Halos pitong oras din bago nakarating si David sa Australia. Pagkaalis niya ng airport ay tumuloy siya sa bahay niya. Mayr'on siyang bahay malapit sa city. Sinabihan na niya ang driver para sunduin siya sa airport. Sakay ng kan'yang colored blue Bentley sinundo siya ng driver niya. Magpahinga muna siya saka niya puntahan ang mama niya na nakatira sa mansyon ng lolo niya, sa mother side. Pagdating niya ay sinalubong siya ng isang matandang babae. Ito si Nanay Kresing, ito ang yaya niya ng maliit pa siya. Dalawa ang yaya niya noon pero kay Nanay Kresing siya mas malapit. Si Nanay Kresing ay fifty five years old na. Bata pa ito nang naging yaya niya. Ito na ang naging para niyang pangalawang ina. Nang twelve years old siya ay kinuha siya ng lola niya sa father side. Kinuha naman ng mot

