Luisa's POV

1381 Words
Nasa isip ko pa rin ang nangyari nang halikan ako ni David sa kalsada. Oo hindi ko puwedeng itago na nagustuhan ko ito pero ayaw ko naman ang ganitong kabilis na relasyon. Nakakatakot baka pagsisihan ko ang padalos-dalos na desisyon. Gusto ko 'pag ako ay nagka boyfriend, sigurado nang siya lang ang aking mamahalin. Sa kilos ni David para siyang naglalaro lamang at ayaw kong mapabilang sa mga babaeng maghahabol sa kaniya. Natapos ang huli naming exam, naghihintay na nga sa pintuan sila Steff, Mary, Hector at Erwin. Nakangiti akong kumapit kay Helga at sinabing "Nakapagpaalam ba kayo sa mga parents ninyo?" "Aba oo kaya nga binigyan pa ako ni mama ng extra na pera pambili ng damit kung may magugustuhan daw ako." Sabi ni Steff. "Ikaw lang ba, ako rin binigyan ng Papa ko para may maganda daw akong damit sa graduation." saad naman ni Mary. "O ano pang hinihintay natin dito, tara na ng makarami!" sigaw ni Helga. "Suwerte tayo dahil may pupuntahan si Papang sa may Baclaran, kaya ihahatid muna niya tayo bago tumuloy sa pupuntahan niya." dagdag ni Helga sa amin. "Kas'ya ba tayong lahat sa sasakyan,?" wika ko kay Helga. "Ang dala ni Papang ay iyong mini van kaya kas'yang-kas'ya tayong lahat." paniniyak ni Helga sa amin. Bumaba na kami ng building habang pinag-uusapan ang huling exam namin. Hindi na namin malalaman kung ano ang resulta niyon pero tiyak ko mataas ang makukuha ko. Sa may gate, naghihintay na ang papa ni Helga. Isa-isa kaming umakyat sa likod ng sasakyan, sinabihan ng Papa niya si Helga na doon na rin sa likod para maayos kaming makapagkuwentuhan. Ilang oras pa ay narating namin ang Mall of Asia at talaga namang lahat kami ay tuwang-tuwa na bumaba sa sasakyan. Lumapit at nagpaalam kami ni Helga sa tatay niya. Sinabihan kaming lahat ng tatay niya na magbehave at huwag magpapagabi. Pumasok na kami sa loob at sinimulan ang aming window shopping. Pumunta kami sa mga pambabae tapos bigla kaming nagkatinginan dahil may kasama nga pala kaming boys. "Paano nga pala si Hector at Erwin?" aniko. "Huwag ninyo kaming alalahanin, okey lang kami." sagot nito sa akin. "Ang mabuti pa doon na lang kayo sa men's section tapos magteks na lang kami sa inyo 'pag puwede nang umalis." ang sabi ko sa kanila. "Sige na nga baka kasi nahihiya sila sa atin. Doon tayo sa mga pantalon." yaya ni Erwin kay Hector. Masaya na kaming pumili ng mga damit at pihikan pala sa pagpili si Steff dahil pabalik- balik siya pero wala pa ring napipili. Si Helga nakapili na ng isang bestida na bulaklakin ang ibabang palda at ang itaas ay puti na may kumbenasyon ng pula. Si Mary naman ay bestida ring kulay brown na may mga pleats ang pagkapalda nito. "Frendy, wala ka pang napipili?" tanong niya sa akin. "Hindi talaga ako pumili dahil nakabili na kami noong namasyal kami." Pagsisinungaling kong sabi kay Helga. Ayaw kong malaman nilang wala akong pera, na gusto ko lang talagang samahan si Helga. Nakapamili na rin sa wakas si Steff, isa itong bohemian off shoulder na kulay rosas at hanggang binti. Mukhang mamahalin ang napili ni Steff kaya tinignan nila Helga at Mary kung magkano ito at hindi nga ako nagkamali dahil three thousand halos ang halaga nito. Hindi naman ako nagtataka dahil mayaman talaga sila Steff. Itsura pa lang at ayos niya talagang masasabi mong may kaya talaga sila. Lahat ng gamit niya ay mga sikat na designer ang may gawa. Matangkad siya at sabihin nating may itsura din pero hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko wala sila sa kutis ko. Iba talaga ang may lahing intsik. Si Mary naman ay may kaya din dahil doctor ang mga magulang niya pero hindi mayabang si Mary at napakabait din nito, hindi ko lang alam paano sila naging bes ni Steff. Maganda din si Mary pero hindi palaayos at sabihin nating may pag-kanerdy type ito. Maliit at payat aakalain mong nasa high school lang siya. Pareho naman silang mabait sa amin ni Helga kaya gusto ko rin silang kasama paminsan-minsan. Nagteks sa amin ang dalawang boys at sinabing gutom na sila kaya nagbayad na yung tatlo ng kanilang nga damit at lumabas na kami roon para kitain sila Hector at Erwin sa may Pancake House. Pagdating namin doon ay prenteng nakaupo na iyong dalawa pero tumayo sila at pinaghila nila kami ng upuan ni Helga na aking ikinatuwa. Ipaghihila din sana nila sila Steff at Mary pero madaling umupo yung dalawang babae kaya umupo na rin sila at ng tanong kung ano gusto naming orderin. "Kung ano na lang oorderin ni Helga ganoon na rin sa akin," sagot ko kay Hector. "Ako spaghetti at chichen." ani Steff. "Ganoon na lang kaya ang order naming tatlo para hindi mahirapan yong magluluto." suhestiyon na sabi ni Helga. "Sige gusto ko rin yon!" saad ni Mary kaya nagkatawanan kaming anim. 'Yong dalawang lalaki as usual mayr'ong extra rice. Habang kumakain wala kaming ibang pinag-uusapan kung hindi ang mga plano namin after graduation. Si Steff baka magpahinga muna sa abroad. Si Helga gusto umuwi ng kalibo at punta raw siya sa Boracay. Si Mary naman baka raw doon sa mga lola niya sa Palawan kaya napasigaw bigla si Helga na kinagulat naming lima. "Frendy, sama kaya tayo kay Mary. Hindi naman tayo tutuloy sa kanila, iba din kasi kung may kakilala tayo na magtotour sa atin!" hikayat na sabi ni Helga sa akin. "Hel, marami kasi na akong inaplayang trabaho online kaya kung magbabakasyon ako, paano pag tinawagan at pinapunta nila ako?" aniko sa kan'ya. "Naku Luisa ang sipag mo talaga kaya believe ako sa iyo." sagot niyang may paghanga sa akin. "Tama na yan at baka kung saan na naman makarating ang ating usapan, Kumain na tayo nang makauwi na," sabi ni Helgang nainis dahil sa hindi ko pagpayag. Hindi ko na lang masabi kay Helga ang totoo kong dahilan na wala nang trabaho si tatay, kaya kailangan ko ang trabaho. Natapos na kami at dahil iba-ibang way naming anim kaya nagpaalam na kami sa isa't-isa. Naunang umalis sila Steff at Mary. Sinabi ni Hector na ihahatid niya ako at dahil gabi na ay pumayag na rin ako. Si Helga naman ay niyaya rin ni Erwin at gusto raw nitong makilala ang mga magulang nito. Kinabahan man, pumayag na rin si Helga dahil mabuti nga iyon at makikilala ng magulang ang manliligaw niya. Hindi pa naman nagsasabi si Hector na manliligaw siya sa akin ay ayaw ko naman siyang pangunahan baka sabihin niyang atat na atat akong paligaw. Palabas na kami sa Pancake House papunta sa sakayan nang may napansin akong naghahalikan sa loob ng sasakyang nakaparada. Kilala ko ang sasakyang 'yon, kapareho ng sasakyan ni David 'yong nagasgasan namin. Ewan ko pero nag-init bigla ang ulo ko. Ang hayop kung makahalik hilig talaga 'yong makikita ng mga tao. Pahingi-hingi pa ng tawad 'yon pala ay nagkukunwari lang at heto may kalandian na kaagad. "Humanda ang lalaking ito at ipapaalam ko sa kanyang walang magiging kami!" sa isip-isip ko. Sabay kaming tumawid ni Hector papuntang sakayan at tamang-tama na bumitaw si David sa kahalikan at nakita niya akong tumawid sa harapan ng sasakyan niya. Humawak ako sa braso ni Hector na kun'waring madadapa kaya inalalayan ako nito. Talagang pinakita ko sa kan'ya si Hector ng sa ganoon malaman niyang hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Nang malapit na kami ni Hector sa bahay sinabihan ko siya na ako na lang bababa kasi alam ko pagod na rin siya. "Salamat na lang at ingat ka!" sabi ko kay Hector. "Sige kita na lang tayo bukas." sagot naman niya sa akin. Pagdating ng bahay nagmano ako kila nanay at tatay. "Kamusta ang lakad ninyo anak?" tanong ni tatay. "Okey lang po. Masaya po at kahit paano nawala ang pagod sa maghapong pag-iisip ng sagot sa exam." aniko sa kanilang dalawa. "May pasok pa ba kayo bukas, anak?" banggit ni nanay. "Sa hapon po inay, may praktis na po kami para sa graduation." pahayag ko kila nanay at tatay. Sa magdamag wala akong naiisip kung saan pa ako mag-aapply ng trabaho. Alam ko kung bakit nagtatanong si nanay kung may pasok pa kami dahil iniisip nito ang babaunin namin sa linggong ito at iyon ang kinalulungkot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD