Makaraan ang tatlong araw ay pinakuha ni David ang kambal sa kan'yang assistant. Gamit ang yate ni David mula sa bahay nito ay naglayag sila nang isang oras. Gusto sana ni David na ang mga bata ay sa chopper na lang niya pasakayin pero si Luisa ay natatakot dahil ang mga bata ay malikot na pareho. “Mommy miss na miss kita kaya nga umiiyak ako palagi!” sabi ni Alexa na parang nagdadabog sa ina. “Sandali lang naman ako na nawala. Talaga itong aking baby girl, kaya love ko kayo pareho ng kuya Alex mo!” ani Luisa sa anak na tuwang-tuwa at nakita niyang muli. Niyakap niya ang mga anak at siya ay napaluha. Hindi akalain ni Luisa na magkakaroon siya ng mga anak na ganito katalino at kaganda. “Labs, halika na at baka gutom na ang mga bata. Nagluto ako ng chicken adobo, kaya yayain mo na sil

