahal niya. Tapos kahit pinapili ba na parang pera o bayong si tatay, ang pinili niya ay ang bayong pa rin. Kahit alam niyang walang laman iyon kun'di isang rosaryo pero naglulundag pa rin ito sa tuwa.(kayo na po bahalang mag-analisa ng kahulugan). "Teka, wala ka bang pasok?" "Oo nga pala daldal ako ng daldal, finals pala namin ngayon pero hapon pa ho ang schedule namin." "O sige na mag-ayos ka na nang hindi ka nangangarag mamaya!" sabi ni nanay sa akin. Nagpahinga na muna ako dahil ayaw ko yong last minute na nagrereview. Pagkatapos ng dalawang oras naligo na ako at nagready ng pumasok. Bago ako umalis pareho pang nagsabi si nanay at tatay nang "Ingat at goodluck!" sa akin. Pagdating ko sa school nakita ko kaagad si Helga. "Frendy, ready ka na ba?" bungad kong sabi kay Helga. "Wow bago iyon ah, frendy," "Siyempre, gagraduate na tayo kaya socialin na!" "Halika na nga sa kuwarto natin at baka ka-sosocial mo diyan maging kulelat tayo," yaya ni Helga sa akin. Ilang oras ang lumipas, napapangiti ako dahil sobrang dali ng exam para talagang gagraduate na kami lahat at for formality sake na lang ang exam. Pagkaraan ng apat na oras at apat na exam natapos din at halos lahat nag-uunahang makalabas. Pinauna muna namin ni Helga ang mga kalalakihan saka kami bumaba papuntang canteen. Nag-snack kaming dalawa ni Helga at kinukuwento ko ang aming pamamasyal sa may CCP, Baywalk at Mall of Asia. "Frendy bakit hindi mo ako isinama?" nakasimangot niyang tanong sa akin. "Biglaan kasi kaya hindi na kita natawagan pa."Paliwanag ko sa kan'ya. "Talaga? Sa susunod yayain mo na ako ha!" parang bata niyang ungot sa akin. "Kung gusto mo tayong dalawa o kaya isama natin si Steff at Mary, pagkatapos ng exam bukas." "Ay sige gusto ko 'yan, magpapaalam ako kay mang at papa," paniniyak ni Helga. "Ako rin magpapaalam din ako kay nanay at tatay." "Hanapin natin si Steff at Mary baka nandito pa at hindi pa nakakauwi." Sabi ni Helga. Papalabas kami ng canteen ng aming makasalubong itong si Erwin isa rin sa mga klasmeyt namin ni Helga. Nanliligaw ito kay Helga tapos ang kaibigan naman nito na si Hector ay sa akin naman pomoporma. "Erwin, nakita mo ba si Steff at Mary?" ani Helga. "Hindi bakit?" tanong niya. "May sasabihin lamang sana ako." "Sige tutulungan kita, hahanapin ko sila." Sambit ni Erwin sabay talikod. Naghintay kami ni Helga sa kan'ya. Mga trenta minutos ang nakalipas hindi pa siya bumabalik. Uuwi na sana kami ng heto at tumatakbong papunta sa amin si Hector at Erwin kasama si Steff at Mary. Hingal kabayo ang dalawang lalaki naawa tuloy ako. Lumapit si Steff sa amin. "Pinapunta mo raw kami ni Mary dito, may pag-uusapan daw tayo." Ani Steff. "Oo kasi gusto namin kayo yayaing dalawa bukas pagkatapos ng exam para mamasyal." Aniko sa dalawa. "Ganoon ba, sino-sino tayo?" "Tayo lang apat!" sagot ko. "Ano kayo lang apat? Paano naman kami?" singit ni Erwin. Napatingin ako kay Helga. Maya-maya hinatak niya ako, "Kawawa naman 'yong dalawa isama na natin," sabi ni Helga. "Ikaw ang bahala!" Sinabi namin kay Steff at Mary na magpaalam sa mga magulang nila para alam kung saan kami pupunta. Pati sila Erwin at Hector ay nangiti, tuwang-tuwa nang pumayag kaming isama sila. Sinabi naming magkokomyut lamang kami pero 'pag pumayag ang magulang ni Helga baka ihatid kami ng ama nito. Medyo natahimik si Erwin ng sinabi ko ito. "Natakot ka yata Erwin?" "Bakit naman ako matatakot? Wala naman akong ginagawang masama sa kan'ya." Sagot ni Erwin sa akin. Hindi na ako sumagot at hahaba lang ang usapan. "O sige na at good luck sa ating lahat! Magkita na lang tayo pagkatapos ng exam!" Pagkatapos ay naghiwalay na kami ni Helga para umuwi. Gusto sana kaming ihatid nila Erwin at Hector pero sinabi ni Helga na may sundo siya kaya hanggang gate na lang nila kami sinabayan. Umuna sila Erwin at Hector at may dadaanan daw sila. Napangiti si Helga at ako dahil akala namin ay sasamahan pa kami nilang maghintay mabuti at umalis na rin sila kaagad. Maya-maya pumara sa tapat namin ang sasakyan ng ama ni Helga. "Babay frendy, ingat ka!" kumakaway na sabi ni Helga. "Kayo rin, ingat!" Tinitingnan ko habang papalayo ang sasakyan nila Helga nang may pumara ding sasakyan sa harap ko. Si David pala, sakay ng isang magarang kotse. Type ko ang kulay nito pula, my favorite color. Sa likod may nakatatak Rolls-Royce, hindi ko alam kung mahal ito dahil hindi naman ako maalam sa mga kotse. Bumaba si David, talagang iba ang dating nito nakangiti siya sa akin habang papalapit. As usual malinis, guwapo at ang suot niya ay isang business suit na kulay blue siguradong galing ito sa opisina pero hindi mo makikita sa kan'yang mukha ang pagkapagod dahil para siyang baby sa bango. "Hello Luisa, uuwi ka na ba? Hatid na kita!" "Huwag na kaya ko naman," pag-iwas nito. "Galit ka pa rin sa akin?" "Hindi ko alam, siguro dahil hindi ko inaasahang gagawin mo iyon." Sagot ko sa kaniya. "Akala ko nagustuhan mo rin iyon!" ani David. "Akala mo lang iyon." "Sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin para mapatawad mo ako?" "Hindi ko rin alam, mabuti 'pang huwag na muna tayong magkita nang sa ganoon ay makalimutan ko ang nakakahiyang pangyayari na iyon!" paliwanag ko sa kan'ya. "Pero paano tayo?" ani David. "Walang tayo, David! Sa simula pa lang mali na," Malungkot siyang nakatingin sa akin at parang may kumukurot sa aking puso habang pinagmamasdan ang lalaki na siyang nagpapalambot ng aking tuhod. Gusto ko ang ginawa niya pero kailangang maawat ko ang pusong ito dahil tama si nanay dapat may respeto ang nagmamahalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD