Nasa opisina si David, hawak niya ang dalawang kuwintas na may pendant na buong puso pero ito ay may hiwa sa gitna. Sinisimbulo nito na 'pag pinagdikit mong muli ang dalawang puso na nahiwalay ito ay mabubuong muli. Parang kagaya ito sa kanilang pagmamahalan ni Luisa. Hindi siya naniniwala na hindi na kaya pa itong muli mabuo. Sa oras na 'yon ay muli siyang napaisip. Hahayaan na ba talaga niyang mapakasal si Luisa kay Tommy. Wala ba siyang magagawang iba para ipaglaban ang karapatan sa mayor? "Sir, naghihintay na po ang CEO ng CONN Construction. Nasa may conference room na po sila." Sabi ng assistant ni David na nag-uulat. "Sige, sabihin mong bababa na ako, bigyan mo muna sila nang maiinom." Sabay tago niya ng regalo na tinitingnan kanina pa. Inayos muna ang sarili bago ito lumabas

