"Si dad at mom loving loving!" tukso ng dalawang bata. "Pumasok na kayo sa kuwarto ninyo at mag basa ng libro," wika ni Luisa na nahiya sa dalawang bata. Sumunod naman ang kambal sa ina. Pumunta ng kusina si Luisa at uminom ng tubig nang may tumawag sa kan'ya. "Hello, Luisa sa lunes kung puwede sana na pumasok ka na. Alam ko na nag leave ka para ayusin ang kasal mo pero may darating na mga bisita at kailangan ka rito!" ani Mayor Tommy na nahihiya pa kay Luisa. "Okay lang sana kung puwede half day lang ako." hiling nito kay Tommy. "Dito na lang sa opisina natin pag-usapan 'yan." Sambit ni Tommy kay Luisa. "Sige, punta na ako riyan. Paalam lang ako sa mga bata," bigkas ng dalaga na nalungkot. Pagkababa niya ng phone ay lumapit si David sa kan'ya at tinanong siya kung sino ang kausap n

