Napatingin si Luisa kay Helga bago nagsalita. Sinabi niya sa kaibigan na kumain muna sila at saka nila pag-usapan nang maayos ang problema niya. "Sarap nitong matamis na saging na niluto mo," sambit ni Luisa na may matamis na ngiti. "Binola pa ako nito. Sige na magsimula ka na sa iyong kuwento at baka maisipan umuwi ng lalaking 'yon." ani Helga sa kaibigan. "Maaga ba siyang umuuwi?" tanong ni Luisa pero 'di ito nagtataka dahil bagong kasal lamang si Tommy at Helga. "Madalas kung minsan pa nga ay kalahating araw lamang siya papasok at uuwi na rin kaagad," sagot ni Helga. Kinilig si Luisa at bigla niyang nayakap si Helga. Napatingin naman si Helga na naguluhan kay Luisa. "Natutuwa ako dahil totoong mahal ka niya at gusto niya na maging maligaya ka nang husto!" sagot ni Luisa. Naalala

