Paglipat

1343 Words

"Good morning po, Nay!" "Good morning din, Anak! Kumain ka na. Niluto ko ang paborito mong tinapa na may sawsawang kamatis at sinamahan ko pa nang tinadtad na manggang hilaw." Pagmamalaki ni nanay sa akin. "Salamat po Inay, tiyak na mapapasarap na naman ang kain ko." Naghugas muna ako ng kamay bago umupo "Nasaan nga po pala si tatay?" dagdag kong sabi kay nanay. "Nasa kabilang kalsada. Tumutulong kay kapitan para maayos ang paglipat ng iba nating kabarangay." "Ho, bakit po?" nagtataka akong nakatingin kay nanay. "Isang linggo na lang ang nakalagay sa notice na binigay ng may-ari ng lupang ito. 'Yong iba ay nagkukusa nang umalis para 'di maipit sa gulo ang mga anak nilang maliit pa," "Kaya po pala nagkakagulo sa labas. Naibigay na po ba ang pinagakong pera ng nakabili ng lupang ito?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD