David's POV

1233 Words
Umuwi na si David na balisa, hindi niya alam kung paano pakakalmahin si Luisa. "Paano ko maisasakatuparan ang mga plano ko kung papalpak ako sa kaniya." "Ano kaya ang aking gagawin?" sa isip ni David. Pumunta ako sa bar ng mansion at kumuha ng maiinom na alak. Biglang dumating ang mga kaibigan ko at pinapasok sila ng kasambahay nang 'di man lang ito nagtanong kung gusto ko silang makita. Papagalitan ko sana ang aking kasambahay pero nasa harap ko na ang tatlo. "Woh, mabuti at pumunta kami dito. Makakalibre na mababasa pa ang nanunuyo kong lalamunan," saad ni Richie. Ginulo naman ni Gary ang buhok ni Richie na aalon-alon. "Hey bro, bakit naman nagsosolo ka? hindi mo man lang kami tinawagan." Ani Gary habang umuupo sa sofa. "May iniisip ako, pang-gulo lang kayo sa mga plano ko!" "Anong gingawa ninyo dito?" "Wala naman dinadalaw ka lang at nakikibalita," wika ni Levy habang siya ay naghahanap din nang mapupuwestuhan. "Totohanan na ba iyang paghihiganti mo?" tanong na dadag ni Levy. "Kawawa naman ang pamilya ni Luisa, 'di bale sana kung mayaman sila kagaya natin pero pare, walang-wala sila!" paglalahad ni Gary. "Puwede ba labas na kayo sa plano ko at huwag ninyo akong pakikialaman!" "Pare, ayaw lang namin na magkamali ka kasi mahal ka naming tatlo. Bata pa tayo alam na naming pabigla-bigla kang magdesisyon na kadalasan ay 'yong pinagsisisihan." Sagot na paliwanag ni Richie. "Maaatim mo bang may mamatay sa sama ng loob dahil sa mga gagawin mo," "Walang mamatay dahil ayaw kong matatakasan nila ang hapdi ng ganti ko!" "Bakit ka nga ba umiinom?" tanong muli ni Gary na may pagtataka. "Si Luisa kasi nagalit sa akin," "Ano naman kinagalit sa iyo?" "Nagsisimula ka pa lamang sa panunuyo nagkakaganiyan ka na!" sabat ni Levy. "Oo nga, kaso mo hindi ako nakapagpigil nahalikan ko noong isang araw sa kalye!" kuwento ni David sa mga kaibigan. "Ano sabi mo? Pare, kaunting kontrol naman!" natatawang sabi ni Richie. "Pare, hindi na yata kita kilala, hindi ka naman ganiyan dati sa mga babae, napaka ungentleman ang ginawa mo!" sabi ni Levy. "Sinusubukan ko kasi siya kung mayayaya ko na siyang maikama!" "Nagmamadali ka naman yata, Alalahanin mo hindi siya kagaya ng mga babaeng madali mong maikakama." Paglilinaw na sabi ni Gary. "kung kagaya siya ng iba de sana, hindi ka umiinom ditong mag-isa ngayon." Ani Levy. "Ngayon kailangan mo talaga yatang maghinay-hinay sa paglapit mo sa kan'ya kung hindi, babagsak ka sa panliligaw mo." Dagdag pa nito kay David. Alam ni David na nagkamali siya nang umakto sa dalaga ng ganoon akala kasi niya madaling landiin ito hindi niya akalaing mahihirapan siya dito. Kailangan niyang mag-isip kung paano niya pahuhupain ang galit ng dalaga. Ibinaling ko ang tingin sa aking mga kaibigan. Magtatanong sa kanila kung ano dapat gawin. Sanay na sanay itong tatlo kung paano paamuin ang mga babae. Hindi kasi ako katulad ng mga ito na mahaba ang pasensiya. "Tulungan naman ninyo ako mga doods kung ano ang gagawin ko nang maalis na ang galit ni Luisa sa akin?" ang pagsusumamo ni David sa tatlong kaibigan. "Ganito gawin mo, bumili ka ng bulaklak pagkatapos habang binibigay mo sa kaniya lumuhod ka at humingi ng tawad pero dalhin mo muna sa hindi mataong lugar at baka mapahiya na naman siya lalong magagalit iyon sa iyo!" lahad ni Levy. "Tama 'yon, pare, puwede ding yayain mo magdinner tapos ibigay mo 'yong bulaklak habang umiiyak at humingi ng tawad." Banggit naman ni Richie. "Puwede ding yayain mo sa parke tapos pakitaan mo ng fireworks na may nakasaad na sorry, i love you!" saad naman ni Gary. "Hayan pumili ka na lamang sa mga mungkahi namin na sa tingin mo maganda." "Salamat sa inyo, alam ko hindi ninyo gusto ginagawa ko pero pilit ninyo pa rin akong iniintindi." Sabi ni David. "Wala iyon doods, sino-sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayong mga bad boys!" nagtawanan ang magkakaibigan, saka lagay ng alak sa mga kopita nito at sila ay nagtagay. "Oo nga pala sana, magkabati na kayo, nakikita kong gaano nahihirapan ka." Ani Gary. "Natamaan ka na yata ni kupido, pare!" sambit naman ni Levy. "Tigil-tigilan nga ninyo ako sa mga kalokohan ninyo!" sagot ko sa kanila. Matagal nang umalis ang tatlo ng napaisip ako. Maganda ang lahat ng mungkahi ng mga ito kaya lahat gagawin ko, pero kailangang maayos ang pagplano ng sa ganoon hindi mabulilyaso. Una dapat makapagreserba sa isang tahimik pero magandang lugar. Iyong bukas at tanaw ang kalangitan. Pagdating pa lang niya bibigyan ko na kaagad ito ng bulaklak tapos ipaghihila ng silya para siya makaupo then kakain kami ng masarap na mga putahe na pinahanda ko na bago pa ang oras ng aming pinag-usapan. Pagkakain, yayayain ko siyang magsayaw ng slow para naman hindi sumakit ang tiyan niya. Tapos habang nagsasayaw kami biglang magpuputukan siyempre titingala siya para makita niya ang mga naggagandahang fireworks. Sa huli doon niya makikita ang "Sorry at I Love You!" "Sa palagay ko puwede na ito. 'Pag hindi pa siya kinilig nito, ewan ko na lang." Kinabukasan masaya ako nang dumating sa opisina. Matamang akin pinag-aaralan ang ibang mga kontrata ng may nakita ako sa monitor ng CCTV, nagkakagulo ang mga guardiya sa pagpapaalis ng mga taong nasa lobby. Tinawag ko ang sekretarya ko para itanong niya sa head ng security kung ano ang nangyayari sa ibaba. "Sir, sabi po ni Mang Ando mga taga Sitio San Roque raw po at gusto po raw kayong makausap." Si Mang Ando ang matandang head ng aming security. "Tawagan mo ang ating abogado at sabihin mong gusto ko siyang kausapin." Nagmamadaling umalis ang aking secretary na si Minerva. Pitong taon ko ng secretary si Minerva at talagang maasahan siya. Ang lola ko pa noon ang nakaupo rito nang magsimula siyang magtrabaho dito sa Alphaland Corp. nasa fourty five na siya pero mabilis pa rin siyang kumilos at talagang mapagkakatiwalaan. Hindi naman siya pangit medyo makaluma lang kung siya ay manamit siguro ay dahil sa dalaga na ang kaniyang nag-iisang anak at gusto nito na irespeto siya ng lahat. "Sir good morning po." Saad ng abogado ko. "Good morning, nalaman mo na ba ang gusto ng mga taong nasa ibaba?" "Sir gusto po raw nila ipakita ang mga kasunduan na siyang pinirmahan ni mayor at ang National Housing." "Wala akong pakialam sa kasulatan na iyon. Doon sila magpunta sa mayor nila para magtanong at huwag ako ang peperhuwisyuhin nila, sabihin mo sa kanila." "Opo sir, bababa na po ako." Tumalikod na ang abogado. Sumakit tuloy ang ulo ko, nawala tuloy sa isip ko ang magandang plano na naisip kagabi dahil sa biglaang problema. Tinawag niya ang assistant upang ito ay utusan ito para magmatyag sa ibaba at baka may makapasok na mga kalaban sa gusali. Alam niyang marami sa mga kalaban ang nag-aabang ng mga ganitong kaganapan para umatake. Inutusan din niya itong magdagdag ng security bawat floor nang sa ganoon hindi makapasok ang kung sino-sino. Nang makaalis na ang assistant ay naupo na rin siya sa silya niyang de gulong. Pinag-isipan niya kung kailan aatake at isa-isang gigibain ang mga bahay sa nabiling lupa. Sigurado ang lungkot sa mukha ni Ben. 'Di ko na mahintay ang araw na 'yon. Maya-maya nabalik na naman ang mga mata niya sa mga nangyayari sa ibaba ng kan'yang gusali Ewan kung bakit 'pag may gusto akong gawin para kay Luisa may mga dumarating na problema.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD