"Ha, at bakit niya hahanapin dito si Luisa? Matapos niyang ipahiya at sabihan ng kung ano-ano ang kaibigan ko! Ngayon hahanapin naman niya. Ano ang akala niya sa kaibigan ko, Isang biro lamang?" ani Helga. Lumabas si Helga, 'di maitago sa mukha ang galit nang siya ay humarap kila David at Gary. Diretsa niyang sinabihan ang binata "Hindi ko alam kung nasaan sila Luisa ngayon. 'Di niya sinabi kung saan sila pupunta ng pamilya niya. Ang alam ko lang gusto niyang makalimot kaya lalayo raw muna siya pansamantala." "Please Helga, kailangan kong malaman kung nasaan siya ngayon? Alam kong nasaktan ko siya at nagsisisi na ako ngayon," ani David. "Bakit ngayon lang? Late ka na, malayo na siya at 'di ko alam kung siya ay babalik pa." Tahimik niyang tiningnan ang reaksiyon ng binata. Nagulat si H

